Kylie Padilla on entering a romantic relationship: "Ayaw ko muna."

"Titingnan ko muna kasi ayokong madala. Mahirap madala," says Kylie Padilla, who claims she’s not yet ready to fall in love again.


Aminado si Kylie Padilla na ayaw pa ng kanyang amang si Robin Padilla na muli siyang makipagrelasyon pagkatapos nilang mag-break ni Aljur Abrenica.

Ito ay sa kabila ng napapabalitang pagkakamabutihan ni Kylie at ng Dilim co-star niyang si Rayver Cruz.

Pahayag ni Kylie nang tanungin siya kung ano ang impresyon ni Robin kay Rayver: “Sinabi lang niya [Robin] na mabait [si Rayver] but I’m not sure if gusto niya.

“Alam ko kasi si Papa, ayaw pa niya, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa premiere night ng Dilim, noong October 20.

Hindi nakadalo sa premiere si Rayver dahil nagtungo ang aktor sa Australia para sa isang Kapamilya event.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Robin kamakailan, inihayag nito na mas karapat-dapat para kay Kylie ang lalaking Muslim ang relihiyon at handang panindigan ang anak sa pamamagitan ng pagpapakasal.

Read: Robin Padilla on daughter Kylie being linked to Rayver Cruz: "Ang gusto ko sa anak ko, Muslim."

Samantala, nilinaw ni Kylie na “wala pa naman masyadong” ginagawang hakban si Rayver upang ipakita na higit sa pagkakaibigan ang intensiyon nito sa kanya.

Pero hindi itinanggi ni Kylie na naging malapit sila ng Kapamilya actor, lalo na habang ginagawa nila ang pelikula.

Aniya, “Nakapag-open up na ako sa kanya, and for me, big deal yun.”

Totoo bang may pagkakataong nag-date na silang dalawa ni Rayver?

Sagot ng 21-year-old Kapuso actress, "Yes, we did. Pero hindi lang kaming dalawa. It’s a group date."

Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Kylie nang tanungin kung masusundan ulit ang date nila ni Rayver.

Sa huli, si Kylie na mismo ang nagsabing ayaw muna niyang magka-boyfriend sa ngayon.

“Ayaw ko rin muna. Titingnan ko muna kasi ayokong madala. Mahirap madala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN