Iya Villania ignores bashers who disapprove of her transfer to GMA

Masaya naman daw si Iya Villania sa naging paglipat niya sa GMA Network. Bukod sa bagong environment, may bago rin siyang endorsement.


Hindi raw apektado si Iya Villania sa mga nangba-bash sa kanya dahil sa paglipat niya sa GMA Network mula sa ABS-CBN.

Bago siya lumipat sa Kapuso network, sampung taon siyang naging regular talent ng Kapamilya network.

Read: Iya Villania signs exclusive contract with GMA Network

Hindi rin daw siya nagri-react sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng mga bashers.

Sabi ng bagong Kapuso star tungkol sa bashers, “Wala. Deadma.

“Dahil hindi naman talaga nila alam kung ano ang plano ko. At hindi naman nila buhay ‘to, so, yun lang.

“Minsan kasi ang tao, ang bilis lang talaga makapagsalita.

"But you know, they don’t see the bigger picture, and you know because it’s not them that’s living that life.

“Ang dami rin nilang hindi naku-consider.

“So, wala, deadma.

"Iniisip ko na lang na hindi nila alam, e, so I won’t waste na lang anytime trying to explain pa.

"Kasi bakit ko pa… hindi ko naman kailangang mag-explain."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iya sa launching ng mga bagong endorsers ng ATC Healthcare International, kung saan ini-endorso ng TV host-actress ang isa sa kanilang produkto, ang Redoxfat.

Ginanap ang launching sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel, kaninang hapon, November 25.

CHANGE OF ATMOSPHERE. Nasasaktan ba siya kapag nakakabasa siya ng mga pangit na komento sa kanyang social media accounts?

Sagot ni Iya, “Hindi.

"Actually, may nakakatawa... may isang fan, hindi ko alam kung fan ko, pero nag-comment siya na, ‘Ewan ko sa inyo, kapag wala silang show, nagku-complain kayo. ’Tapos kapag lilipat ng network, para maghanap ng opportunity, nagagalit kayo. So, ano ba talaga?’

“So, nung nakita ko yung message, sabi ko, ‘Oo nga, ‘no? Tama nga yung sinabi niya.’”

Muli namang iginiit ng misis ni Drew Arellano na panibagong kapaligiran ang isa sa pinakadahilan ng paglipat niya sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 28-year-old TV host-actress, “Like what I said kanina, a change of atmosphere, a change of setting.

“I just feel that in the next three years, habang wala pa kaming anak ni Drew, I just wanna explore and make the most out of the next three years.”

BABY PLANS. January 31 ngayong taon ikinasal si Iya kay Drew. Kailan ba nila planong magka-baby?

Sabi ni Iya, “Yung plano namin, end of 2016, magta-try na kami.

“So, sana 2017, nandiyan na siya. Present na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN