Jake Cuenca "very disappointed" he lost at the Star Awards for TV

Jake Cuenca vows zero-expectation next time he gets another acting nomination, saying, “Kung kailan ka nag-expect, dun naman hindi nangyari. Kung kailan naman ’di ka nag-expect, dun nangyari."


"Ayoko nang umasa ng ganyan!”

Ito ang natatawang tugon ni Jake Cuenca kung kumpiyansa ba siya na masusungkit ang Best Actor trophy sa New Wave category ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pinagbibidahan ni Jake ang indie film na Mulat (Awaken), isa sa mga New Wave entry sa MMFF ngayong taon.

Nanalo na kasi si Jake bilang Best Actor sa International Film Festival Manhattan (IFFM) para sa pagganap niya sa pelikulang ito, habang inuwi naman ng direktor ng Mulat na si Diane Ventura ang Best Director Global trophy.

Kaya naman nadismaya raw siya nang hindi niya napanalunan ang tropeyo bilang Best Drama Supporting Actor sa 28th PMPC Star Awards for TV para sa kanyang pagganap sa ABS-CBN drama series na Ikaw Lamang.

Si John Estrada, na kasama ni Jake sa Ikaw Lamang, ang nagwagi ng award.

Saad ng aktor, “I was very disappointed. But I was happy it was Kuya John kasi kasama ko siya sa show.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa press conference ng Mulat, na ginanap kahapon, December 4, sa Romulo Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

FRUSTRATED. Dagdag pa ni Jake, kung kailan naman hindi siya umasang manalo sa isang awards night ay saka siya nanalo, kagaya ng nangyari sa Manhattan.

“Ganun talaga ang buhay.

“Kung kailan ka nag-expect, dun naman hindi nangyari.

"Kung kailan naman ’di ka nag-expect, dun nangyari.

“I had my moment with it. There was a moment of disappointment,” sabi ng aktor sa pagkatalo niya sa Star Awards.

“Merong moment na andun yung disappointment.

"Of course, we all did our best for that show, so regardless of kung sino man ang nanalo... to everyone who won, congratulations!

“I was disappointed at first but I’m over it. It’s all behind me.

“May panibago akong teleserye so it’s another opportunity for me to show my best.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Susunod na gagawin ni Jake ang ABS-CBN teleserye na Pasion de Amor.

HARD TO TAKE. Ano ang mas matimbang para kay Jake, ang pagkapanalo niya sa IFFM o ang pagkatalo sa Star Awards?

“It’s hard. Ang hirap because Manhattan [IFFM] is Manhattan.

"It’s an international award, it was a best actor award.

“But, I think, malaking bagay din sa akin yung Star Awards kasi it was for Franco,” aniya na ang tinutukoy ay ang kanyang ginampanang papel.

“It was for Ikaw Lamang and I gave so much of my life to that show.

“I gave so much of my life to that character.

“In fact, I lost a lot of… at so many points in time, nawala ako sa sarili ko in that role.

“I enjoyed the rollercoaster so andun yung disappointment.

“But it happened. Tapos na.”

Pero paniniyak ni Jake pagdating sa mga awards night, “I’m never gonna expect anything again, ayoko nang mag-expect.”

WINNING! Tiniyak din ni Jake na magagandahan ang mga manonood ng Mulat, na ipalalabas sa SM Megamall at Glorietta 4 simula sa December 17.

Aniya, “One thing I guarantee, ’pag pinanonood niyo itong pelikulang ito, siguradong mararamdaman niyo na hindi siya mukhang indie movie.”

Itinuturing naman niyang “bonus” ang pagwawagi niya bilang Best Actor sa Manhattan, lalo pa’t ang ipinunta talaga ni Jake doon ay upang mag-aral ng pag-arte.

“Kasi pumunta talaga ako doon para mag-aral and then nagkataon there was the awards night.

“Nung sinabi yung pangalan ko, sobrang nagulat ako. Hindi ko ini-expect.

“Actually, sinabi ko sa speech ko, ‘Tomorrow, when I wake up, kakalimutan ko na lahat ang pagiging Best Actor.

"’I will go back to school as a student, not a celebrity nor a personality.

“’For me, parang isa siyang kuwento na ikukuwento ko sa mga anak ko in the future ’pag nagkaanak ako.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Marso rin, na-nominate si Jake bilang Best Actor para sa indie movie niyang Nuwebe sa 4th Queens World Film Festival sa New York.

Read: Jake Cuenca happy about acting nomination in New York


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN