Solenn Heussaff not aware of Derek Ramsay’s marriage prior to their relationship

Wala na raw komunikasyon pa si Solenn Heussaff sa ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay simula noong maghiwalay na sila. Nagulat lamang daw ang Kapuso actress nang mabalitaan niyang ikinasal pala ang aktor kay Mary Christine Jolly bago pa maging sila.


Wala raw maikukomento si Solenn Heussaff sa nagaganap na legal battle sa pagitan ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay at ng estranged wife ng aktor na si Mary Christine Jolly.

“Ay, wala akong masasabi diyan!” bulalas ng Kapuso actress nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press launch ng Ilustrado, na ginanap sa Historia restaurant, sa Sgt. Esguerra St., Quezon City, Huwebes ng tanghali, October 16.

Pero nag-reach out ba si Derek sa kanya?

Sagot ni Solenn, “Hindi, hindi.

“We really don’t keep in touch since we broke up.

"If I see him in person, magkukumusta kami.

"Pero aside from that, tapos na yung… history [na] ‘yan, tagal na tagal ‘yan.”

Tatlong taon—on and off—naging magkasintahan sina Solenn at Derek hanggang sa maghiwalay sila noong 2006.

Seventeen years old lamang si Solenn at 26 years old naman si Derek noong naging sila.

Muling umingay ang usapin tungkol sa mga naging kasintahan ni Derek dahil sa paghahain ni Mary ng reklamong concubinage laban sa aktor at ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban.

Read: Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage raps filed by Mary Christine Jolly



DEREK’S MARRIAGE? Taong 2002 ikinasal si Derek kay Mary sa Balagtas, Bulacan.

Aware ba si Solenn na kasal na pala si Derek nung naging sila?

Tugon niya, “Nung nakita ko lang sa news ngayon.

"Alam ko yung mga exes lang niya, yun na.

“No, no... alam ko lang ex-girlfriend. Dami naman siyang girlfriend.”

Totoo rin bang may isang pagkakatong nagkapalitan sila ng text message ni Mary?

Tanggi ni Solenn, “Wala akong text messages sa kanya.

“Na-meet ko siya dati sa M-Café, sa Greenbelt. Nakita ko siya dun, like, three years ago or four years ago.

"’Tapos sabi niya, nandito siya para sa anak niya.

"Pero never kami nagti-text, wala akong number."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam niya na nakakaladkad ang kanyang pangalan sa kontrobersiya sa pagitan nina Derek at Mary?

Nakangiting sagot ni Solenn, “Wala, yung feeling ko, okay lang ako.

“Wala naman akong kasalanan, so it’s okay.

"’Tapos underage naman ako dun, 17 ako.”

Ang mahalaga raw ngayon ay maligaya si Solenn sa piling ng kanyang live-in partner na si Nico Bolzico.

Pagmamalaki pa niya, “Yeah, I’m so happy now. Move on, guys.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN