Aljur Abrenica camp denies withdrawing complaint vs GMA; open to mediation procedures

Pinabulaanan ng kampo ni Aljur Abrenica na iuurong na nila ang kanilang reklamo laban sa GMA. Pero bukas pa rin daw sila sa pakikipag-ayos alinsunod sa mga panuntunan ng korte.


Nitong mga nakaraang araw ay lumabas sa ilang pahayagan ang balitang diumano’y gusto nang makipag-ayos ni Aljur Abrenica sa GMA Network sa pamamgitan ng pag-urong nito sa Judicial Confirmation of Rescission of Contract na inihain ng aktor noong July 24, 2014.

Ito ay matapos ang ilang buwang pananahimik mula nang ihain ni Aljur ang naturang reklamo sa Quezon City prosecutor’s Office, noong July 24, upang magpa-release sa kasalukuyan niyang kontrata sa Kapuso network.

Hanggang 2017 pa ang standing contract ni Aljur sa GMA.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network



OPEN TO MEDIATION. Dahil sa mga bulung-bulungang ito, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kumpirmasyon ang kampo ni Aljur sa pamamagitan ng legal counsel nitong si Atty. Ferdinand Topacio.

Kahapon, October 26, nagpadala si Atty. Topacio sa PEP at ilang media ng kanilang pahayag, sa pamamagitan ng email.

Dito ay pinabulaanan niya na nagsisisi na si Aljur sa ginawa nitong hakbang laban sa kanyang home network.

Pinatutsadahan din muli ni Atty. Topacio ang talent arm ng GMA, ang GMA Artist Center, na siyang nangangalaga sa career ni Aljur at diumano’y dahilan ng paghahain ng reklamo ng aktor.

Narito ang kanyang kabuuang pahayag:

“Nais po lamang naming linawin ang ilang mga lumalabas na pahayag sa iba’t ibang mga kolum na tila baga lumalabas na nagsisisi na diumano ang aking kliyente na si G. ALJUR ABRENICA sa kanyang inihaing demanda laban sa GMA7 hinggil sa kanyang kontrata, at kusang-loob na niyang iuurong ang mga ito.

“Bagamat totoo namang lagi kaming bukas sa makabuluhang pakikipag-usap sa pamunuhan ng GMA7—bagay na amin nang sinabi mula’t sapul pa noong araw na dumulog kami sa hukuman—hindi totoong pinagsisisihan na ni Aljur ang ginawa niya.

“Ang anggulong ito, sa wari namin, ay kathang-isip na naman ng mga mangmang na elemento sa GMA ARTIST CENTER na nais iligtas ang kanilang sarili sapagkat sila ang dahilan kung bakit nagdemanda si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganito rin ang ginawa nila noong nagkaroon ng suliranin sina Bb. Yasmien Kurdi at Bb. Bea Binene, kaya’t lumala ang gulo.

"Dapat nilang malaman na hindi sila nakakatulong sa pamamahala ng GMA7, at ang mga utak-ipis na diskarteng ito ay tiyak na makasasama pa sa kaso nila.

“Kami ay laging handang makipag-usap ng maayos sa GMA7 at sa kanilang mga kinatawan, at ano mang pag-urong ng demanda ay gagawin lamang namin matapos ang pag-uusap na ito at sa konteksto ng gagawing mga ’mediation procedures’ ng hukuman.

“Napapanahon nang kilalanin ng GMA7 ang mga kenkoy sa GMA ARTIST CENTER upang sibakin ang mga ito at maiwasan ang mga kabulastugang maaaring mangyayari pa kapag hindi nagbago ang sistema dito.”

Nagpadala na ng mensahe ang PEP sa pamunuan ng GMA Artist Center upang kunin ang kanilang reaksiyon sa pahayag na ito ni Atty. Topacio, ngunit wala pa kaming nakukuhang kasagutan hanggang ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN