Julian Estrada apologizes to Julia Barretto for admitting their past relationship

Itinanggi ni Julian Estrada ang balitang pinababawi sa kanya ng Star Magic ang pag-amin niya sa dati nilang relasyon ni Julia Barretto.


Naging usap-usapan si Julian Estrada nang aminin niya sa presscon ng pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig, bago mag-Halloween, ang pagkakaroon nila ng romantic relationship ng Mirabella star na si Julia Baretto.

Read: Julian Estrada admits past relationship with Julia Barretto

Sumunod dito ang bali-balitang pinilit diumano siya ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, na bawiin ang ginawa niyang pag-amin tungkol sa anim na buwan nilang relasyon ni Julia.

Ang Star Magic ang siyang nagma-manage ng career nina Julian at Julia.

Pinabulaanan naman ito ni Julian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Sabado, November 8.

Sinabi nitong walang nagpi-pressure na bawiin ang kanyang pag-amin, “Hindi po pinapabawi."

Pero humingi raw siya ng paumanhin kay Julia at sa ina ng akres na si Marjorie Baretto.

"I had to say sorry to Julia and to Tita Marj.

"Nagkausap na kami.

"After the presscon, tinext ko po siya [Julia] and I said sorry, ’Sorry, nasama ka sa presscon kahit di ka kasama.’

“She said, ’Why did you do that?’

"And I said, ’I just want to be honest and I don’t wanna lie.’

“It’s okay, sabi ko, I’ll try to fix this.”

Bakit kailangang ayusin, totoo naman ang mga sinabi niya?

“Na-drag ang pangalan niya, e,” paliwanag ni Julian.

Tinanggap ba ni Julia ang sorry niya?

Napangiti muna si Julian at sinabing, “Yeah… yeah.

"Nag-usap rin po kami ni Tita Marjorie and I said sorry po talaga.”

May lumabas na mga balita na nagalit raw ito, totoo ba?

"Ay, hindi po, we’re on good terms po.

“Sabi po niya, ’Just remain friends with Julia.’”

Sila na ba ni Julia noong i-launch sila bilang bahagi ng Star Magic Batch 2013?

Sabi ni Julian, “During the Star Magic launch, that was the time we got closer and closer and closer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong kampanya ng lolo niyang si dating Pangulong Joseph Estrada para sa pagka-mayor ng Manila, close na sila?

“Yeah, I think so,” pag-amin ng binata.

Kailan sila nag-break?

“Kailan? Months... last year,” sabay ngiti niya.

Bakit sila nag-split?

“We wanted to get to know ourselves more and work po.”

Maroon ba siyang ibang crush na puwede niyang ligawan sa ABS-CBN? Umiling si Julian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN