Derek Ramsay surprised by Mary Christine Jolly’s move to withdraw VAWC complaint against him

Derek Ramsay on latest development in legal battle with estranged wife Mary Christine Jolly: “I will not let this add to my stress. Let’s just see what they will do and I will answer whatever they throw at me.”


Hindi raw inasahan ni Derek Ramsay ang pagwi-withdraw ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly sa inihain nitong reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act laban sa kanya.

Ayon sa abugado ni Mary na si Atty. Argee Guevarra, nagdesisyon silang iurong ang reklamo dahil may nakarating na impormasyon sa kanila na isang maimpluwensiyang tao diumano ang nagmamaniobra upang ma-dismiss ito sa Makati Prosecutor’s Office.

Kaya maghahain na lamang daw sila ng panibagong reklamo sa Department of Justice (DOJ).

Read: Mary Christine Jolly withdraws VAWC complaint; Derek Ramsay camp says: "He refuses to be a victim of extortion."

Reaksiyon dito ni Derek, “I never expected that.

“I think it’s just insulting to the judicial court of Makati.

“I don’t know what their real reason behind it.

“There are submission to the court na sinasabi nilang nakikipag-settle ako, it’s not true.

“Kung nakikipag-settle ako, bakit sila nag-file ng concubinage sa [Parañaque]?

“Sinasabi nila sa media na hindi sila nakakuha ng hustisya sa Makati, sila naman nag-file sa Makati.”

Dagdag pa ng aktor, “I will not let this add to my stress.

“Let’s just see what they will do and I will answer whatever they throw at me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa MetroWear Icon Cary Santiago fashion show noong Lunes, October 13, na siya ring araw kung kailan iniurong ng kampo ni Mary ang reklamo nito laban sa aktor.



KRIS AQUINO. Kasama ni Derek na dumalo sa fashion show ang TV host-actress na si Kris Aquino, na isa sa malapit na kaibigan ngayon ng aktor.

Photo by Mark Atienza

Nadadawit din ang pangalan ni Kris sa isyu nina Derek at Mary dahil siya raw ang sinasabing “maimpluwensiyang tao” na nagmamaniobra sa legal battle ng estranged couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kris ang bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino.

Itinanggi naman ni Derek na tinutulungan siya ni Kris sa mga kasong kinahaharap niya.

Pahayag ng 36-year-old actor, “Tanungin ninyo pa si Kris kung natulungan niya ako in that way.

“The only way that Kris has helped me is being a friend.

“She reminds me to keep my head up, but that’s it.

“Ang gusto ko lang naman dito is pantay yung laban, e.”



ANGELICA PANGANIBAN. Hindi naman daw maintindihan ni Derek kung bakit kinailangan pang idamay ni Mary ang ex-girlfrieng ng aktor na si Angelica Panganiban.

Naghain ng reklamong concubinage si Mary laban kina Derek ay Angelica sa Parañaque Prosecutor’s Office noong October 8.

Read: Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage raps filed by Mary Christine Jolly

Saad ni Derek, “First thing that entered my mind, I want to reach out to apologize and call Tita Annabelle [Panganiban, Angelica’s mother].

“I apologized to her.

“She said some really nice things to me na ipinagtatanggol niya raw ako, na kilala niya ako, na parte na rin ako ng pamilya.

“Like, wow, na-touch talaga ako sa sinabi niya.

“Then, I talked to Angel, I apologized to her. Nakinig naman siya sa apology ko.

“I just felt that it was the first thing that I needed to do and she accepted my apology.

“It’s sad that she’s [Mary] bringing in somebody.


“I thought it’s all about my son, I don’t see the connection.

“Feeling ko, strategy na naman niya ito.”

Ano naman ang masasabi niya sa pagri-react ng kampo ni Mary sa ginawa niyang public apology kay Angelica, gayong hindi raw magawang humingi ng tawad ng aktor sa estranged wife nito at sa kanilang anak?

Read: Derek Ramsay apologizes to Angelica Panganiban over concubinage complaint of Mary Christine Jolly

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Derek, “Six years kami ni Angel, that’s why sabi nga ni Mom, parang pamilya. Kaya ang trato ko rin sa mom niya, parang pamilya.

“I feel bad that she’s being dragged into something that she’s not part of, she shouldn’t be part of.

“I apologized, and even by apologizing, may masama silang sinabi sa akin yung lawyer niya.

“Nagmura pa yata sa blog niya… anong klaseng tao daw ako, nag-a-apologize ako kay Angel, pero hindi kina Mary Chrsitine at sa anak ko.

“He’s unbelievable, he doesn’t know what I feel about my son, what I’m going through.

“He kinda annoy me but there are people like that, I guess, in this world.

“I just have to be strong and not be affected.”



DEREK’S FIGHT. Tiniyak din ni Derek na hinding-hindi na siya makikipag-ayos at hindi siya papayag sa hinihinging P48 million ng kampo ni Mary.

Saad niya, “Guys, how many times I have to say, we had a settlement before, a contract.

“I won’t buy it…

“Inako ko yung education. I gave money na hiningi niya dati, then nandito na naman tayo.

“Where’s my guarantee? How will I know she wouldn’t run off and never see my boy?”

“Basta ako, I am fighting for my son.”

Dagdag niya, “I can’t be emotional, ang pinag-uusapan natin dito ay anak ko.

“Hindi ko nakikita ang anak ko, hindi ko alam kung nasaan siya, hindi ko alam kung nag-aaral siya.

“Ang payat-payat ko ngayon… I wanna do everything that I can to have a chance to be a father to my son.

“Nakita mo naman ako nun, hindi ako makapaniwala na nangyari yun.

“Nagpunta ako sa hearing na yun, gusto kong makita ang anak ko.

“I wasn’t supposed to be in that hearing, but when I found out that he’s there, sumunod na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then na-shock na lang ako na may isinulat ang bata, saying that he hates me. I was in shock that entire hearing.

“They are talking about settlement-settlement…

“I said, whenever it needs to be done.

“But after that talk, I got a phone call, ako pa raw magbabayad ng lawyers niya [Mary].

“Hindi lang yun, they are demanding that we give a draft.

“Nagbibigay sila ng ultimatum, sila ang nagti-threat sa akin, ‘If you don’t give the draft by this morning, we are filing the affidavit.’

“Parang, ‘Ano ba ito?’ ‘Tapos papalit-palit ng lawyers.

“Hindi ko na talaga alam ang nangyayari, kung sino ang nagre-represent sa kanya.

“But, apparently, it was Argee Guevarra now who is the head… paiba-iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN