Julian Estrada admits past relationship with Julia Barretto

Napilitang umamin si Julian Estrada tungkol sa naging relasyon ni Julia Barretto sa presscon ng unang pelikula ng young actor, ang Relaks, It’s Just Pag-ibig, kagabi, October 30.


Umamin ang Star Magic talent na si Julian Estrada na nagkaroon sila ng relasyon ng young actress na si Julia Barretto sa loob ng anim na buwan.

Magka-batch sina Julian at Julia sa Star Magic Circle 2013.

Ginawa ni Julian ang pag-amin tungkol sa romantic relationship nila ni Julia sa presscon ng first movie niyang Relaks, It’s Just Pag-ibig, kagabi, October 30.

Hindi sana mabubuko si Julian pero nahalata sa facial expression nito na may itinatago siya, kaya naman naging mapilit ang reporters na dumalo sa presscon sa pagtatanong sa kanya tungkol dito.

Nagsimula ang lahat nang tanungin ang young cast ng pelikula—na kinabibilangan din nina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Ericka Villongco—kung na-in love na ba sila.

Inamin ni Ericka na naging magkasintahan sila ng Viva heartthrob na si James Reid sa loob ng tatlong taon, pero nagwakas ang kanilang relasyon noong March 2014.

Read: Newcomer Ericka Villongco breaks silence about relationship with James Reid

Umamin din si Julian na na-in love na siya minsan.

Gaya ni Ericka, break na rin raw sila nung girl.

Bakit sila nag-break?

Sagot ni Julian, “’Coz we’re still young, marami pa tayong kailangang pagdadaanan.”

Natanong si Julian kung ano ang advice ng parents niya pagdating sa pag-ibig.

Si Julian ay anak nina Senator Jinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito

“Yung dad ko, nalaman niya yung breakup ko with my…” sabay layo ni Julian ng kanyang bibig sa mikropono at napangiti.

Hindi nito natapos ang unang sasabihin nang tanungin kung taga-showbiz ba ang kanyang tinutukoy.

Muling nangiti si Julian at dinedma ang tanong sa kanya.

Patuloy niya, “’Tapos sabi po niya, ‘Bata ka pa anak, marami ka pang pagdadaanan. Marami pang iba diyan.’”

Sino ba talaga ang tinutukoy niya?

“Na mas ano...” tigil uli ni Julian sa sasabihin habang nangingiti.

IS IT JULIA? Dito unang nahalata ng press na parang may itinatago si Julian. Wala naman kasing ibang na-link sa kanya kundi si Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya diniretso na siya ng press kung si Julia nga ba ang tinutukoy niya.

Natawa si Julian at sinabing, “Basta po… sabi niya [his dad], marami pang iba.”

Halatang nahiya at nailang si Julian sa mga tanong tungkol sa kanyang lovelife at sa pagbanggit sa pangalan ni Julia.

Lagi siyang sumasandal sa kanyang kinauupuan at tumitingin sa mga kasama niya na parang humihingi ng saklolo.

Dumako sa ibang topic ang presscon proper, pero bago ito matapos ay muling nasalang sa hot seat si Julian.

Pinilit siyang pinaamin kung na-in love ba siya kay Julia o nagka-inlaban silang dalawa.

Alinlangan si Julian na sagutin ang tanong, pero iginiit ng nagtanong na kolumnista na si Ericka ay umamin sa pagkakaroon nito ng relasyon kay James Reid.

Dapat ay maging honest din daw si Julian at umamin sa kung sinuman ang kanyang ex.

Huminga muna nang malalim si Julian, at saka niya sinabing, “Uhm… my god, yes!”

SIX MONTHS. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julian, pagkatapos ng presscon proper, ay tinanong namin siya kung nagtagal ba ang relasyon nila ni Julia.

“Uhm, six months,” sagot niya.

Bakit noong tinanong si Julia tungkol sa kanila ay idinenay ito ng dalaga?

Read: Julia Barretto insists that she and Julian Estrada were never a couple; bandies herself as certified NBSB (No Boyfriend Since Birth) 


“We want to get to know ourselves more,” maikling tugon ni Julian.

Magkaibigan pa rin ba sila ngayon?

“Yeah, opo. Yeah, we’re still friends po.

“I’m proud of her ’coz she has a lot of projects.”

Nagkakausap pa ba sila?

“Sometimes.”

Bad breakup ba sila?

“Ay, hindi po!” tanggi ni Julian.

Naka-move on na siya?

“Opo.”

Marami pa sanang dapat itatanong ang PEP kay Julian, pero nakahawak na sa braso nito ang kanyang handler at hinihila na ang young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nakaantabay ring staff ng Star Magic para bantayan ang mga sagot ng apo ni Manila Mayor Joseph Estrada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN