Angelica Panganiban keeps mum about Derek Ramsay’s legal woes; clarifies issue with Angel Locsin

“Okey naman, kalmado, tahimik ang buhay, masaya,” replies actress Angelica Panganiban (in photo, with boyfriend John Lloyd Cruz) when asked about her current state of mind.


Isang araw bago maghain ng reklamong concubinage si Mary Christine Jolly laban kay Derek Ramsay at dating girlfriend nitong si Angelica Panganiban ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa taping ng Banana Split Extra Scoop, sa Music Museum, noong Martes, October 7.

Relax, cool, at tila masaya lang si Angelica kung anuman ang meron siya ngayon sa kanyang buhay.

“Okey naman, kalmado, tahimik ang buhay, masaya,” nakangiting sagot ng Kapamilya actress nang kamustahin namin siya.



DEREK RAMSAY. Tinanong din ng PEP si Angelica kung ano ang masasabi niya sa kinahaharap na problema ni Derek, kaugnay ng legal battle nito sa estranged wife na si Mary at ang kustodiya ng kanilang anak.

Ngunit pag-iwas ng aktres, “Ayoko nang magsalita.

“Siguro tapos na yung chapter ng life ko, okey na yun.

“Kung anuman ang pinagdadaanan niya, sana ma-settle na nila nang maayos, ‘di ba?

“Yun na lang siguro ang masasabi ko.

“Pero kung makikisali pa ako sa mangyayari, siguro masyado nang mabigat ang pinagdadaanan ng both parties.

“Hindi na ako para sumali pa.”

Sa pinagdadaanan ngayon ni Derek, sumagi ba sa isip ni Angelica na blessing in disguise na wala na sila at may kanya-kanya nang buhay?

Tugon niya, “Wala naman… siguro ano, siguro hindi na para isipin ko pa yung mga ganun.”

Ano naman ang reaksiyon niya na nadadawit ang pangalan niya sa isyu nina Derek at Mary?

“Well, siyempre kinu-call ang attention namin ng management, Star Magic.

“Pero ang advice naman nila, huwag na lang kaming magsalita tungkol sa isyu para hindi na madagdagan pa,” pahayag niya.

Ngunit ang hindi alam ni Angelica ay direkta na nga siyang nadawit sa legal battle nina Derek at Mary, matapos maghain ng reklamo ang huli laban sa kanila ng dating kasintahan kahapon, October 8.

Read: Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage raps filed by Mary Christine Jolly

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ANGEL LOCSIN. Samantala, pinabulaanan ni Angelica na may kaugnayan kay Angel Locsin ang tweet niyang ito ilang linggo na ang nakararaan: “Te… Ang comedy, may tamang pasok… Wag mo ipilit… Sakit na ng ulo namin.”

Isa sa followers ni Angelica ang nagtanong kung ang tinutukoy ba niya sa kanyang tweet ay si Angel, na noon ay nag-guest naman sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Ayon kay Angelica, ang kaibigan at kasamahan niya sa Banana Split na si Pooh ang kapalitan niya ng tweets noon.

Saad pa ng aktres, “Magka-text talaga kami nun. Magka-text talaga kami.

“At pagkatapos, tinext ko siya after ng tweet ko na, ‘Ano ba ‘yan, ang laki na ng naging isyu!’

“Actually, habang ongoing ang Showtime, tinext ko rin si Pooh.”

Ayon pa kay Angelica, maayos na sila ni Angel ngayon.

Nagsimula ang isyung magkaaway sila nang magsama sila sa pelikulang One More Try (2012).

Saad ni Angelica, “Okey na rin naman kami ni Angel kasi kaya hindi ko na rin pinatulan yung isyu.

“Noong mamatay ang mommy ko, nagpadala siya ng bulaklak.

“’Tapos, noong manalo kami sa Guillermo, after nun, nagpalitan kami ng text.

“Hindi ko maalala kung yun ‘yon, parang yun ‘yon.”

Kung sakaling may offer na magsama sila ulit sa isang proyekto, payag siya?

“Ngayon, personally, oo, okay na sa akin,” sagot ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN