Aljur Abrenica camp statement against Artist Center is “baseless and lack(s) merit,” says GMA

Nasa korte na ang kaso ni Aljur Abrenica laban sa GMA kaya ayaw nang magkomento ang pamunuan ng istasyon tungkol dito.


“The contents of the statement... are baseless and lack merit.”

Ito ang bahagi ng official statement na ipinadala ni Angel Javier-Cruz, GMA Vice President for Corporate Communications, tungkol sa patutsada ng kampo ni Aljur Abrenica laban sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Bahagi ng sinabi ni Atty. Topacio sa statement na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nais po lamang naming linawin ang ilang mga lumalabas na pahayag sa iba’t ibang mga kolum na tila baga lumalabas na nagsisisi na diumano ang aking kliyente na si G. ALJUR ABRENICA sa kanyang inihaing demanda laban sa GMA7 hinggil sa kanyang kontrata, at kusang-loob na niyang iuurong ang mga ito.

“Bagamat totoo namang lagi kaming bukas sa makabuluhang pakikipag-usap sa pamunuhan ng GMA7—bagay na amin nang sinabi mula’t sapul pa noong araw na dumulog kami sa hukuman—hindi totoong pinagsisisihan na ni Aljur ang ginawa niya.

“Ang anggulong ito, sa wari namin, ay kathang-isip na naman ng mga mangmang na elemento sa GMA ARTIST CENTER na nais iligtas ang kanilang sarili sapagkat sila ang dahilan kung bakit nagdemanda si Aljur.”

Read: Aljur Abrenica camp denies withdrawing complaint vs GMA; open to mediation procedures



NO COMMENT UNTIL CASE RESOLUTION. Sa statement na ipinadala ng GMA CorpComm ngayong araw, November 1, sa PEP, binanggit ditong ayaw nilang magkomento sa kaso dahil nasa korte na ito.

Narito ang kabuuan ng statement ng GMA: "The case is currently pending before the regional trial court of Quezon City. Given the pendency of the case, GMA reserves making any comment thereon until its resolution.

“The contents of the statement made by Aljur’s legal counsel published in a recent article about GMA Artist Center are baseless and lack merit.

“With regard to the articles that were published about the withdrawal of the case, these are opinions of several members of the print media and did not originate from us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN