Ejay Falcon opens up about ex-girlfriend Yam Concepcion

Loveless at the moment, Ejay Falcon assures, "Kung sino man ang magiging girlfriend ko, aaminin ko na talaga. Makikita na ninyo yun, magho-holding hands kami [habang] naglalakad sa ABS.”


Nagsimula na si Ejay Falcon ng taping para sa bago niyang teleserye sa Kapamilya network, ang Pinoy remake ng Mexicanovela na Pasion de Amor.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakapag-taping na po kami matagal na. Hinintay lang namin si Cuenca, si Jake.

“Nakabalik na po siya. Kahapon, team building namin at ngayon may taping sila.

"Inuna yung mga girls. Siguro kami next week na.”


Ang tinutukoy niyang "girls" ay sina Arci Munoz, Ellen Adarna, at Coleen Garcia.

Sino ang pinakabida sa tatlo?

“Sa akin po? Si Coleen. Tatlong babae, tatlong lalaki po ang mga bida.”

Hindi ba napakaseksi ng tema ng original version nito?

“Oo, siguro naman napanood ninyo naman po yung original version nito. Ako, napanood ko po.

"Hindi pa po ako artista noon, napapanood ko na sa bahay dati, so alam ko na rin yung kuwento.”

So, magpapakita siya ng katawan dito?

Tugon niya, “Hindi lang naman ako. Marami naman kami.

"At matagal nang pinaghandaan ‘to and yun talaga ang requirement. Na talagang kailangan dito maganda ang katawan.

"Matagal na rin ‘tong project na ‘to at ngayon, tuluy-tuloy na.

"Paglabas ko ng PBB [Pinoy Big Brother], na-cast na po ako rito."

Nakausap ng PEP si Ejay sa press conference para sa pagbibidahan niyang episode ng Maalaala Mo Kaya kahapon, Martes, November 11, sa ABS-CBN.



LEADING LADIES. Sa tatlong leading ladies ng Pasion de Amor, may kissing scene ba siya?

Ayon kay Ejay, “Wala pa, hindi pa kami nagkakaeksena. Hindi pa kami nagkakasama na nagti-taping kami.

"Nagkakasama lang kami sa workshops, team building, sa training, yung mga horseback training.

"Ang mga kaeksena ko pa lang, mga kabayo.”

Kailan ito ipapalabas?

“Sabi sa amin, first quarter ng 2015, kasi parang alanganin na ngayon."

Excited siya to work with Ellen?

“Siyempre naman po. Pareang lahat ng boys dito, excited, e!” natatawang sabi ni Ejay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki ang posibilidad na ma-link din sila ni Ellen. Ready ba siya?

“A, hindi... ‘di ba, lahat naman ganoon, e.

"Lahat naman ng napa-partner sa akin, parang nali-link ako, so hindi na imposibleng mangyari yun."



YAM CONCEPCION. Wala raw girlfriend ngayon si Ejay.

“Wala na.... wala na. Hindi ba nga may mga lumabas na?”

Ang tinutukoy ni Ejay ay si Yam Concepcion, na nakasama niya sa drama series na Dugong Buhay.

Sa isang panayam ni Yam ay inamin niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Ejay ngunit hindi nila ito ipinaalam sa publiko. Si Ejay rin daw ang nakipagkalas sa kanya.

Read: Yam Concepcion opens up about short-lived romance with Ejay Falcon

Iniwan nga ba niya sa ere si Yam?

Saad ng Kapamilya actor, “Noong time na ‘yon kasi, may pagkakamali talaga ako.

"And nakapag-usap na po kami. Two months ago sa Greenbelt, nagkita po kami.

"Tinawagan ko po siya kasi alam kong may pagkakamali po talaga ako.

"And doon sa pagkakamali na ‘yon, natututo ka naman, ‘di ba?

“So, parehas kami na natutunan namin doon na huwag kaming magpadalus-dalos.

"Kasi, masyadong mabilis lahat ng pangyayari sa amin.”

Paano nag-umpisa ang paghingi niya ng sorry kay Yam?

“In-explain ko po sa kanya kung bakit nagka-ganoon, sinabi ko sa kanya lahat.

“Nagtawanan na lang kami. Sabi ko, ‘O, may dini-date ka na ba?’

"May ganoon-ganoon... okey naman kami.”



FAMILY FIRST. Base sa mga sinabi ni Yam, ang dahilan kaya nakipagkalas sa kanya si Ejay ay hindi nito mabalanse ang kanyang family at lovelife. Totoo ba?

Sagot ni Ejay, “A, oo, noon... sinabi na pala niya.

"Noong time na yun po kasi, after ng Dugong Buhay, New Year yun, pag-uwi ko ng Mindoro, nakita ko yung family ko.

"And parang, ‘Wow! Marami pa akong obligasyon dito.’

"Hanggang doon na lang muna. Basta nakapag-usap na po kami and okey na. Maayos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami pa ako g obligasyon sa family ko.

"Sabi ko nga, priority ko po talaga yung trabahao ko, yung family ko.

"Siguro kung may dadating man, mas natuto na ako doon sa nangyari sa amin."

May balikan bang naganap sa kanila ni Yam?

“Wala po. Wala pa.

"Pero okey na po kami. Sobrang okey na po kami.”

Gaano tumagal ang relasyon nila?

“Hindi po kami umabot ng isang taon. Mga four to five months.”



IGLESIA DEVOTEE. Nagkaroon din ba ng kaugnayan sa paghihiwalay nila ni Yam ang pagiging member niya ng Iglesia ni Cristo?

“Siguro hindi yun ang pinaka-main reason, yung family ko talaga.

"Pero darating yung time na talagang alam ko na magiging reason din ‘yon, magiging dahilan din po yun.”

So, next girlfriend niya, kailangan miyembro rin ng Iglesia ni Cristo?

“Sana, sana po.”

Si Kathryn Bernardo ay member ng Iglesia ni Cristo. May posibilidad bang ligawan niya ang ka-loveteam ni Daniel Padilla?

"Ano? Papatayin ako ng Kahtniel?!" bulalas ni Ejay.

Bakit hindi niya nagawang magpaalam nang maayos kay Yam para makipaghiwalay?

“Mahirap pong magsalita, basta magpapaka-gentleman po ako. Hindi po ako magsasalita.”

Willing ba siya namagkasama ulit sila ni Yam sa mga proyekto?

“Opo, okey din po siya. Kasi dapat may gagawin kami, pero hindi ko po alam kung tuloy.”

Again, hindi sila nagbalikan ni Yam?

Diin ni Ejay, “Wala po, wala.

"At kung sino man ang magiging girlfriend ko, yung next or kung babalikan ko siya, aaminin ko na talaga.

"Makikita na ninyo yun, magho-holding hands kami [habang] naglalakad sa ABS!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN