Jennica Garcia and Alwyn Uytingco expecting their first child

Jennica Garcia announced on her Instagram account that she is pregnant. She also asked her followers, "Please help us pray for my bleeding to stop, na maging makapit si baby and for the Lord to continue providing for our growing family."


Masayang ibinalita ng mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia ang tungkol sa kanilang pagiging soon-to-be-parents.

Isang larawan nilang mag-asawa, hawak ang larawan ng ultrasound ng kanilang magiging baby, ang ibinahagi nina Alwyn at Jennica sa kani-kanilang Instagram account kahapon, November 24.

Ayon sa post ni Jennica (dearcatlady), limang linggo na ang kanyang ipinagbubuntis.

Hiniling din niya sa kanyang followers na ipagdasal na maging maayos ang kanyang pagdadalantao.

“As all my followers know by now, Alwyn and I got married Feb. 12 this year. We announced it to the public last month, Oct. 14 and just recently... Nov. 17, nung Monday lang. I found out that I am 5 weeks pregnant. c: I decided to share the good news to everyone right away so that I could get more people to help me pray for our baby. Please help us pray for my bleeding to stop, na maging makapit si baby and for the Lord to continue providing for our growing family.

Sa parehong larawan na ibinahagi ni Alwyn sa kanyang Instagram (alwynzky), sinabi naman niya: “Mommy and Daddy Uytinkers!!! Yeheeeey!! See you after 9 months. Thank you Lord for blessing our family. :D #UytingcoFamily #BabyUytingco”

Samantala, sa close-up shot ng ultrasound, sinabi ni Jennica: “Ang liit ng baby ko, kasing laki ng orange seed hehe! ❤️ Baby sac and food sac pa lang daw. The Doctor is expecting the heart to form and beat this week. My faith in the Lord is growing stronger with the help of those who are posting comments that you will pray with Alwyn and I. Mahal namin kayo at salamat ng marami. :D #5weeks”

Matatandaang sa press conference ng Wattpad Presents: Dyepni noong Oktubre, inamin nina Alwyn at Jennica sa unang pagkakataon na kasal na sila.

Ginanap ang kanilang kasal noong February 12, 2014 sa Victory Church, sa Greenhills, San Juan City.

Read: Alwyn Uytingco, Jennica Garcia admit their ’secret wedding’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN