Jolina Magdangal overwhelmed by Kapamilya welcome

Jolina Magdangal is thankful to GMA for taking her under its wings for 12 years, but now that she’s back in the arms of ABS-CBN, it feels like home.


Naging emosyunal si Jolina Magdangal sa pagbabalik niya sa bakuran ng ABS-CBN pagkatapos ng labindalawang taon.

Read: Jolina Magdangal returns to ABS-CBN after 12 years

Pahayag ng actress/singer/TV host sa live interview niya sa The Buzz kahapon, November 2, “Oo, kasi parang nao-overwhelm pa ako sa lahat ng nangyayari. Parang ang bilis.

"Ang bilis ng pangyayari. At yung pangyayaring yun, hindi siya yung parang isang desisyon lang, ha.

"Major decision ito and sa tulong ng mga tao.

"At dito ko naramdaman na yung pagmamahal talaga sa akin ay totoo. Sobrang sarap ng feeling.

“Sa totoo lang, noong sinabi sa akin, yung thought pa lang na babalik ako, sobrang saya ko na, e.

"Pero yung ibinigay sa akin, more pa. Yung ABS.

"’Tapos, binigyan nila ako agad ng project, napakagandang project and because of this, I will be forever grateful and thankful sa ABS."

Ang comeback project ni Jolina sa ABS-CBN ay ang daytime soap na Flordeliza, na balik-tambalan din nila ni Marvin Agustin, na gaya niya ay nagbabalik din sa Kapamilya network.

MARVIN. Hindi ba talaga naging sila ni Marvin o umabot man lang sa M.U. (mutual understanding)?

Sagot ni Jolina, “Sandali lang ho, ha, para sa akin kasi, hindi.

"Para sa kanya, oo raw. Parang ganun.

"Pero inaamin ko dati na love ko siya."

Bakit hindi nag-bloom?

“Siguro baka hindi pa yun ang panahon!” natawa niyang sagot.

Paliwanag pa ni Jolina, “Siguro, talagang mga bata pa kami noon.

"At noong mga bata kami, ang career ay career. Ang loveteam ay loveteam.

"Talagang nagkagusto ako sa kanya dati.

"Ewan ko lang siya kung nagkagusto siya sa akin dati!"

Sa Flordeliza, mature role na ba ang gagawin niya?

Sabi ng actress-singer, “Well, siguro kaya ako napapayag sa project na ‘to, kasi ibang Jolina.

"Ibang Jolina-Marvin ang makikita nila. Mas intimate siya, mas dramatic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong ibig sabihin ng intimate?

“Hintayin natin ang Flordeliza. Nagandahan ako sa istorya.

"Alam kong may makikita silang bago kay Jolina."



FASHION ICON. Kilala si Jolina bilang isang fashion icon lalo na noong kabataan niya.

Sa mga pinauso niya, ano ang pinakapaborito ni Jolina?

Aniya, “Siguro sa gamit, yung Jolina Doll at saka yung kulay-kulay sa buhok. At saka yung mga accessories.

"Parang feeling ko dati, ginagawa ko yun, kasi gusto ko lang.

"’Tapos, hindi ko akalain na parang ang dami na palang sumusunod, ang dami nang nagkakagusto.

“’Tapos ngayon, sinasabi nila, parang ’Jolina look’ kapag mukha kang Christmas tree... Jolina look.

"At saka sa mga istorya, parang palaging may ganun, masaya, makulay.

"So, nakakatuwa na hanggang ngayon, nagagawa pa rin nila yun."



BABY MAKES A FAMILY. Sa lahat ng ginagawa at desisyon ni Jolina, makikita at mararamdaman daw ang buong suporta ng asawa niyang si Mark Escueta.

Ayon naman kay Jolina, “Ang sarap ng feeling, napangasawa mo yung best friend mo.

"’Tapos, totoo pala yun na parang hindi kayo tatawaging family kung wala kayong anak.

"Kaya noong dumating si Pele [her eight-month-old baby], mas lalo kong na-feel na blessed ako.

“Kahit ano pa ang nagawa ko sa showbiz or nagawa ko sa buhay ko, ibang blessing kapag meron ka nang anak.

"Lalo na araw-araw, nakikita mo siyang lumalaking healthy, maayos."

Hands-on siya kay Pele?

“Yes, very, very hands-on. At saka, yun talaga ang pinipili ko. Nagpapa-breastfeed pa ako.

"At saka, feeling ko, ayoko na ayokong makaka-miss ng araw o moments na humaba ka na, parang ganun, hindi ko alam.

“Kaya gusto ko, ako ang palaging nakatutok sa kanya.”

Dugtong pa niya, “At saka, feeling ko, simula bata ako, ayokong-ayoko sa buhay ko na magsisi. ’Bakit hindi ko ba nagawa yun? Bakit hindi ko siya naalagaan?’

"Ayoko. Kasi, wala akong ibang sisisihin kung hindi sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LEVEL-HEADED. Paano niya napapanatiling hindi lumaki ang kanyang ulo?

Sabi ni Jolina, “Siguro, ayoko rin kasi sa mga artistang lumaki agad ang ulo.”

At natatawang biro niya, “At saka, mahihirapan akong mag-ayos ng hair ko!

“Ayoko talaga noong bigla akong hindi papansinin kasi mayabang, ayoko talaga.

"Siguro, iba rin ang pagpapalaki sa amin ng showbiz mula bata.

"Na kapag yumabang ka, wala kang mapupuntahan.

“Kaya dapat, mula noon hanggang ngayon, kung maaga kang dumarating sa taping, dapat hanggang ngayon, ganoon pa rin.”



THANKFUL. Sa November 6 ay magdiriwang si Jolina ng kanyang 36th birthday. Ano ang birthday wish o dasal niya?

Saad niya, “Wala akong mahiling, parang gusto ko lang mag-thank you.

"Ang tagal kong nagdasal... totoo yun. Kapag nagdasal ka, ibibigay sa ‘yo.

“’Tapos ngayon, gusto kong mag-thank you.

“Gusto kong mag-thank you sa GMA-7, for twelve years na inalagaan nila ako.

"Mula sa mga boss hanggang sa mga nag-alaga sa akin sa mga shows na ginawa ko. Twelve years din yun.

“Pangalawa, sa ABS-CBN, dahil natuwa ako sa thought na babalik ako, pero ang ibinigay nila, more pa.

"And because of that, sabi ko nga, thankful akong talaga.

"At sa PPL Entertainment, sa aking management, sa journey na ito, nandiyan sila para gabayan ako. Sila ang naging light ko rin."

Pinasalamatan din ni Jolina ang handlers ng Star Magic at ang ABS-CBN executives na sina Linggit Tan at Lauren Dyogi.

Dugtong pa niya, “Sa mga fans, mula noon hanggang ngayon, hindi sila nagsawa.

"At sa lahat ng bagong Kapamilya na hindi ako nakita o hindi ako napapanood, lalo na sa mga bata na hindi ako kinalakihan, ako po si Jolina Magdangal-Escueta na handang maglingkod sa inyo, maraming salamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN