Marlene Aguilar reacts to niece Maegan’s beating incident: "I would never understand why women would stay with a man who is jobless and violent."

Sinabihan na raw ni Marlene Aguilar ang pamangkin niyang si Maegan na iwanan na ang live-in partner nitong si Ali ngunit hindi raw ito nakinig sa kanya. Sabi ni Marlene, “I would never understand why women would stay with a man who is jobless and violent.”


Nag-react si Marlene Aguilar tungkol sa nangyaring pambubugbog sa kanyang pamangkin na si Maegan Aguilar.

Si Marlene ay kapatid ng ama ni Maegan na si Freddie Aguilar.

Isinugod sa ospital si Maegan noong November 8 pagkatapos diumano itong bugbugin ng kanyang live-in partner na nagngangalang Ali Sanchez.

Sa kanyang Facebook page noong November 9 ay nag-post ng mensahe si Marlene pagkatapos makita ang mga litrato ni Maegan na ipinost ng kaibigan nitong si Maria Silorio.

Read: Maegan Aguilar beaten by live-in partner as a "parting gift"

Narito ang Facebook post ni Maegan:

“I told Maegan Comet Aguilar to leave Ali, but she didn’t listen.

“I would never understand why women would stay with a man who is jobless and violent.

“Palamunin na nga ‘yang Ali na ‘yan, nananakit pa.

“Pero nung una pa lang niya sinaktan si Maegan, dapat pinalayas na siya ng pamangkin ko.”

Sa naging conversation ni Marlene sa isang kaibigan na si Jerwin Bonebreaker sa Facebook, nabanggit nitong minsan na rin siyang nasaktan ng ka-live in niya dati pero lumaban siya.

Sabi ni Marlene, “Ano sa palagay mo nangyari sa lalaking nanampal sa akin?

“Basag ang ribs niya. Malas ng lalaking mananakit sa akin. Tapos.”

Pinatunayan nga lang daw ni Marlene na kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

“I never allowed my brothers or any member of my family to take care of my own problems. I am capable of handling my LIFE.”

MAEGAN’S FRIEND. Nalagay rin sa spotlight ang kaibigan ni Maegan na si Maria Silorio dahil sa pag-post niya ng mga larawan ni Maegan pagkatapos itong mabugbog diumano ni Ali.

Tinira si Silorio ng bashers at haters at sinasabing fake daw ang mga larawang iyon ni Maegan.

Ito naman ang mga sagot ni Silorio sa Facebook tungkol sa bumibira sa kanya:

“Sa mga nagpaparatang sakin na fake lahat ng post ko about what happened to ate Maegan Comet Aguilar bakit hindi nyo muna alamin lahat. #‎Godknowseverything

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“vicious malicious and non thinking ???? This is not me.

“Madami na ko na basang comment against Maegan Aguilar kesho wala namang pasa o wala namang nabali sa katawan nya,look guys ano ba gusto nyong makita yung nasa kabaong na si ate Megs bago kayo maniwala? actually wala kong paki sa nararamdaman nyo pero dahil friend ko yung nababastos sa mga comment nyo aba magrereact ako diba,family na trato sakin ni ate megs so dapat lang na ipagtangol ko sya unang una saksi ako sa pagsisikap ni ate megs para bumangon.

“Wala syang oras na magaksaya ng panahon para lang gumawa ng issue or gumawa ng mga kwentong Boka. Malalaman nyo din lahat pag nainterview na on TV.


“Pasensya na kong di napatay si Maegan Aguilar. Baka kasi yun ang hinihintay nyo bago kayo maniwala.

“PLEASE...MAGTULUNGAN PO TAYO!!!


“Sa mga malalapit na kaibigan, supporters at followers po ng aking bestfriend na si Maegan Comet Aguilar/ Maegan Aguilar..PLEASE PLEASE LANG PO kung gusto niyo pong makatulong sa kanya, DO help us monitor the public comments on YOUTUBE and other social network news/ tabloid links regarding her latest news dahil NGAYON PA LANG ay sumusugod na doon ang mga bashers at ang mga OBVIOUS NA ALIPORES sa kampo ng ‪#‎ALAMNIYONAYUN para gawing JOKE ang trahedyang sinapit niya.

“Kaya sana po, bago pa lumala ang lahat dahil sa mga walang kwentang comments ng mga walang kwentang tao, LET US BE OPEN ABOUT SUPPORTING HER AND TAKING HER SIDE AS WELl.

“We are especially calling out to #‎GABRIELA officers, members and supporters and to all BATTERED WOMEN who have experienced this kind of treatment from their boyfriends,husbands/ live-in patners. Sa mga di pa nakaranas ng ganito, MAS MABUTI PONG MANAHIMIK NA LANG KAYO!!! - Maria Silorio”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN