Richard Chua on wife Nadine Samonte: “She’s every man’s dream girl talaga.”

Richard Chua happily narrates how wife Nadine Samonte takes care of him: “Would you believe before I go to work... I go to work at 5:00 am. She wakes up at three para paglutuan ako ng breakfast, every day. Yung uniform ko siya ang naglalaba. Hands-on siya sa akin. Bilib ako.”


Mag-iisang taon na ngayong Oktubre mula noong ikasal ang aktres na si Nadine Samonte sa 37-year-old boyfriend nitong si Richard Chua, isang non-showbiz guy na anak ng character actress na si Isabel Rivas.

Naganap ang kasalan sa isang private resort sa Zambales na dinaluhan ng ilang family members ng dalawa at ng ilang piling-piling kaibigan.

Read: PEP EXCLUSIVE. Nadine Samonte has been married to Richard Chua for one year

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mag-asawa nang matiyempuhan ng writer na ito sa bazaar na binuo ng magkapatid na Glenda Garcia at Melissa Mendez sa 2nd floor ng Fisher Mall kahapon, October 17, alinlangan ang mga itong magbigay ng pahayag tungkol sa isinikreto nilang wedding sa media.

Nagpahulaan pa muna ang mag-asawa sa ilang impormasyon ng kanilang kasal dahil ayaw nga nilang ibigay ang buong detalye tungkol dito.

Pero sa kakapilit ng PEP ay nagpaunlak naman din ang dalawang magkuwento sa kung paano naganap ang kanilang wedding.

Ayon sa mister ni Nadine na si Richard, “We wanted to be solemn na parang hindi naman... no offense to the media... para hindi naman pagpiyestahan yung sa amin [kasal]. Gusto namin pamilya lang.

“Konting friends lang ang na-invite ko. Wala, just my best man. That’s it.”

Patuloy pa ni Richard sa rason kung bakit nila isinikreto ang kasal, “Gusto kasi talaga naming maging private and solemn yung kasal. Isa pa, I work for the government. Hindi naman ako showbiz, e.

“Hindi ko naman siya [Nadine] pinagbabawalan sa ginagawa niya [pag-aartista]. Mas maganda na gano’n na lang. Gusto niyang mag-showbiz, mag-showbiz life siya. Basta, kami. Kasal kami.”

Apat lang daw ang godparents na kinuha nila at mahigpit na binilinan nila ang mga itong huwag maglabas ng photos o videos ng kanilang kasal.

Kasama rin ng mag-asawa ang ina ni Nadine na si Mommy Edge sa Bazaar na siyang tumatao sa puwesto ni Nadine. Ito ang nagpasilip sa amin sa kanyang cellphone ng ilang mga photos na kuha sa wedding ng ceremony ng dalawa na aniya ay ginawa sa farm nina Richard sa Zambales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilalabas daw ng mag-asawa sa social media ang kanilang wedding photos sa first wedding anniversary nila this month.

Gusto raw sana nilang isabay ang pag-announce ng wedding nila kasabay ng pagbabalita sana nila ng pagbubuntis niya.

Pero ayon kay Nadine, umaasa siyang mabubuntis siya sa lalong madaling panahon gaya ng dasal nilang dalawa ni Richard.

DREAM GIRL. Tinanong namin si Richard kung ano ang nakita niya kay Nadine noong magkasintahan pa lang sila at ano pa ang nadiskubre niya rito ngayong mag-asawa na sila.

Ayon kay Richard, “She’s very sweet, sobra. Talagang dream girl. She’s every man’s dream girl talaga.

“Noong mag-asawa kami doon ko nakita yung consistency niya. Nung nakilala ko siya, hindi siya yung parang level na ini-expect mo na bumaba. Hindi, tumataas siya. Woman of essence si Nadine, e.

“Would you believe before I go to work... I go to work at 5:00 am. She wakes up at three para paglutuan ako ng breakfast, every day.

“Yung uniform ko siya ang naglalaba. Hands-on siya sa akin. Bilib ako.

“Kumuha ako ng maid. Yung maid halos walang ginagawa. She cleans our room, vacuum, everything. Laba ng damit, luto, washes the dishes, lahat. Sobrang galing magluto.

“Hello? Look!” sabay hawak ni Richard sa kanyang tiyan.

“Before I met her, wala akong tiyan. But it’s a product of happiness. Hindi naman negative. So it’s positive.”

Wala raw ideya si Richard na ganito kaganda ang buhay may-asawa na papasukin niya sa piling ng isang artistang gaya ni Nadine.

Kuwento pa niya, “When I met Nadine, I had no idea. I met her through my mom, e.

“Magkasama sila sa show, sa Kidlat,” banggit niya sa nagtapos nang TV5 action-fantaserye na pinagbidahan ni Derek Ramsay.

Napangiti si Richard sa tanong namin kung sino ang ina niyang nagpakilala sa kanya kay Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST MEETING. Noong binanggit niya ang pangalan ni Isabel Rivas at sinabi nitong hindi na namin siya matandaan. Doon namin naalalang minsan din nitong pinasok ang pag-artista.

Si Richard ang nag-iisang anak ni Isabel. Nag-artista ito saglit noong binatilyo pa siya. Pero matapos gumawa ng isang pelikula, mas pinili nitong mamuhay sa likod ng kamera.

Natawa si Richard nang biruin naming tumaba siya kaya hindi namin siya nakilala agad.

Patuloy niyang kuwento sa love story nila ni Nadine, “Noong bago ko nakilala si Nadine, my mom told me na meron siyang kaibigan na nagwi-wakeboard na walang kaibigan sa wakepark.

“E, nagwi-wakeboard ako with friends. So sabi ko, sige, turuan ko siya.

“Then after nung Sunday na nag-church kami ni Mommy, nag-meet kami. So nung nag-meet kami, ah, sabi ko, siya pala si Nadine Samonte. I didn’t know.

“Niyaya ko siya, tinuruan ko siya hanggang sa... that same day, na-in love na ako sa kanya.”

“Natuwa naman siya sa akin noong tinuruan ko siya and then, niligawan ko na siya.

“Nagtiyaga ako sa kanya, natuwa naman siya sa akin.”

Kasama rin daw ni Nadine ang ina niyang si Mommy Edge noong unang araw na nagkasama sila sa wakeboarding ayon pa rin kay Richard.

Ano ang naging reaksyon ni Isabel noong ligawan na ni Richard si Nadine?

Lahad niya, “Hindi niya alam na nililigawan ko si Nadine. Wala siyang ideya. Friends lang talaga sa start, yun ang akala niya.

“Nagulat na lang siya nung nagkita kami, nag-holding hands na kami [Nadine]. Mommy, talaga nagulat. ’Ay, ano ’yan?! Akala ko friends lang kayo?’”

Ano naman ang naging reaksyon ng Mommy ni Richard noong nalaman niyang engaged na sila?

“Supportive si Mommy. Sobrang love ni Mommy si Nadine. Tuwang-tuwa si Mommy. My mom loves her to death,” pagmamalaki ni Richard.

Ibig sabihin, malaking bagay na showbiz din ang orientation ni Richard dahil sa mommy niya kaya nagkakaintindihan sila ni Nadine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In a way, yeah. Kasi I’m growing up, saw my mom, my uncle, my cousin, mga artista, e. So, naiintindihan ko.

“Pero like I said, may limitation din. Hindi naman ako bulag na make-believe yung story ng asawa ko sa TV na... parang nakapaipokrito ko naman para sabihing okey lang na may ka-kissing scene siya araw-araw [sa TV].

“I mean, at a certain level, yeah. That’s her career, e. Ayoko naman siyang… pero supportive naman ako sa kanya.”

Seloso ba si Richard?

“Hindi ako seloso, e. Pero when it comes to her, napakatino niyang babae. Wala akong dapat alalahanin, wala,” kampante niyang pahayag.



THE PROPOSAL. Sa salaysay pa ni Richard, sa ilang buwan pa lang nilang pagiging magkasintahan naganap na ang proposal niya kay Nadine.

Nasa Camarines Sur sila nito nang maganap ang proposal niya.

Kuwento pa niya, “Maraming papel, gumagawa lang ako ng parang ring. So nakabuo ako ng ring isinuot ko sa kanya. Sabi ko, will you marry me?

“E, sumagot siya ng oo. Nagulat ako. So sabi ko, ’This is it!’ Itinuloy ko na. ’Tapos no’n, binigyan ko na siya ng totoong ring.”

Sa detalyadong salaysay ni Nadine, sa loob pa lang ng isang buwan nilang magkasintahan ni Richard, nag-propose na raw ito ng kasal sa pamamagitan ng isang “paper” ring.

After three months, doon na ito pormal na nag-alok ng engagement sa totoong singsing na. At makalipas ang anim na buwan ay ikinasal na raw sila nito.



HONEYMOON. Ngayong first anniversary, nila nakatakdang umalis ang mag-asawa patungong Bali, Indonesia upang doon mag-celebrate at ituloy ang kanilang honeymoon.

Umaasa sina Nadine at Richard na magkaroon na nang baby sa lalong madaling panahon. Nagti-take na raw ng fertility pill si Nadine bilang paghahanda sa kanyang pagbubuntis.

ON UNCLE DENNIS. Samantala, si Richard ay pamangkin ng kidnapping convicted actor na si Dennis Roldan. Sina Dennis at Isabel Rivas ay magkapatid sa tunay na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Richard kung ano ang naramdaman niya sa kinasapitan ng kanyang uncle.

Pag-amin niya, “I feel bad because wala namang ebidensya, e. ’Tapos, biglang all of sudden, na-convict siya. Naka-bail siya for nine years. First time sa history ng kidnap for ransom na nag-bail.

“Wala talagang ebidensya. Nakaka-sad kasi lumaki ako sa uncle ko before, e.

“E, yun ang ano ng Diyos sa kanya, wala tayong magagawa.”

Paano nila tinanggap ang kinasapitan ni Dennis?

“Umiyak na lang kami. Iniyak na lang namin. Lahat naman ’yan naghi-heal through prayers. Ako, binibisita ko siya,” dagdag pa niya.

Kumusta ang mommy niya?

“She’s better now. Pero yung pinagdaanan ni Mommy, grabe. Sumama talaga loob niya. Umiyak siya.

Hindi nga niya kayang umuwi ngayon, e,” pahabol pa ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN