Alden Richards on Aljur Abrenica’s return to Kapuso network: "I believe GMA would accept him with open arms."

Alden Richards clarifies that his friendship with Aljur Abrenica was never affected, following the issue that Aljur decided to leave GMA Network because Alden was getting better projects.


“Good for him,” sagot ni Alden Richards nang tanungin tungkol sa pahayag ni Aljur Abrenica na posible siyang bumalik sa GMA Network.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa press presentation ng north Luzon regional finalists ng Bet ng Bayan, ang GMA reality-talent show na hinu-host nila ni Regine Velasquez.

Ginanap ang presscon sa GMA Network Center, Huwebes ng hapon, November 27.

Sa nakaraang panayam ng PEP kay Aljur, sinabi nitong babalik siya sa showbiz “very soon.”

At sa tanong kung sa Kapuso Network ba ito, sagot ng binata, “Yes, that’s my mother network.”

Read: FIRST READ ON PEP. Aljur Abrenica hints at return to GMA; denies Alden Richards is the reason for filing a complaint

Ayon kay Alden, naguluhan lamang si Aljur nang magdesisyon itong putulin ang ugnayan sa GMA Network at maghain ng reklamo noong July 2014.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Saad ng Ilustrado actor, “Kasi si Aljur before, when he decided to… hindi naman to go against GMA, but kumalas sa GMA, siguro he was just confused that time.

“Medyo nalilito lang talaga siya who to believe and yung judgment na ’yon, very scattered, hindi niya alam kung [ano ang gagawin].

“Pero now, it’s about time na… nakakatuwa, kasi sino ba naman ang babalikan mo kung hindi yung magulang na nagpalaki sa ‘yo?

“And I believe GMA would accept him with open arms.”

Sinang-ayunan naman ni Alden ang pahayag ni Aljur sa interview na hindi siya ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon ang huli na kumalas GMA.

Sinasabi kasing umalis si Aljur dahil mas maraming ibinibigay umanong magagandang proyekto si Alden kesa sa kanya.

Ani Aljur, walang kinalaman si Alden sa naging desisyon niya.

Paniniyak naman ni Alden, “There’s no rivalry between us. We’re good friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ve done an episode of Magpakailanman, ’tapos yun nga, we were shooting Cain at Abel,” pagtukoy niya sa pelikulang pagsasasamahan sana nila.

“Bago matapos yung Cain at Abel, dun nag-start yung issue.

"’Tapos after that, medyo nawalan ako ng komunikasyon sa kanya, so I’m just seeing him sa news.

“Pero now, it’s about time, and now happy ako for him na babalik siya ng GMA po.”

FRIENDSHIP NOT AFFECTED. Itinanggi rin ni Alden na naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan dahil sa naging isyu sa kanilang dalawa.

Hindi naman daw niya kinausap si Aljur tungkol sa pagtatapat sa kanila.

“When we see each other, ganun pa rin.

"Although I respect him in a way, ayoko nang i-bring up yung isyu, baka it’s too personal to talk about.

"Sabi ko lang, ‘Kamusta na?’ Something like that."

Nang umalis si Aljur sa GMA, nagkakasalubong pa rin naman daw sila sa mga events.

Kumpiyansa rin si Alden na walang “awkward feeling” sa kanilang dalawa kung sakaling bumalik si Aljur sa GMA at magkasama sila sa isang proyekto.

“Wala naman po siguro.

"In the first place, hindi naman po tainted yung relationship namin nung nangyari yung isyu.

“Wala naman po akong grudge to latch on.

“Besides, ’di naman po ako ang taong nagtatanim ng sama ng loob.

’“Tsaka wala naman po siyang nagawa sa akin, wala din naman po akong nagawa sa kanya.

"So, I can say na wala naman pong magiging awkwardness.”

ON HOSTING. Samantala, masasabi ni Alden na mas nahasa ang kanyang hosting skill dahil sa Bet ng Bayan.

Ang nakikita raw niyang peg ay si Ryan Seacrest, na kilala bilang host ng Hollywood talent search an American Idol.

“Very alive, very jolly when he speaks to the contestants.

"Kumbaga, you can see there is something personal between [him and the contestants].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kilala niya personal.”

Sa December 28 na ang grand finals ng Bet ng Bayan, at wala pa raw final decision kung ano ang susunod na teleseryeng gagawin ni Alden pagkatapos ng Ilustrado dahil pinag-uusapan pa ito.

Dagdag niya, “Meron din pong nag-o-offer ng movie production houses.

"Medyo marami po sila, nagmi-meeting na lang po yung management kung sino po yung may mas magandang offer."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN