Derek Ramsay apologizes to Angelica Panganiban over concubinage complaint of Mary Christine Jolly

Idinaan ni Derek Ramsay sa social media ang paghingi niya ng paumanhin sa dating kasintahang si Angelica Panganiban dahil sa pagkakadawit ng aktres sa concubinage complaint na inihain ng estranged wife ng aktor na si Mary Christine Jolly.


May espekulasyong wala nang komunikasyon sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban mula nang tapusin nila noong May 2012 ang kanilang anim na taong relasyon.

Kaya ang social media ang ginamit ng The Amazing Race Philippines Season 2 host para iparating sa aktres ang paghingi niya ng paumanhin.

May kinalaman ang public apology ni Derek sa pagkakadamay ni Angelica sa concubinage complaint na inihain ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly sa Parañaque Prosecutor’s Office noong Miyerkules, October 8.

Idinawit ni Mary si Angelica sa kanyang reklamo dahil sa pahayag ng Kapamilya actress sa isang magazine article na matagal na panahon silang nag-live-in ni Derek.

Read: Derek Ramsay, Angelica Panganiban face concubinage raps filed by Mary Christine Jolly

Dahil sa pagkakadawit ni Angelica ay humingi ng paumanhin sa kanya si Derek sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Twitter account (@kingderekramsay):

Samantala, hinihintay ng publiko ang sagot ni Angelica tungkol sa reklamo laban sa kanya ng estranged wife ni Derek.

Ngunit sa halip na sumagot, nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng happy photo nila ng kasintahang si John Lloyd Cruz na may caption na: “This is us happy. God be with you.”

Ayon sa mga nakabasa nito, ito ang mensahe ni Angelica para kay Mary.

Read: Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz stay "happy" amid new controversy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN