Jake Cuenca is "single again"

"Single again. 😊" Ito ang post ni Jake Cuenca (left photo) sa Twitter noong Biyernes, November 14. Bagamat kumakalat na ang screenshot na ito sa Internet, mapapansin na nabura na ang post na ito sa Twitter account ng Kapamilya actor. Break na kaya si Jake at ang girlfriend niyang si Chanel Olive Thomas? (right photo)


"Single again. 😊"

Ito ang post ni Jake Cuenca sa Twitter noong Biyernes, November 14.

Bagamat kumakalat na ang screenshot na ito sa Internet, mapapansin na nabura na ang post na ito sa Twitter account ng Kapamilya actor.

Marami ang nagtaka sa "single again" post ni Jake, ngunit wala pang kasunod na post o opisyal na pahayag ang aktor tungkol dito.

Ito kaya ang relationship status ngayon ng Kapamilya actor, na ang girlfriend ay ang Fil-Australian model na si Chanel Olive Thomas?

Huling nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkasama sina Jake at Olive sa Cosmo 8 Sexiest Models Party sa Raven Club sa Taguig City noong November 13.

Sa after-party ng naturang event ay nakita pa ang dalawa na very sweet, magka-holding hands, at naghalikan pa nga.

Matatandaan na noong April lamang ay inihayag ni Jake ang relasyon nila ni Chanel.

Read: Jake Cuenca posts intimate photos with Fil-Aussie model on Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN