Martin Escudero wishes Jennica Garcia and Alwyn Uytingco well on their marriage

Martin Escudero’s best wishes for Jennica Garcia and Alwyn Uytingco: "Siyempre dapat lang lagi silang magkaintindihan. Ingatan nila yung relasyon nila. Siyempre susunod niyan pamilya na, e.”


Inihayag ni Martin Escudero na masaya siya nang mabalitaang ikinasal na ang ex-girlfriend niyang si Jennica Garcia kay Alwyn Uytingco.

Limang taong naging magkasintahan sina Jennica at Alwyn bago sila nagpakasal noong February 12 ngayong taon.

Ayon kay Martin, wala siyang ideya tungkol sa secret wedding ng mag-asawa hanggang sa maisapubliko ito kamakailan.

Read: Alwyn Uytingco, Jennica Garcia admit their secret wedding

“Oo nga, nabalitaan ko. Nakita ko sa news,” nakangiting pagkumpirma ni Martin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa ginanap na story conference ng pagbibidahan niyang series sa TV5, ang Wattpad Presents: Just For A While.

Ginanap ang event sa TV5 Reliance Center, sa Mandaluyong City, ngayong Biyernes ng hapon, November 7.

Kuwento pa ni Martin, tumagal ng “two years” ang relasyon nila ni Jennica bago sila naghiwalay noong 2009.

Hindi rin lingid sa publiko na pagkatapos maghiwalay ng dating magkasintahan ay sinubukan ni Martin na muling suyuin ang aktres.

Ngunit tila sadyang hindi itinakda para sa isa’t isa sina Martin at Jennica.

Ganunpaman, masaya si Martin dahil nakatuluyan ni Jennica ang isang lalaking wagas ang pagmamahal para kay Jennica.

Sabi pa ni Martin, “At least, parang, ’A, okay, maganda yung kinapuntahan ng relasyon nila.’

"Sa tingin ko, para sila sa isa’t isa."

Bagamat matagal na silang walang komunikasyon ni Jennica, iginiit ni Martin na maayos ang lahat sa pagitan nila.



Sa katunayan, minsan nang nakatrabaho ni Martin si Alwyn sa TV5 drama series na Babaeng Hampaslupa (2011).

Ayon kay Martin, “Wala kasi kaming communication [ni Jennica]. Mas nakakapag-usap kami ni Alwyn.

“Matagal na kami nagsasama sa trabaho. Okay naman.”

Anong mensahe niya para sa mag-asawang Jennica at Alwyn?

Sagot ni Martin, “Siyempre dapat lang lagi silang magkaintindihan.

“Ingatan nila yung relasyon nila. Siyempre susunod niyan pamilya na, e.”



MARTIN’S LOVELIFE. Samantala, ibinahagi ni Martin na mayroon siyang non-showbiz girl na nililigawan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala raw niya ito sa isang inter-branch gathering ng STI College, kung saan kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management ang aktor.

Pero hindi raw sila madalas magkita dahil naging abala si Martin sa paggawa ng pelikulang Feng Shui 2 at isa pang indie film na ayaw muna niyang tukuyin.

“Hindi pa ganun katagal [kaming nagde-date]. Kakakilala ko lang sa kanya.

“Hindi kami nagkakasama kasi sa province siya nakatira. Sa Batangas branch siya, ako sa Alabang,” lahad ni Martin.

Sa ngayon ay kinikilala pa raw nila ang isa’t isa.

“Siyempre marami pang puwedeng mangyari. Ini-enjoy lang yung moment, yung kabataan,” turan ng aktor.

Bukod sa paggawa ng pelikula, balik-telebisyon si Martin sa Wattpad Presents: Just For A While, na pagbibidahan nila ni Eula Caballero.

Ipapalabas ito sa TV5 simula December 1 hanggang December 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN