Carla Abellana on bashers: “Hindi naman tayo apektado doon, sa sobrang busy at sa dami ng blessings.”

Umiwas na si Carla Abellana na pag-usapan ang ex-boyfriend nitong si Geoff Eigenmann. Hindi rin daw siya apektado sa bashers na nagpaparinig sa kanya matapos niyang magsalita noon tungkol sa pagpapatawad.


May ilang bumatikos kay Carla Abellana sa sinabi nito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong August 12, tungkol sa pagpapatawad sa dating kasintahang si Geoff Eigenmann.

Read: Carla Abellana on forgiving ex-boyfriend Geoff Eigenmann: “Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”

Kaninang hapon, October 13, sa set visit ng teleseryeng My Destiny sa Biñan, Laguna, muling inusisa ng media sa aktres kung kumusta na sila ni Geoff.

Pero umiwas na si Carla na sagutin ito.

Aniya, “Ay ayoko nang pag-usapan.”

Sa huling panayam din ng PEP kay Geoff, ayaw na rin nitong pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Carla.

Read: Geoff Eigenmann proudly flaunts bulge at Cosmo Bachelor Bash 2014

Pero sabi ni Carla, “Ay, never naman siya nagsalita, e. Never naman siya nagsalita, ‘di ba?”

Muling tinanong ng PEP si Carla kung ano ang masasabi niya sa mga pagpaparinig sa kanya ng mga tagasuporta ni Geoff sa social media.

Tugon ng 28-year-old actress, “Well, wala na tayo magagawa, ‘di ba?

"That’s their personal accounts or ano nila ‘yan, oras nila ‘yan, buhay nila ‘yan.

“So, bahala sila, they can do whatever they want.

“Hindi naman tayo apektado doon, sa sobrang busy at sa dami ng blessings.”



MY DESTINY. Samantala, sa Biyernes, October 17, ay magtatapos na ang GMA primetime series na My Destiny, na kanyang pinagbibidahan kasama sina Tom Rodriguez, Rhian Ramos, at Sid Lucero.

View Gallery: CAST MEMBERS: My Destiny

Ano ba ang maaasahan ng loyal viewers ng kanilang teleserye sa nakatakda nitong pagtatapos?

Ayon kay Carla, “Hindi namin alam kasi kahit kami nagugulat.

"The script arrives per day, hindi siya yung isang buo na kumpleto, then hindi namin alam kung ano pa yung mangyayari.

“Nagugulat na lang talaga kami kasi, as of the moment, ang daming conflict, tension, nag-away-away talaga lahat, sobrang intense.

"So, hindi mo alam kung paanong babaligtad yun or what, so kahit kami nagugulat pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ba ang writer ng show, paano niya gustong tapusin ang istorya ng My Destiny?

“Patayin lahat ng tao!” pabirong sagot ni Carla.

Paliwanag niya, “Kasi lahat sila salbahe e, ang sasama nilang lahat, parang walang deserving na maging masaya sa huli. Para silang mga walang isip.”

Dugtong pa niyang natatawa, “Oo, napaka-unrealistic [ng ending], patay sila lahat!”

Pero sa totoong buhay, naniniwala kaya siya sa destiny?

Sagot ni Carla, “Oo. Kahit papa’no, there are some things na hindi natin ma-explain na mga nangyayari for some weird reason, ’tapos at the end of the day, ’pag inisip mo, ‘A, okay, yun talaga ang meant na mangyayari.’

“Yun lang, parang unexplained.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN