Marian Rivera sees no problem having both Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas as part of her wedding entourage

Marian Rivera on doing her next teleserye: “Marami silang gustong i-feed at magagandang story rin ang gustong ibigay ng GMA. Pero ang ano nito, titimplahin ko muna. Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho. Gusto kong magtrabaho, gusto kong magka-soap. Pero, priority ko rin ang magka-baby.”


Isang welcome party ang inihanda ng pamilya ni Dingdong Dantes para sa mapapangasawa ng aktor na si Marian Rivera ilang linggo bago ganapin ang pag-iisang dibdib ng “Kapuso royal couple.”

Masayang lahad ni Marian, “Ganito ‘yan, sabi niya [Dingdong] sa akin, ‘Pupunta tayo sa family ko, sa Dantes side.’

“Madalas kasi, sa Gonzalez side, sa partido ng mommy niya.

“Gusto lang daw na magpunta kami dun para mag-get-together.

“Hindi ko alam na parang meron pala silang program para sa akin, parang welcome to the family.

“May program sila, may prompter sila. Nag-hire sila ng host, comedian, may kumanta pa, nag-violin pa.

“Ang nakakatuwa dun, alam kong sobrang nag-effort sila para maging masaya kami, i-surprise.

“Pero ang mas nakakapagpa-touch dun, yung message nila para sa akin.

“Parang sabi lang, ‘Welcome to the family. Isa ka na sa magiging Dantes. Welcome ka dito sa amin.’”

Ano ba ang pakiramdam na tanggap na tanggap siya ng parehong partido ng pamilya ni Dingdong?

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Ay, siyempre, yun ang isa sa pinakamasarap sa magiging bride o magiging asawa—na tanggapin ka ng magiging pamilya ng asawa mo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa contract signing niya bilang endorser ng Nailandia Spa, noong Biyernes, November 14, sa Cerchio restaurant, sa Sct. Limbaga, Quezon City.

ENTOURAGE. Sa isang banda, naitanong ng PEP kay Marian kung hindi ba sila nangangamba ni Dingdong na baka magkaroon ng conflict ang pagkuha nila kina Kris Aquino Ai-Ai delas Alas bilang bahagi ng kanilang entourage.

Si Kris ay isa sa principal sponsors, habang si Ai-Ai naman ay isa sa bridesmaids ni Marian.

Hindi naman kasi kaila sa marami na may isyu pa rin sa pagitan ng dalawang dating matalik na magkaibigan.

Pahayag ni Marian tungkol dito, “Ay, naniniwala naman ako na itong mga inimbitahan namin ay magiging prayoridad nila ang kasiyahan na nararamdaman namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, nandoon tayo para positive lahat.

“At saka, minsan, yung mga bagay na hindi pagkakaunawaan ng mga tao, minsan hindi naman natin alam kung ano ang nangyari talaga, so mahirap mag-judge.

“Mahirap magkaroon ng conclusion kung paano gagawin mo.

“Minsan, mas maigi na kung merong hindi pagkakaunawaan ang isa’t isa, hayaan na lang natin. Huwag na tayong gumatong.”

Ikinatutuwa naman ni Marian ang inaasahang pagdalo ni President Noynoy Aquino, kapatid ni Kris, sa kasal nila ni Dingdong.

Ayon pa nga sa Instagram post ni Kris ay pina-block off na raw ni PNoy ang schedule nito sa December 30 upang makadalo sa kasal nina Marian at Dingdong.

Read: Kris Aquino confirms PNoy will attend Dingdong-Marian wedding

Reaksiyon dito ni Marian, “Siyempre, happy kami bilang bigyan kami ng time at puntahan ang pinakaimportanteng araw sa buhay namin, e, nagpapasalamat talaga kami sa kanya.”



SKIPPING CHRISTMAS? Dahil ilang araw lang pagkatapos ng Pasko ang kasal nila, sa December 30, aminado si Marian na sa ngayon ay hindi nila halos naiisip ang paparating na Kapaskuhan.

“Sa totoo lang, hindi namin naiisip ang Pasko. Hindi namin naiisip ang Christmas talaga.

“Sabi ko nga, ang suwerte ko dahil yung mapapangasawa ko, sobrang hands-on talaga sa bawat malaki o maliit na detalye sa wedding namin.

“Ako, kapag nami-meeting, nakaganyan lang ako sa kanya. Sasabihin niya, ‘Ano sa tingin mo?’

“’Okay…’ Sobrang dali kong kausap na bride!” natatawa niyang sabi.

May ipinakita sa aming larawan si Marian na kuha sa kanyang cell phone habang seryoso si Dingdong na nakikipag-meeting tungkol sa kasal nila.

Natawa naman ang aktres nang sabihin naming habang busy si Dingdong, siya naman ay nagagawa pang kumuha ng picture ng mapapangasawa.

Pero pagdating daw sa menu sa reception ng kasal nila, doon daw malaki ang partisipasyon ni Marian.

“Kaming dalawa naman yun bilang mahilig ako sa pagkain. PG [patay-gutom] naman ako!” natatawang biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TELESERYE. Samantala, aminado si Marian na nami-miss na rin niya ang gumawa ng teleserye.

Pagkatapos ng primetime series na Carmela, ang dance show na niyang Marian ang kanyang pinagkaabalahan at ngayon nga ay nasa second season na ito.

Hangga’t gusto raw niyang sumayaw, tuluy-tuloy lang ang Marian.

Nilatagan na ba siya ng GMA kung ano ang susunod niyang teleserye?

Ayon kay Marian, “Marami po silang nilalatag, pero ang problema ko po kasi nito, sobrang busy ko nga, ‘tapos may Marian show.

“E, yung Marian show, gustong tapusin ko hanggang December.

“E, nasa sa akin pa kung itutuloy ko hanggang January.”

May naiisip na siyang materyal para sa gagawin niyang teleserye?

“Marami silang gustong i-feed at magagandang story rin ang gustong ibigay ng GMA.

“Pero ang ano nito, titimplahin ko muna.

“Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho. Gusto kong magtrabaho, gusto kong magka-soap.

“Pero, priority ko rin ang magka-baby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN