PMPC Star Awards for TV results marred by controversy anew; Kim Chiu reacts to claim that her Best Actress award was bought

“Kung binibili ang award sana bumili na ako noon pa po,” says Kim Chiu about allegations that her Best Drama Actress award was won by “bidding.”


Lumikha na naman ng kontrobersiya ang resulta ng nakaraang 28th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ginanap ang awards night noong Linggo, November 23, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Ipalalabas naman ito sa ABS-CBN sa Linggo, November 30.

Dinomina ng ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang ang awards para sa drama category.

Bukod sa Best Primetime Series, hinakot din ng Ikaw Lamang ang tropeyo sa acting categories: Best Actress (Kim Chiu), Best Actor (Coco Martin), Best Supporting Actress (KC Concepcion), at Best Supporting Actor (John Estrada).

Read: Coco Martin and Kim Chiu win acting honors at Star Awards for TV; Kathniel named Power Love Team

Subalit kasunod nito, may ilang netizens ang tila kinuwestiyon ang naging resulta ng awards night, partikular na ang kategoryang Best Actress.

Tinalo ni Kim sa naturang kategorya ang mga sumusunod: Bea Alonzo (Sana Bukas Pa Ang Kahapon), Angel Locsin (The Legal Wife), Lovi Poe (Ang Dalawang Mrs. Real), Maja Salvador (The Legal Wife), Maricel Soriano (Ang Dalawang Mrs. Real), at Dawn Zulueta (Bukas Na Lang Kita Mamahalin).

Ang ilan sa netizens ay nagpahiwatig na nagkaroon diumano ng “bidding” o “bayaran” para sa award.

Ilang sa mga nag-post ng kanilang pagkuwestiyon ay ang mga sumusunod:

Sinagot naman ni Kim ang paratang na “nabili” ang award niya mula sa Star Awards ng PMPC.

Ayon sa Kapamilya actress, kung totoo ang mga paratang, noon pa raw siya sana bumili ng award.

PREVIOUS ISSUES. Hindi ito ang unang pagkakataon na inulan ng batikos at kontrobersiya ang taunang pamamahagi ng awards ng PMPC.

Noon nga lamang Marso ay nagkaroon din ng kontrobersiya ang Star Awards for Movies ng PMPC.

Ayon sa columnist at radio host na si Jobert Sucaldito, nagkaroon ng “dagdag-bawas” sa 30thPMPC Star Awards for Movies.

Umalma siya sa pagkatalo ni dating Laguna Governor ER Ejercito sa pagiging Best Actor para sa pelikulang Shoot To Kill: Boy Golden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang award ay iginawad ng PMPC sa lead star ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy na si Vice Ganda.

Ayon kay Jobert, may sigurado na siyang "22 voting members" para sa ikapapanalo ni ER ngunit bumaligtad daw ang mga ito.

Sa kabila nito, sinabi rin niyang mas deserving para sa award ang isa pang nominado, si Joel Torre, para sa pelikulang On The Job.

Read: PMPC Star Awards for Movies results marred by vote-buying accusation

Pinabulaanan naman ng pamunuan ng PMPC ang alegasyon.

Sa isang statement, sinabi ng grupo: “We strongly refute the said allegation. The voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, uncontestable, and sacred.

Read: PMPC refutes vote-buying allegation at the Star Awards for Movies

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng PMPC sa panibagong kontrobersiyang iniuugnay sa nakaraang Star Awards for TV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN