Derek Ramsay camp breaks silence about settlement with Mary Christine Jolly

“It is Derek’s continuing desire to finally spend time with his son on a regular basis now that the parties have agreed to both move on,” says Derek Ramsay’s legal counsel Atty. Joji Alonso in an official statement sent to PEP.ph today, November 4.


Nagsalita na ang kampo ni Derek Ramsay tungkol sa settlement nila ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

“It is Derek’s continuing desire to finally spend time with his son on a regular basis now that the parties have agreed to both move on,” saad ni Atty. Joji Alonso, legal counsel ni Derek.

Nagkita umano ang magkabilang kampo sa pagdinig para sa petisyon ng aktor na kumpirmahin ng korte ang 2012 agreement nila ni Mary.

Ginanap ang naturang hearing sa Makati Regional Trial Court noong October 24.

Ilan sa nilalaman ng naturang kasunduan ay ang usapin tungkol sa pagsasaayos ng conjugal properties nina Derek at Mary, at pati na rin ang karampatang sustento ng aktor para sa 11-taong-gulang nilang anak.

Read: Derek Ramsay, Mary Christine Jolly fight about legality of 2012 agreement

Ayon pa kay Atty. Joji, nakatakda sanang maghain ng reklamong adultery at grave coercion si Derek laban kay Mary noong araw na iyon.

Ngunit hindi na itinuloy ng aktor ang paghahain ng kontra-reklamo laban kay Mary matapos silang makumbinsi ni Judge Cristina Sulit na magkasundo para sa kapakanan ng anak ng estranged couple.

Nauna nang kinumpirma ng kampo ni Mary ang tungkol sa pag-urong ni Mary ng reklamong concubinage at paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women And Their Children Act (VAWC) noong November 3 at October 29, respectively.

Read: Concubinage complaint vs Derek Ramsay, Angelica Panganiban dropped

Narito ang kabuuan ng official statement na ipinadala ni Atty. Joji sa PEP ngayong araw, November 4:

“During the hearing for the Judicial Confirmation of the Agreement for Support, Custody and Dissolution of the Absolute Community of Property signed 2 years ago, Judge Cristina Sulit convinced the parties to set aside their differences and maintain a peaceful co-existence for the sake of their son.

“While Derek would have wanted the VAWC case against him resolved, so he could clear his name, he agreed to withdraw his Opposition to the withdrawal of the VAWC Complaint.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Likewise, he no longer proceeded to file the Adultery and Grave Coercion cases, which were supposed to be filed that same day. Complainant, for her part, filed an Affidavit of Desistance in the Concubinage case against Derek and Angelica.

“It is Derek’s continuing desire to finally spend time with his son on a regular basis now that the parties have agreed to both move on."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN