Jim Paredes on Sen. Nancy Binay: "What an idiotic answer from a senator."

Despite the death threat he got online, veteran singer Jim Paredes says that he will continue to voice out his opinion on social media regarding political issues.


“What an idiotic answer from a senator..LOL. Can’t believe it.”

Ito ang post sa social media ng batikang singer-songwriter na si Jim Paredes sa naging pahayag ni Senator Nancy Binay kaugnay ng natanggap niyang death threats noong October 23, Huwebes.

Read: Jim Paredes scoffs at online death threat

Nagbigay kasi ng unsolicited advice si Senator Nancy kay Jim hinggil sa banta sa buhay ng musikero.

Ani Senator Nancy, dapat ay hindi naging sensitibo si Jim sa ganitong isyu.

Wala rin daw kinalaman ang kanyang pamilya sa death threat na natanggap ni Jim at hindi rin daw nila kilala ang taong nagbanta sa buhay ng APO Hiking Society member.

"Porke ba’t pinagtatanggol ang ating Vice President kami na ang nagte-threaten sa kanya?" pahayag ng senador sa ulat ng ABS-CBN News Online.

Dugtong pa ni Senator Nancy: “I’ve been bashed. I’ve been threatened on social media.

"If you participate sa mundo na ’yon, I think dapat hindi ka sensitive, matibay ang loob mo."

Sa pamamagitan ng Facebook ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jim kung ano ang sagot niya sa “advice” ng senador.

“I commented already,” tugon ng singer, patukoy sa post na siya ring simula ng artikulong ito.

Ayon pa sa Facebook comment ni Jim kaugnay pa rin ng isyu: “She should have condemned the death threat! It was clear I did NOT accuse them.”

DEATH THREAT. Nakatanggap si Jim ng banta mula sa isang taong nagngangalang "Rex Vincent Tecson" o "Rex Betulan Tecson," via Twitter, matapos niyang i-criticize si Vice President Jejomar Binay, ama ni Senator Nancy.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ipinaalam ni Jim sa kanyang followers at mga kaibigan na ligtas siya.

Inilapit na rin daw niya sa mga awtoridad ang death threat na natanggap niya dahil, aniya, ang mga ganitong pagbabanta ay hindi dapat binabalewala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Jim sa nasabing post: “I am not linking Rex Vincent Tecson (AKA Rex Bentulan Tecson) to any politician. As far as I am concerned, his threat against me was something he alone made and not on behalf of anyone. He has his own political leanings and photos with some personalities but I don’t think that is relevant here.”

Sa post niya kahapon, October 26, nakiusap pa si Jim sa kanyang followers:

"I would like to ask you readers a favor? Can we stop talking abt RexVTecson? I am afraid he is unstable & all this pressure may push him over the edge. He is young and confused and by the number of death threats he has sent to prominent people, I think he may really need help.”

Ipinahayag din ni Jim na hindi siya matitinag ng nasabing death threat sa pagbibigay ng kanyang saloobin sa online media pagdating sa mga usaping pampulitika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN