Camille Prats wants to get married first before getting pregnant again

Camille Prats on being sure about US-based boyfriend JohnYambao: “Last year, we spent one year together, so siguro that was enough time to actually get to know each other and to actually realize that the relationship was serious.”


“Napag-uusapan, pero not anytime soon.”

Ito ang sagot ni Camille Prats nang matanong kung natatalakay na ba nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si John Yambao ang tungkol sa pagpapakasal.

Kasalukuyang naninirahan si John sa United States at nagtatrabaho sa medical field.

Read: Camille Prats finds love once more in childhood friend

Bagama’t long-distance relationship sila, sinabi ni Camille na pagkakataon nila ngayon ni John na ayusin ang mga dapat nilang ayusin bilang paghahanda kung dumating ang pagkakataong magsasama na sila.

Tinukso ang aktres kung wala pa ba siyang balak sundan ang kanyang anak na si Nathan, na anim na taong gulang na.

“Hindi pa, e, hindi puwede. Wala ring isusunod,” nangingiting sagot ng aktres dahil nasa malayo nga ang boyfriend.

Dagdag niya, “Yeah, but of course, I have to get married and start a family before thinking of having kids.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Camille sa press conference ng iniendorso niyang Tiger Biscuits, sa GMA Network Center, kaninang tanghali, October 23, Huwebes.

Samantala, nauna namang magbuntis si Camille noon kay Nathan bago ang pagpapakasal nila ni Anthony Linsangan, ang kanyang yumaong mister na namatay noong 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer.

Ani Camille, lalong hindi mangyayari ang pagpapakasal nila ng current boyfriend niya dahil mauuna muna ang kuya niyang si John Prats at girlfriend nitong si Isabel Oli.

Wala pa naman daw napiling date kung kailan magpapakasal sina John at Isabel.

Hirit ng PEP kay Camille, hindi ba mahirap na makipagrelasyon sa isang taong malayo, na nagiging sagabal upang lalo niyang makilala ang lalaki?

Paliwanag niya, “Actually, what happened was, we were together for a year.

"Kasi he’s a green card holder, so he really can’t stay here for a long time.

“But last year, we spent one year together, so siguro that was enough time to actually get to know each other and to actually realize that the relationship was serious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, parang in order for us to plan for our future, kailangan muna naming ayusin yung mga personal agendas namin before we actually think of something for the two of us.

“So, siya, personally, ang kailangan niyang ayusin, yung citizenship niya.

"Kasi he’s worked for that for five years na, so sayang naman kung hindi matutuloy.”

Dugtong pa ni Camille, “For me naman, I’m very happy with my showbiz career.

"I’m very busy also with my school. And of course, my son.

"So, parang ayusin muna namin ang kailangan naming ayusin nang kami muna.

"Then, eventually, when things start falling into place, maybe we’ll plan for a family naman."

Ipinahayag din ni Camille na kung sakali mang matuloy sa kasalan ang kanilang pagsasama ni John, mas malaki raw ang posibilidad na dito sa Pilipinas sila maninirahan at hindi sa Amerika.

“Dito nga kami magse-settle.

"If we’re gonna go to that [marriage], parang mas dito kami.

"So, kaya nga we have to take this time, this opportunity to be apart, so that we can get to work for what we have to work for.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN