PEP EXCLUSIVE. Raquel Pempengco clarifies money issue in Charice’s decision to fire talent manager

Kailangan daw i-turnover lahat ni Glenn Aldueza sa kampo ni Charice ang upcoming projects na naisarado ng talent manager at ang financial statement ng anak sa kanyang mga kinita sa lahat ng proyekto.


Habang nasa Los Angeles, California, daw si Charice, kasama ang ASAP 19 ng ABS-CBN, nabuo ang desisyon ng singer na huwag nang i-renew ang kontrata ng kanyang talent manager na si Glenn Aldueza.

Ito ang rebelasyon ng ina ni Charice na si Raquel Pempengco sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 5.

Nakausap ng PEP si Mommy Raquel sa pamamagitan ng Facebook messaging.

Kuwento nito, “After ASAP in L.A., pero nag-suggest na ako habang nasa L.A. sila, na dapat mag-iba na siya ng manager hindi dahil sa kung ano pa man, para for a change lang na kayang dalhin si Charice.

"As a manager kasi, wala namang experience si Glenn sa mga ganyan.

“Nag-agree naman sila sa suggestion ko.”

Wala bang outstanding contract sina Charice at Glenn?

Sabi ni Mommy Raquel, “May contract sila, one year lang.

“Tapos na nung May pa.”

Nagkaroon ba ng alitan ang magkaibigan at magkababata?

Hindi diretsong sinagot ni Raquel ang tanong na ito ng PEP.

Ang sabi lang niya, “Para kay Charice magkaiba ang friendship at business side. Be professional.”

Matatandaang nitong October 28, nag-anunsiyo si Charice sa kanyang Facebook at Instagram account na hindi na niya manager ang kaibigang si Glenn.

Nagsabi rin siyang malapit na niyang ianunsiyo ang bagong mamamahala ng kanyang career.

Read: Charice fires manager over money issue



MONEY ISSUE? Sa panayam ng PEP sa ninong ni Charice na si Robert Ybera, nagpahiwatig ito na pera ang dahilan ng alitan ng dalawa.

Hindi pa raw kasi nabayaran ni Glenn ang loteng pinaglilibingan ng ama ni Charice kung saan ipinagkatiwala ng singer sa manager ang pagbabayad.

Itinanggi naman ito ni Raquel. Sabi niya, “Nagulat nga ako kung anong anomalya ang pinalabas ni Robert, e.

"Matagal na siyang ‘di konektado sa amin. Wala kahit contact.

“Wala akong alam na nagkagalit kami, pero mula nang nasa Gulod [Cabuyao, Laguna] siya at umalis kapatid niya, wala na kaming connection sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa niya kay Robert, “Kaya sana dun sa mga tao na pinangungunahan kami, e, ’wag na sanang makisawsaw pa.”

Tungkol naman sa announcement ni Charice, sabi ni Raquel, “So far, naglabas lang ng status si Cha sa FB na hindi na si Glenn ang manager. That’s it.

"Pero as of now, we’re still communicating with him lahat lang ng naiwan sa kanya na mga business proposal na dapat niyang i-turn over.

“Kaya lang naman kinuha ni Cha nun si Glenn dahil alam niya na inaanak ko ‘to, of course, magtitiwala siya dito.

"Pero now na we reunited na at balik na ulit sa pangangalaga ko [si Charice], I suggested na palitan na si Glenn tutal end of contract na sila nung May pa.”

TURNING OVER DOCUMENTS. Noong Lunes, November 3, nag-status si Raquel sa Facebook na" “Glen Aldueza humarap ka kung ayaw mong mapamedia…”

Paliwanag niya sa kanyang status, “E, that time nga, he needs to surrender lahat ng transaction na nasa kanya.

"Pero now, my accountant and Charice accountant also ang nakikipag-communicate kay Glenn.

“Of course, kailangan din niyang i-justify yun at i-turn over nang maayos, like nung si Grace Mendoza pa, walang mga tanong, kasi lahat naka-details.”

Si Grace ang dating manager ni Charice na pinalitan ni Glenn.

Magbibigay naman daw sila ng anunsiyo sa mga susunod na araw kapag maayos na lahat.



HINDI LAOS SI CHARICE. Naging seryoso naman si Raquel tungkol sa mga isyung laos na si Charice. Marami rin kasing bashers ang nambabato ng masasakit na salita sa singer.

Pakiusap ni Raquel, “Sana huwag basta basta humusga ang mga tao at kung ano ano ang masasakit na salita ang ibabato sa anak ko.

“Tao rin kami na may pakiramdam at nagkakamali, pero wala silang karapatang manghusga.

“Lalung-lalo na ang mga nagsasabi na si Charice ay laos na at wala na sa limelight, nagkakamali po sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Charice ay nakaukit na sa history ng Pilipinas na nagbigay parangal sa ating bansa na katulad ni Manny Pacquiao.”

Bukas ang PEP sa panig nina Glenn Aldueza at Robert Ybera kaugnay ng mga pahayag na ito ni Raquel Pempengco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN