Carlene Aguilar on school bus accident that injured her son: “Dapat managot ang mga may pagkukulang.”

Malaki ang pasasalamat ng dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar na kaunting galos lamang ang natamo ng anak na si Calix Andreas, anak niya sa dating kasintahang si Dennis Trillo. Gayunpaman, sinabi ni Carlene na dapat managot ang mga may pagkukulang kaugnay ng nangyaring banggaan.


Kaugnay ng nangyaring salpukan ng dalawang school bus kaninang Martes ng umaga, November 4, kung saan nadamay ang anak nila ng dating boyfriend na si Dennis Trillo, sinabi ng former beauty queen-actress na si Carlene Aguilar, sa pamamagitan ng social media, na dapat managot ang mga may pagkukulang sa nangyari.

Kabilang ang seven-year-old son nina Dennis at Carlene na si Calix Andreas sa sampung katao na dinala sa ospital pagkatapos magsalpukan ang dalawang school bus, sa sa intersection ng Speaker Perez at N. Rojas Streets, sa Quezon City, kaninang bandang alas-otso ng umaga.

Read: (UPDATED) Dennis Trillo’s son hurt in school bus accident

Nagtamo ng ilang gasgas at bukol sa ulo ang anak nina Dennis at Carlene.

Samantala, nag-post si Carlene sa kanyang Instagram account (@carleneawesomeocampo) ng bahagi ng CCTV footage ng ilang segundo bago mangyari ang aksidente.

May caption itong: “This happened kanina sa school service ng anak ko...buti nalang at gasgas at bukol lang sa ulo meron ang anak ko ...sana lang tlga managot ang mga dapat managot at dapat hindi mabilis magpatakbo ang mga school bus drivers dahil may mga pasahero silang mga bata..... thank you Lord safe anak ko pero im still praying sa mga batang lubhang nasugatan sa aksidenteng ito! #huwagtularan #notorecklessdrivers”

Sinundan ito ng isa pang post ni Carlene na nananawagan naman ng pag-iingat sa pagmamaneho para maiwasan ang mga ganitong aksidente.

Ayon sa post: “Please always BE SAFE!!! Accidents happen ... STUPIDITY and recklessness kayang IWASAN!”

Kasama sa nasabing post ang natamong pinsala ng school bus na sinasakyan ng kanyang anak, pati na rin ang kuha sa mga sugat na tinamo sa may ulo ng anak.

Sa ulat ng GMA News Online kaninang hapon, sinabing pinag-aaralan umano ng mga magulang ng mga estudyanteng nasaktan sa aksidente kung magsasampa sila ng kaso laban sa operators at drivers ng school service.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinayaan daw muna nila ang pamunuan ng Xavier School sa Greenhills—kung saan pumapasok ang mga bata—na gumawa ng mga hakbang, kabilang na ang imbestigasyon.

Sa kabilang banda, tiniyak din ng eskuwelahan na matutugunan ang pangangailangan ng mga batang isinugod sa ospital.

Nanawagan ang mga magulang ng mas mahigpit na patakaran sa mga school bus service para matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

Kabilang sa kanilang panawagan ang pag-apela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na obligahin ang mga sasakyan na magkaroon seatbelt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN