Vin Abrenica says brother Aljur will pursue childhood dream of becoming a pilot

Bukod daw sa pagma-manage ng kanilang family business sa Batangas, abala rawa ngayon si Aljur Abrenica sa paghahanda nito sa kanyang pag-aaral para maging piloto, ayon sa kanyang nakababatang kapatid na si Vin Abrenica.


“He’s really happy now.”

Ito ang masayang ibinalita ni Vin Abrenica tungkol sa kapatid na si Aljur Abrenica, tatlong buwan ang nakalipas mula nang maghain ang huli ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract laban sa GMA Network.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Dagdag pa ni Vin tungkol sa kanyang kuya, “Madalas kami mag-usap, super happy siya ngayon ‘pag nakausap ko siya.”

Ano ba ang madalas na pinag-uusapan nilang magkapatid?

Ayon sa Kapatid contract artist, “More likely now, kasi nagkakaroon na siya ng mga free time, inaasikaso niya ang mga gustong gawin niya sa buhay niya.

"’Tapos, meron siyang good news sa akin nung isang araw, finally, magagawa na niya yung course niya sa pagpi-piloto.

“Gusto niya kasi, ever since talaga, before siya maging artista, dream talaga niya maging pilot.

“So, ayun, good news niya sa akin yun nung isang araw lang.

"And non-stop din siya kasi more than half of the business naman in Batangas is his, e, so nagsu-supervise din siya dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vin sa presscon ng TV5’s Wattpad Presents, kung saan gaganap si Vin sa episode na Fake Fiancé kasama ang girlfriend nitong si Sophie Albert.

Ginanap ang presscon sa Max’s restaurant, Glorietta 3, Makati, noong Miyerkules, October 15.


COMPLAINT UPDATE. Inusisa rin ng PEP si Vin kung ano na ang update ng reklamo ng kapatid laban sa home network nito, ang GMA.

Aniya, “Sa mga kaso niya, ang latest update dun… para sa akin, masaya lang ako na masaya siya, kasi unti-unti na niyang nasu-solve yung mga problems, e. Yun lang ang alam ko.”

May balita ring puwede raw bumalik sa Kapuso network si Aljur basta hindi na ang Artist Center ang hahawak sa kanyang career. May alam ba siya dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Vin, “I’ve heard about that, ’tapos actually I heard about that.

"Nagkukuwento din siya sa akin.

"Actually, may mga ibang tao na nagsasabi sa akin na, ‘Lilipat ba siya sa 2?’

"Actually, as a brother, I don’t know."

Ano ang masasabi niya sa negative reaction ng mga tao sa ginawa ng kuya niya?

Saad ng 23-year-old actor, “Actually, we’re all shocked. Even him, kahit nung nag-file na siya.

“Para sa akin naman, I support his decision, e, no matter what happens.

"Kahit ano gawin mo sa desisyon mo, I’m a brother, I’m gonna do what a brother does—susuportahan ko siya sa lahat ng gagawin niya."

FAKE FIANCÉ. Halos dalawang taon na ang huling pinagsamahang proyekto nina Vin at Sophie. Ito ay ang Never Say Goodbye kasama ang Superstar na si Nora Aunor.

Kaya raw ganun na lang ang excitement ng dalawa na finally ay muli silang magkakasama sa isang proyekto.

Saad ni Sophie, “Exciting kasi finally mapagbibigyan na namin yung sobrang, sobrang, sobrang solid So-Vhin fans na from two years ago hanggang ngayon, todo-suporta pa rin sa amin.

.

“So, I’m very happy na mapapasaya namin sila kahit sa limang araw lang.”

Sabi naman ni Vin, bukod sa istorya ay excited din siyang makasama ang "mahal" niyang si Sophie sa serye na mapapanood na sa November 3, sa TV5, sa ganap na 9:30 ng gabi.

Bukod sa Fake Fiancé, kasama rin sa mga bagong mapapanood sa Wattpad Presents ang Dyepni (October 20) na pagbibidahan ng mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia; Savage Cassanova (October 27) starring Ritz Azul at Edward Mendez; at Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang) (November 10) na pagbibidahan naman nina Isabelle de Leon at Edgar Allan Guzman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN