Tanya Garcia saddened by separation of Maricar de Mesa and Don Allado

Tanya Garcia on her married life: "Kami ni Mark, we do have our share of arguments, misunderstandings. But when things like that enter a relationship, kailangan ma-overcome ninyo agad. Nag-uusap kami. ‘Tapos magdadasal kami. It really works. Wala namang hindi nadadaan sa maayos na usapan, e. And always put God in the center of your relationship."


Isa si Tanya Garcia sa binanggit ni Maricar de Mesa na mabilis na nagbigay ng suporta sa kanya noong dumadaan sa maraming problema ang pagsasama nila ng kanyang nakahiwalayang asawa na si Don Allado.

Naging matalik na magkaibigan sina Tanya at Maricar noong magkasama sila sa GMA-7 teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2002.

Nag-file na ng annulment si Maricar para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Don, at isa raw si Tanya sa unang nakaalam nito.

Read: Maricar de Mesa files for annulment of marriage to Don Allado

Sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook, noong October 29, ay ikinuwento ni Tanya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga pinagdaanan ng kaibigan niyang si Maricar at kung paano niya ito dinamayan sa pinakamatinding pagsubok sa buhay nito.

“Nalaman ko na nagkakaproblema na sila ni Don noong nagte-taping pa kami ng Villa Quintana last year.

“Noong sinabi nga ni Ikay [palyaw ni Maricar] na totoong may malaking problema sila ni Don sa marriage nila, nalungkot ako, kasi saksi ako sa panliligaw ni Don sa kanya noon.

“Very sweet sila talaga at hanggang sa naging sila na nga, natuwa ako kasi alam ko na bagay sila sa isa’t isa.

“Hanggang sa ikasal na nga sila at naging part pa ako ng entourage nila.

“Doon ko nakitang sobrang masaya si Ikay.

“As in, she was glowing—happy bride siya kasi pinakasalan niya ang lalaking mahal na mahal niya,” saad ni Tanya.

FRIEND IN NEED. Noong dumating na raw ang problema sa pagsasama nina Maricar at Don, ipinakita raw agad ni Tanya ang kanyang concern sa kaibigan.

“Lagi kasing super-down si Ikay. Lagi siyang malungkot.

“Kaya ako, lagi ko siyang tini-text kung okey ba siya.

“I was always checking on her kasi baka kung ano na ang gawin niya sa sobrang kalungkutan niya, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang sa imbitahan ko na siya parati sa gym.

“I was into boxing that time. Niyayaya ko siya na mag-workout.

“Sabi ko, kung galit siya, huwag niyang idaan sa pag-iyak. Dito niya sa boxing ilabas.

“Gusto kong magkaroon siya ng outlet. Kesa sa magmukmok ka sa kuwarto na nag-iisip ka and feeling sorry and defeated, lumabas ka and let your anger out sa boxing.

“Ginawa naman niya and mas naging magaan na sa dibdib niya ang lahat.”

Ipinagdasal din daw ni Tanya na sana ay maayos pa ang pagsasama ng kanyang kaibigan at ang mister nito.

“I prayed for them.

“Kasi ayokong may kaibigan ako na may ganyang problema.

“Nakakapanghinayang kasi na nakita mo silang masaya at very sweet sa umpisa. Bagay na bagay sila talaga.

“’Tapos biglang ganito ang mangyayari.

“So, I really prayed na maayos nilang dalawa ang samahan nila.

“Pero siguro nga, there are things na hindi meant to be.

“When they finally decided to file an annulment, yun na nga siguro talaga ang dapat mangyari.

“I know that Ikay did her best to save their marriage.

“Lagi siyang sinasabi na ayaw niyang mauwi ang lahat sa hiwalayan.

“Ayaw niyang mag-end ang lahat after ng matagal nilang pagsasama as husband and wife.

“But, I guess, kung hindi naman nagta-try yung partner mo, might as well na mag-decide ka na of what’s going to be good for you.”

Nakita naman daw ni Tanya na mas at peace na ngayon si Maricar nang mag-file na ito ng annulment. Unti-unti na raw nababawasan ang matinding bigat sa likod nito.

“Ikay is a lot happier now. She is moving on.

“And she’s back and working again.

“The last time na mag-usap kami, okey na siya. Gusto lang niya to start fresh.

“Yun naman ang dasal ko sa kaibigan ko. I pray that she will be able to find her happiness again after everything that she’s been through.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TANYA’S MARRIAGE. Nagpapasalamat naman si Tanya na sa pagsasama nila ng kanyang mister na si Mark Lapid, bagamat may mga problema rin silang pinagdaraanan, nagagawa naman daw nilang ayusin agad ito para hindi na lumaki pa.

“Hindi naman perfect ang pagsasama namin ni Mark.

“Wala namang ganun, ‘di ba?

“Kami ni Mark, we do have our share of arguments, misunderstandings.

“But when things like that enter a relationship, kailangan ma-overcome ninyo agad.

“Nag-uusap kami. ‘Tapos magdadasal kami. It really works.

“Wala namang hindi nadadaan sa maayos na usapan, e.

“And always put God in the center of your relationship.

“Kami kasi ni Mark, pareho kaming may takot sa Diyos, kaya ayaw din namin na natatapos ang buong araw na hindi kami nagkakasundo.

“’Tsaka ayaw naming makita kami ng mga anak naming nag-aaway. Hindi maganda ‘yon, e.

“Malalaki na ang mga girls namin and, as much as possible, we want to have a happy and peaceful household.

“Thankful naman ako na yun ang ibinigay ni God sa amin ni Mark.”

Busy na ulit si Tanya dahil bumalik ang kanyang character sa GMA teleserye na Strawberry Lane.

“Nagte-taping na ako ulit for Strawberry Lane.

“Noong pilot week kasi ng show, nandoon yung character ko na si Myrna, ‘tapos nawala, pero ibinalik na nila ulit.”

May bago rin siyang binuksang business kasama ang ilang partners. Ito ay ang gastropub na Locavore na located sa Barangay Kapitolyo, sa Pasig City.

“Nagkaroon na kami ng soft opening and maganda ang feedback ng mga nakapunta na.

“Magkaroon kami ng grand opening in December. Tamang-tama kasi Christmas party season na iyon, ‘di ba?

“So, hopefully, maging successful and we pray na magkaroon kami ng maraming bookings for parties in December.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN