Carla Abellana hopes to get to know Tom Rodriguez better outside of work

According to Carla Abellana, the only time she and Tom Rodriguez got together outside of work was when she accompanied him to the hospital: "Do you consider that a date, hospital date?"


Patuloy ang pakikipagtrabaho sa isa’t isa nina Carla Abellana at Tom Rodriguez kahit tapos na ang pinakahuling pinagsamahan nilang primetime teleserye sa GMA Network, ang My Destiny.

Sa ngayon, pareho silang abala bilang ambassadors ng Celebrity Ukay-Ukay, ang fundraising campaign na pinangungunahan ni Mel Tiangco para makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sabi ni Carla, “Yeah, we work together all the time, non-stop, for over a year.

"Hindi lang weekly, halos regularly.

“Talagang nagkikita kami, lalo na ngayon after My Destiny.

"Tuloy-tuloy pa rin ang communication namin because of the Tom and Carla Celebrity Ukay-Ukay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa press conference ng Shake Rattle & Roll XV, na ginanap sa Imperial Palace Suites, sa Tomas Morato, Quezon City, Miyerkules, November 19.

Paglalarawan pa ni Carla, kinakarir nila ni Tom ang naturang kampanya para makatulong sa typhoon victims.

“Kulang na lang gumapang kami sa effort talaga [para] maging successful ang ukay-ukay.

“We work hard until now talaga until nakakakuha kami ng such donations from celebrities.”

Dugtong pa niya, sagot ito sa dasal nila ni Tom para makatulong sa mga nangangailangan.

“Before ng Celebrity Ukay-Ukay, nag-usap kami paano kaya kami makakatulong.

“’Tapos in-invite kami ni Tita Mel Tiangco na maging ambassadors ng Celebrity Ukay-Ukay.

“Sabi namin, ’Aba, okay, a, everything is falling into place.’

"Part siguro ng plan ni God ito, yung paraan, para makatulong kami.”



TOM’S HEALTH ISSUES. Kinumpirma naman ni Carla na naaapektuhan na ang kalusugan ni Tom dahil sa labis na pagtatrabaho.

“Nagti-taping pa lang po kami ng My Destiny, ganyan na ’yan, e.

“You would think na after [taping], kahit papa’no, nakakapag-rest siya, pero parang dun bumabawi ang katawan niya.

"’Tapos do’n bumibigay pa, nagkaroon ng complication dito sa spine niya, sa heart niya, whatever, ganyan.

"Of course, andaming karamdaman na ’di maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I referred the doctor to him. Ako ang nag-recommend ng chiropractor sa kanya.

"Yung doctor ko ang nag-refer ng cardiologist sa kanya."

Kinumusta naman kay Carla kung nagkakaroon ba ng mood swings to Tom.

Kaugnay ito ng napaulat na diumano’y pagwawala ni Tom sa taping ng Don’t Lose The Money at napagbuntunan daw ng kanyang galit ang staff ng nasabing game show dahil may sakit umano ito noong panahong iyon.

Pero pinabulaanan ito ni Tom at sinabing walang ganitong eksenang nangyari.

Read: Tom Rodriguez denies losing temper after taping Don’t Lose The Money

Ayon kay Carla, “Base sa pagkakakilala ko sa kanya the past year, iisa lang ang mood ni Tom Rodriguez, energetic, my goodness!

Paglalarawan pa ng aktres sa kanyang leading man, "Makulit kahit 2 A.M. na.

“Siya ang life of the party, siya ang nagbibigay ng sigla, at tawa, at lakas sa lahat ng tao. So he has been the same.

“Kung hindi man siya, kumbaga on-cam, the energetic Tom Rodriguez that he is, he is just absorbed in his laptop na nag-i-sketch.

"Yun lang ang mood na alam ko sa kanya, na pagkakakilala ko sa kanya."

Tiniyak din ni Carla na aprubado sa kanyang amang si Rey "PJ" Abellana ang personalidad ni Tom.

Nagkita na ang dalawa nang minsang mag-guest si Rey sa show ni Tom.

Tinanong kay Carla kung ano ang impresyon ng kanyang ama kay Tom.

“Good, no worries, no doubts. Hindi ko kailangan pagsabihan si Tom o i-sugarcoat how he is.

“Confident naman ako na mabait siyang tao and then magugustuhan ng daddy ko.

“Mabait siya. He’s very energetic.

"Napaka-down-to-earth, so sana daw mas makilala pa niya si Tom outside of work."

WAITING FOR THE OPPORTUNITIES. Kaugnay ng pag-uugnay sa dalawa, natanong kay Carla kung nangangahulugan ba na maaaring mauwi sa pagkakamabutihan ang kanilang pagtatrabaho, lalo pa’t madalas silang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, puro work, but ’yon, one time sa ospital, sinamahaman ko siya. Do you consider that a date, hospital date?

“Pero ngayon, 99 percent, work talaga.

"Kahit tapos na mga teleserye at movies, puro work pa din, work pa rin ang nagsasama sa ’ming dalawa.”

Wala ba silang oras na lumabas na hindi trabaho?

“Ang hirap if you say dating that’s outside of work.

"Pero ngayon, naghihintay lang kami ng opportunity, ng free days or whatever na mabigay sa amin, o common day.

"Kasi kunwari may free day siya, hindi naman ako puwede, or vice versa.

“So, yun ang hinihintay namin, sasaluhin namin kay God na bigyan kami ng free days na makapag-date talaga.

"And get to know each other outside of work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN