Enchong Dee on relationship with Samantha Lewis: “This is the most serious relationship I’ve ever had.”

Enchong Dee says he is now more mature because of his relationship with model Samantha Lewis.


Malapit na raw magkatotoo ang birthday wish ni Enchong Dee na umabot ng Gold ang kanyang debut album na Chinito Problems.

Nagdiwang ng kanyang 25th birthday si Enchong noong Miyerkules, November 5.

“Sabi ko, gusto kong mag-Gold yung album ko na parang malapit din naman siyang mangyari.

“Pero ayoko ring mag-wish nang mag-wish ng marami.

"’Pag wini-wish mo, ikaw rin naman ang magtatrabaho para matupad yung wish mo.

“Sabi ko, kung ano na lang ang wish ko, gawin ko na lang din.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at isa pang miyembro ng press si Enchong, sa Timex 2014 Fall Winter Collection press conference, na ginanap sa Cav Wine Shop and Café, Bonifacio Global City, Taguig, nitong Huwebes, November 6.

Naging maganda ang response sa kanyang debut album kahit hindi naman kilala si Enchong bilang isang singer.

Ano ang masasabi niya sa pagtanggap ng publiko sa kanyang pagsabak sa pagkanta?

Sagot ng Kapamilya heartthrob, “Hind ko siya in-expect pero ni-claim ko siya na mangyayari siya.

"Kasi katulad nga ng sinabi ko, I’m not trying to be a really great singer, but I really want to be a good performer.

“And dun sa mga kanta na pinili ko, binagay ko lang siya dun sa kakayanan ko.

"Pero hopefully, eventually gagaling at gagaling din [ako].”

Sundot na tanong ng PEP: Ano ang masasabi niya sa kanyang mga kritiko?

Pahayag ni Enchong, “Nagugulat ako na wala akong masyadong nakikita [na criticisms].

"Of course, may mga nagtatanong na, ‘Ay! Kumakanta pala siya.’

"Pero nagugulat din lang ako. Yung ini-expect ko na magnitude ng magki-criticize is not that many, so I’m just thankful.”

Ibinahagi pa ni Enchong na tinawagan siya kamakailan ng isang FM radio station para ipaalam na muling nanguna sa music countdown ang kanyang carrier single.

“Nag-number one siya ulit. Siguro birthday gift ng mga tao sa akin,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY MESSAGE. Inusisa rin ng PEP ang tungkol sa birthday message ni Enchong sa Instagram.

Sabi niya sa isang bahagi ng kanyang post: “2014 is different from all other years, my eyes were opened to a lot of REAL events, places & people... It’s difficult but I’m glad it happened coz I can be a better & careful person after today.”

Paliwanag ni Enchong sa nasabing status, “When you get older, you become stronger, you become wiser.

"When it comes to handling people, events and, siyempre, when you go around touring, parang a lot of people you’ll encounter... and it’s for you to ‘edit’ some people.”

Ano naman ang pagbabago sa kanyang buhay mula nang maging girlfriend niya ang model na si Samantha Lewis?

“Siguro maturity lang din kasi this is the most mature relationship I’ve ever had,” maiksing sagot ng aktor.

Noong September, dumalo sa Star Magic Ball si Enchong kasama si Samantha at ibinunyag na magkasintahan sila.

Read: Enchong Dee confirms relationship with model Samantha Lewis

Kumusta naman ang pagkakaroon ng girlfriend na non-showbiz?

“It’s a breather,” sagot niya.

Sinabi rin ng aktor na extra special ang birthday niya ngayong taon.

“Kasi nga, all the important people I love, very special people lang ang nag-celebrate lang ng birthday ko.”

May regalo ba sa kanya si Samantha?

“Sabi ko, I don’t want any gift, gusto ko magse-celebrate lang kami.

“Actually, mamaya may surprise siya.

"Pero sabi ko, okay lang kahit walang material, kasi gusto ko lang spend time with her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN