PEP EXCLUSIVE. Derek Ramsay finally speaks up about amicable settlement with Mary Christine Jolly

“Yeah, I spoke with Angelica [about the concubinage complaint]. I apologized to her family and everything is okay. I also informed the mom [of Angelica] that everything is all over," says Derek Ramsay in a one-on-one interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Port


“I’m lost for words. I got an opportunity to see [my son] now for more than one hour.”

Ito ang masayang pahayag ni Derek Ramsay, 37, tungkol sa pagkakaayos nila ng estranged wife na si Mary Christine Jolly, 34.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi ng TV5 actor ang tungkol sa pagkikita nila ng 11-taong-gulang na anak nila ni Mary, matapos magkasundo ang estranged couple.

“He said a lot of things that melted my heart, great things.

"’Di ba, alam naman natin yung sulat na he hates me?

“That’s not what he said to me when we spent time together.

"He’s a great kid, a smart kid.

“I know we’re taking baby steps. But in the few times that I’ve seen him, we’ve taken huge leaps in creating a father and son bond,” saad ni Derek tungkol sa huling pagkikita nila ng anak.



FATHER AND SON BONDING. Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa 25th anniversary celebration ng Swatch, na ginanap sa Swatch+Swatch center sa Arnaiz Avenue, Makati City, kagabi, November 4.

Matatandaang nagbigay ng sulat si Austin kay Fiscal Erwin Dimayacyac ng Makati Prosecutor’s Office, kung saan inihayag ng bata ang galit nito sa mga diumano’y pagkukulang ni Derek bilang ama.

Sa preliminary investigation noong September 25, ang naturang sulat ay kasama sa mga inihaing supporting documents ni Mary kaugnay ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act na isinampa nito laban kay Derek.

Ngunit ngayong maayos na ang lahat sa pagitan ng estranged couple, umaasa si Derek na tuluy-tuloy na ang pag-usbong ng magandang samahan nila ng kanyang anak.

Sa katunayan, nakatakdang magkita muli ang mag-ama ngayong araw, November 5.

“I’m excited to see him and spend all day with him. Maybe we’re gonna look for a dog. He wants a dog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basically, we’ll do whatever he wants to do. We’re taking baby steps.

“I’m gonna be his friend. And one day work to him calling me dad,” nakangiting kuwento ni Derek.

Kinumpirma rin ni Derek na nakatakdang bumalik ng Dubai sina Mary at Austin.

Ganunpaman, kasama sa kasunduan ng estranged couple na tuloy pa rin ang ipinaglalabang visitation rights ni Derek para sa bata.

Sabi pa ng aktor, “Well, it’s in the agreement that during the holidays, summer or Christmas, Austin gets to spend two weeks with me.

“I can go and visit him. He could fly in to visit me. I’m positive that everything will be fine.

"Tingnan na lang natin. I’m crossing my fingers."

Unang lumabas sa PEP ang tungkol sa pagkakaayos nina Derek at Mary, at pati na rin ang kumpirmasyon ng makabilang kampo ukol dito.

Read: Derek Ramsay, Mary Christine Jolly settle issue for the sake of their son

Read: Concubinage complaint vs Derek Ramsay, Angelica Panganiban dropped

Read: Derek Ramsay camp breaks silence about settlement with Mary Christine Jolly

DROPPED CONCUBINAGE COMPLAINT. Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Derek tungkol sa pagbawi ni Mary ng reklamong concubinage laban sa aktor at ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban.

“Yeah, I spoke with Angelica [about the concubinage complaint].

“I apologized to her family and everything is okay.

"I also informed the mom [of Angelica] that everything is all over.

“Ang dami nang taong nadadamay. Yun ang sinabi ko kay Mary [sa last hearing].”

Ayon pa kay Derek, nakatakda siyang maghain ng reklamong adultery laban kay Mary noong araw na nagpasya silang magkasundo para sa kapakanan ng kanilang anak.

“Like I said, I was pushed up on the wall.

"I didn’t want to do the whole case thing. I don’t wanna file anything against her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But she kept on putting all these very hurtful things that are not true.

“I have to defend myself not only for myself but for my son.”

Sabi pa ni Derek kay Mary bago sila tuluyang magkasundo, “I’m willing to do anything to fight for my son. Whatever you throw at me sasagutin ko.

“Basta alam ko isang araw makakasama ko ang anak ko.”

Sa ngayon, handa nang mag-move on si Derek mula sa controversial legal battle na kinasangkutan nila ni Mary nitong mga nakaraang buwan.



NEXT RELATIONSHIP. Sa kabila ng masalimuot niyang lovelife, handa pa rin ba siyang pumasok sa seryosong relasyon at magkaroon ng sariling pamilya balang araw?

Sagot ni Derek, “I’m definitely traumatized. But I’m a sucker for love.

“You’ve seen that in my relationships. I fall hard.

“That’s why sometimes you make stupid mistakes. But you learn from yor mistakes, right?

“So, I’m never gonna give up on love. No way!

"I’d definitely want more kids so I haven’t given up."

Isa sa mga nali-link kay Derek ngayon ay ang kanyang English Only Please leading lady na si Jennylyn Mercado.

Ngunit kahit na marami sa kanilang supporters ang boto na maging totohanan ang kanilang loveteam, iginiit ni Derek na mas gusto niyang non-showbiz ang kanyang susunod na girlfriend.

Sabi pa ng Kapatid actor, “Jennylyn’s a wonderful girl. Pero, ’di ba, sinabi ko sa inyo ayoko ng showbiz?

“I just want a quiet and peaceful life.

“I have to find somebody soon.

"I’m getting up there in [terms of] age and I really really want a big family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN