Jose Manalo says he has nothing to explain to his eldest son Nicco Manalo

Jose Manalo’s wish: “Sana maintindihan ng bawat isa kung ano ang nangyayari at wala naman akong intensiyon. Gusto kong maging maayos at maluwag ang pagkilos ng bawat isa na wala kang iniiwasan, wala kang kinaiinisan. Actually, hindi ako marunong mainis. Yung galit ko, sandali lang, wala na yun. May maiwan man, may limitasyon na.”


Aware daw si Jose Manalo sa mga naging pahayag ng anak niyang si Nicco Manalo tungkol sa hindi nila pag-uusap ngayon.

Sa mga nakaraang panayam ng press kay Nicco, sinabi nitong bukas siya sa posibilidad na magkaharap silang mag-ama at nais din niyang marinig ang side nito sa hiwalayan nila ng kanyang ina.

Read: Nicco Manalo still maintains respectful distance from dad Jose Manalo

Saad ni Jose tungkol dito, “Si Nicco kasi, malaki na siya, e.

“Panganay ko ‘yan, e. Alam naman niya lahat.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘May sarili kang pag-iisip at nakita mo kung paano ako naging ama sa inyo.’

“Alam niya lahat yun.

“Siguro wala akong kailangang i-explain sa kanya, nakikita niya lahat yun, kung ano yung nangyari.”

Inamin ni Jose na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang anak.

“Siyempre busy rin siya. Busy rin yung bata.

“Natutuwa ako sa mga nangyayari sa kanya.

“Sa mga komi-commercial, nanalo… nakakatuwa,” pagtukoy ni Jose sa pagwawagi ni Nicco bilang Best Supporting Actor sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang The Janitor.

Binati ba niya ang anak nang manalo ito ng award?

Sabi ni Jose, “May pinaabot akong pagbati sa kanya. Alam kong nakarating sa kanya.

“Lahat naman kasi, sa edad ni Nicco, sa katayuan namin, yung panahon na lang ang makakapagsabi kung kailan kami magkikita-kita at magkakaharap-harap.”

NOT YET THE RIGHT TIME. Ang court proceedings ba nila ng kanyang estranged wife ang dahilan kung bakit hindi siya makalapit o makausap nang personal ang kanyang mga anak?

“Hindi naman sa ganun. Kaya lang, hindi pa ito yung time na kausapin ko pa siya.

“Kasi alam naman na niya yun, e. Malaki na siya, e.

“Alam na niya yung nangyayari, e.

“Asikasuhin niya muna ang career niya, doon siya mag-concentrate.

“Huwag niyang intindihan yung ano, yung problemang nangyayari, malaki na siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayusin niya yung career niya kaya pagdating ng oras, may ikabubuhay siya kapag nagka-pamilya siya.”

Ano ang nararamdaman ni Jose sa pag-usbong ng career ng kanyang anak bilang isang seryosong aktor?

Saad ng Eat Bulaga! mainstay, “Yun naman ang sabi ko sa kanila, e, ‘Kung gusto ninyong mag-artista o magkapangalan, huwag ninyong asahan na tutulungan ko kayo. Huwag ninyong asahan na ba-backer ako sa inyo.’

“Kasi ako, nagkapangalan ako sa ganitong hanapbuhay, hindi ako nang-istorbo ng ibang tao.

“Kumbaga, nakapasok ako na ‘eto yung trabaho ko…alam niyo naman kung ano ang unang trabaho ko sa Eat Bulaga!

“Hindi ko alam, unti-unti, may nagagawa na pala ako hanggang sa marating ako dito.

“Yun ang ano sa kanila.

“Pangit na lagi silang nakasandal sa iyo. Baka biglang may nangyaring hindi maganda sa career niya, sa iyo pa rin sisi.

“Gumawa ka ng sarili mo.”

Pero dadgag niya, “Proud ako sa anak ko, magaling na bata yun.”

Gaya ni Nico, umaasa rin daw si Jose na magkaroon sila ng oportunidad ng anak na magsama sa isang pelikula.

“Kasi hindi pa rin naman ako puwedeng mag-solo movie.

“Hindi ko pa rin kaya, sa palagay ko. Mahirap, maraming kalaban.

“’Pag nag-solo movie ako, ‘tapos kasama siya, ‘pag hindi nag-click, pareho kaming babagsak, ‘di ba?

“So, huwag na muna, may tamang oras para diyan. Ibibigay ng Diyos ‘yan.”

JOSE’S WISH. Ano ang Christmas wish niya?

Sagot ni Jose, “Sana maayos nang lahat ‘yan [kaso].

“Sana maintindihan ng bawat isa kung ano ang nangyayari at wala naman akong intensiyon.

“Gusto kong maging maayos at maluwag ang pagkilos ng bawat isa na wala kang iniiwasan, wala kang kinaiinisan.

“Actually, hindi ako marunong mainis. Yung galit ko, sandali lang, wala na yun.

“May maiwan man, may limitasyon na.”

Bakit ba tumatagal ang kaso nila ng kanyang misis bago mabigyan ng resolution?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jose, “Marami pa siyang iniwang case sa akin. Medyo nakakaano rin sa akin.

“Hindi ako nakakaalis kasama ang Eat Bulaga! kung hindi magba-bond ng one million pesos na hindi ko naman kaso yun… alam mo yun?

“Ang nagbabayad, ang Eat Bulaga! Nahihiya na rin ako sa Eat Bulaga!

“Kaya nga minsan, sinasabi ko na huwag na akong sumama para hindi na sila naiistorbo nang ganun.

“Nagbabayad pa sila sa lawyer, nagbabayad sa ganun… nakakahiya rin.”

Kaya ba medyo nagtitipid na siya ngayon?

“Oo, daming responsibilidad, ‘tsaka hindi naman na gabi-gabi nagsu-show ako.

“Siyempre, may edad na rin ako. Hindi naman ako bata, nakakaramdam rin ako ng pagod.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN