Enchong Dee says his parents approve of his girlfriend Samantha Lewis

Enchong Dee on how he introduced his girlfriend to his parents: “Two months ago, sumama siya sa Sunday Mass tapos kumain siya after. From then on, niyayaya na siya nina Mama at Papa."


Ibinahagi ni Enchong Dee na boto ang kanyang pamilya sa non-showbiz girlfriend niyang si Samantha Lewis.

Sa katunayan, madalas umanong iniimbitahan ng mga magulang ng Kapamilya heartthrob ang Filipino-British model mula nang magkakilanlan ang mga ito dalawang buwan na ang nakararaan.

“Sumama siya sa Sunday Mass, ’tapos kumain siya after. From then on, niyayaya na siya nina Mama at Papa.

“Sabi sa kanya, “O, ha, every Sunday papakainin ka namin kasi ang payat-payat mo.’

“Yun ang goal nina Mama at Papa, pakainin siya sobra!” kuwento ni Enchong.

Nakilala na rin daw ng young actor ang ina ni Samantha, at madalas pa nga nila itong isama kapag nagde-date silang magkasintahan.

“Oo... pero wala kasi siyang daddy, so mom lang niya.

“Every time na magkasama kami, ‘pag available siya [Samantha’s mom] isinasama namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa media launch ng kanyang self-titled debut album na ginanap sa Don Henrico’s restaurant, sa Quezon City, kagabi, October 16.

Hulyo ngayong taon nang aminin ni Enchong na mayroon siyang non-showbiz girlfriend.

Gusto sanang panatilihing pribado ng aktor ang kanyang lovelife.

Ngunit sinorpresa niya ang publiko nang dalhin niya si Samantha sa ginanap na Star Magic Ball noong September.

Read: Enchong Dee confirms relationship with model Samantha Lewis

Nabigla ba si Samantha nang bigla siyang isama ni Enchong sa naturang event?

Sagot ng Kapamilya star, “Actually, may deal kami.

"Sa Star Magic Ball, ako magpapakilala sa kanya sa mga kaibigan at katrabaho ko.

“Sabi ko sa kanya, ‘Pagdating sa Fashion Ball, ikaw naman magpapakilala sa akin, ha?’

"Kasi mas mundo niya yun, e, yung Fashion Ball.

“So, ginawa naman niya.

"Ako naman, sunod lang ako nang sunod sa kanya, hi-hello lang [sa mga ipinakilala niya].”

Nagbigay rin ng detalye si Enchong kung paano sila unang nagkakilala ni Samantha.

Nasa shooting daw siya noon ng Once A Princess nang bigla siyang yayain ng kanyang manager na si Keren Pascual na dumalo sa isang event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-alangan pa raw si Enchong na magpunta roon dahil hindi niya sigurado kung anong oras matatapos ang kanyang trabaho.

“While shooting, bigla ako na-pack up nang maaga, which really happens.

“Na-pack up ako ng 6 P.M., so sabi ko, ’Sige, Tito [Keren], pupunta ako.’

“Humabol ako. And pagpunta ko sa event na yun, she’s one of the models.”

Sa kabila ng mga kumukuwestiyon sa kanilang relasyon, sinabi ni Enchong na nananatiling matatag ang samahan nila ni Samantha.

Sa katunayan, sa mismong back cover ng album ay makikita na isa si Samantha sa mga pinaghandugan ni Enchong ng kanyang bagong proyekto.

Sabi rito, “To my Panda, you inspire me to be a better person and for that I thank you.”

Kinumpirma naman ni Enchong sa PEP na si Samantha ang tinutukoy niyang “my Panda.”

Paliwanag ni Enchong tungkol sa terms of endearment nila ng kanyang nobya: “Kasi hirap siya matulog. Medyo may pagka-insomnia siya.

“So, feeling niya, maitim yung [paligid ng mata niya]. So, ‘panda’ siya.

"Ang tawag niya sa akin ‘monkey’ kasi Super Chonggo [yung monicker ko]."

Ayon pa sa actor-dancer-singer, habang ginagawa niya ang album ay kay Samantha niya unang ipinaparinig ang mga ini-record niyang kanta.

“Pinaka-favorite niya ‘Seloso.’

"Sabi niya, ’Kinakanta mo ba ‘to para sa akin?’

"Sabi ko, ‘Hindi, kasi kung kinakanta ko para sa ’yo ‘yan, ‘Selosa’ title niyan,’" saad ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN