Rhian Ramos on forgiving ex-boyfriend Mo Twister: “It’s very difficult to forgive people when they aren’t sorry.”

Nananatiling single ngayon si Rhian Ramos, pero masaya raw ang Kapuso actress dahil nae-enjoy niya ang mga bagay-bagay sa buhay nang walang inaalalang tao.


Bukas na si Rhian Ramos na pag-usapan ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Mo Twister.

Diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress tungkol kay Mo, na paminsan-minsan ay bumibira pa rin sa social media sa mga celebrity na gusto nitong punahin.

Natatawang sagot ni Rhian, “Yung huli ko lang nabalitaan, yung before, yung kay Charice. Pero after that, I don’t know.

“Baka I am not paying attention, pero I don’t know kung may iba pa after that.”

Ganun ba talaga si Mo sa pagkakakilala niya noon?

“I guess!” natatawang sagot niya.

Sa ngayon daw, tinatawanan na lang ni Rhian ang mga tanong tungkol sa ex-boyfriend.

Sabi pa ng 24-year-old actress, “Oo, ngayon, kaya ko na siyang talakayin.”

Ibig bang sabihin, naka-move on na siya totally mula sa kanilang masakit na hiwalayan?

Sagot nito, “Oo naman.”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng press si Rhian sa set visit ng GMA primetime series na My Destiny, sa Biñan, Laguna, kaninang hapon, October 13.

FORGIVEN? Naging masalimuot ang naging pagwawakas ng relasyon ni Rhian sa radio-TV host na si Mo noong 2011.

Humantong pa nga ito sa paghabla ni Rhian kay Mo at sa pagpa-file nito ng temporary protection order (TPO) laban sa dating kasintahan.

Read: Rhian Ramos breaks silence after controversial breakup with Mo Twister

Muling nagkaroon ng boyfriend si Rhian sa katauhan ni KC Montero, pero humantong din ito sa hiwalayan.

Read: FIRST READ ON PEP: Rhian Ramos and KC Montero split

Tanong ng PEP: Napatawad na ba niya si Mo?

Seryosong tugon ni Rhian, “Uhm, with God’s forgiveness, I can…

“It’s a kind of thing that I kinda need to pray about because it’s very difficult to forgive people when they aren’t sorry.

"But just… you have to remind yourself na lang about who you are and what you believe, and, you know, just do the right thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think, if I just… you know, hindi ko siya ma-justify sa sarili ko pero I just…

"Because I know it’s the right thing to do, to forgive and let go, then that’s what I do.

“It’s an effort.”

Ano ba ang leksiyong natutunan niya sa relasyon nila?

“Don’t be stupid!” sabay pakawala ng malutong na halakhak.

So, inaamin ba niyang naging "stupid" siya?

“Stupid naman talaga ako. Pero yun lang.”

LOVELIFE. Sa ngayon daw ay ini-enjoy ni Rhian ang pagiging single.

“Lovelife? It doesn’t exist, but it’s okay.”

Paano niya nakakayang walang minamahal sa ngayon?

Sabi ni Rhian, “Wala. Actually, I like it, kasi mas may time ako para sa mga bagay na gusto kong gawin.

“Parang feeling ko kasi na ’pag attached ka, medyo may pressure to spend time with the person kahit ubos na yung time mo.

“Parang ganun. So, happy naman ako.”

MY DESTINY FINALE. Sa Biyernes, October 17, magwawakas na ang My Destiny, kung saan ginagampanan ni Rhian ang role ni Joy dela Rosa, kapatid ng character ni Carla Abellana na si Grace.

Ano ba ang espesyal na mapapanood ng viewers sa pagtatapos ng show?

Sabi ni Rhian, “Mapapakita din sa ending yung love nung character ko dun sa kapatid niya, sa pamilya niya.

"Which is parang, may part kasi sa story na parang medyo na-distract siya dun, kasi parang na-in love siya masyado dun sa lalaki.

"So, parang feeling ko, na-justify na siya."

Ang lalaking tinutukoy ni Rhian ay ang character naman ni Tom Rodriguez na si Matthew Andrada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN