Bret Jackson still hoping to win over Andi Eigenmann

Bret Jackson on being turned down by Andi Eigenmann: “Even when something doesn’t go the way you planned, other things happen. I know that Andi and I are still really close friends. You never know what’s gonna happen in the future," says Bret in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). Bret and Andi (inset) are slated to topbill Viva Films’ upcoming movie, Your Place or Mine?


Nagsalita na si Bret Jackson tungkol sa naudlot niyang panliligaw kay Andi Eigenmann.

Aminado si Bret na masakit na hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay sa kanya ng babaeng napupusuan, pero kailangan niyang tanggapin iyon.

“Oo [I felt really bad].

“The nice thing is that, I guess, it comes with maturity and growing up.

“Even when something doesn’t go the way you planned, other things happen.

“And I know that Andi and I are still really close friends.

“You never know what’s gonna happen in the future,” pahayag ni Bret.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bret sa story conference ng upcoming film nila ni Andi, ang Your Place or Mine?, na ipo-produce ng Viva Films.

Ginanap ang event sa Viva Films office sa 7thFloor East Tower ng Philippine Stock Exchange Center, sa Pasig City, Martes ng gabi, November 25.

Matatandaang ibinuking si Bret ng kanyang best friend na si James Reid na dalawang buwan lamang tumagal ang pakikipag-date ng una kay Andi.

Read: James Reid confirms that Andi Eigenmann and Bret Jackson have stopped dating

Ngunit nang tanungin ng PEP kung totoo bang huminto na siya sa panliligaw, biglang napangiti si Bret at inaming hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na mababago niya ang isip ni Andi.

“Siyempre, I have that in my heart pa rin,” sagot ni Bret sabay turo pa sa kanyang dibdib.

Sabi pa niya, “Pero you know what, I mean, for right now, it’s nice to be friends and we’re close.”

Hindi raw niya puwedeng basta-basta kalimutan na lang si Andi lalo pa’t magkaibigan sila.

“I don’t think it’s about getting over. It’s not like I’m away from her or something.

“We see each other at work. We have common friends,” saad ni Bret.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang mga katangian ni Andi na nagustuhan niya?

Sagot ng dating Pinoy Big Brother Teen Clash housemate, “There’s too big of a list.

"She’s beautiful, talented, and she knows what she wants in life.

“She’s a great mother. Ellie [Andi’s three-year-old daughter] is an amazing little kid.

“[I like] everything about Andi, grabe! I can’t say anything bad about Andi.”

Ngayong magkakatambal sina Andi at Bret sa You’re Place or Mine?, iginiit ni Bret na walang ilangan sa pagitan nila sa kabila ng pambabasted ng aktres sa 20-year-old Filipino-American.

“Of course not. It’s nice that we’re good and we know that we can be comfortable with each other,” dagdag na pahayag ni Bret.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN