Pinoy Fear Factor winner Jommy Teotico says he uses marijuana for his ADHD

Jommy Teotico defends himself against alleged use of illegal marijuana.


Dinepansahan ni Pinoy Fear Factor winner Jommy Teotico ang sarili tungkol sa pagkakahuli sa kanya dahil umano sa paggamit ng marijuana.

Sa ulat ng ABS-CBNNews.com, na lumabas kagabi, November 11, sinabi ng reality show winner na iminungkahi ng kanyang psychiatrist na gumamit ng marijuana para sa kanyang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).

Bukod dito, umalma rin si Jommy sa pagdampot sa kanya ng mga pulis nang walang warrant of arrest.

Subalit nilinaw ni San Pedro Police Supt. Cecilio Ison Jr. na hindi na kailangan ng warrant of arrest kung may matinding ebidensiya laban sa suspect.

Nahuli si Jommy sa bahay ng kanyang live-in partner, ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition na si Jamilla Obispo, sa San Pedro, Laguna, noong October 23.

Read: Pinoy Fear Factor winner Jommy Teotico busted for drugs

Ayon kay PSupt. Ison, ang ina ni Jamilla ang lumapit sa kanila upang ireklamo ang diumano’y paggamit ni Jommy ng ipinagbabawal na gamot.

Siya rin daw ang nagpapasok sa mga pulis sa kanilang bahay kung saan caught in the act si Jommy sa paggamit ng marijuana. Nakita rin sa kanyang possession ang ilan pang drug paraphernalia.

Gayunman, iginiit ni Jommy na hindi sa kanya ang lahat ng nakuhang marijuana at drug paraphernalia.

Nakakulong pa rin ang TV at movie personality sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, sa kanyang Instagram account (jommyteotico), makikita na suportado ni Jommy ang mungkahi na gawing legal ang paggamit ng medical marijuana.

#Repost from @palomaesmeria with @repostapp IT’S TIME FOR YOU TO WAKE UP 🙇👌 #HelpEducateMisinformedPeople Let us gather for the "Celebration of light & hope on " November 9, 2014 time: 7:30am-11am at the Amphitheater, QC Memorial Circle. #medicalmarijuana #medicalcannabis #philippinescannabiscompassionsociety #effort #pilipinas #philippines #pinoydream #cure #tikunolam #HB4477 Sign the Petition 👍 if you want to know the good news about the healing positivity response from Cannabis plant like >All types of cancer, glaucoma, epilepsy, dementia, ADHD, Autism, Bipolar, Parkinson’s, Brain functions, HIV/AIDS, blood sugar, anxiety depression etc... Give it a chance to treat these problems in our society. Be open minded to learn it’s benefits 🍁😊✌️❤️

A photo posted by Jommy Teotico (@jommyteotico) onOct 10, 2014 at 7:52am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN