Jake Ejercito rumored to be dating non-showbiz girl; gets bashed due to issue involving Andi Eigenmann

Jake Ejercito: "Cut me some slack will ya. If you find out the whole story, you’ll shit brix #dueces," says Jake in his latest Twitter post today, December 5. He has been plagued with negative feedback hours after he posted an Instagram photo with rumored dating partner KC Del Rosario. Although Jake removed the said photo from his Instagram account earlier today, the same Instagram post can still be seen in the nonshowbiz girl’s social media account.


Umalma ang followers ng dating magkasintahang Andi Eigenmann at Jake Ejercito matapos mag-post ang huli ng Instagram photo kasama ang isang non-showbiz girl, Huwebes ng gabi, December 4.

Kinilala ang kasamang babae ni Jake bilang si KC del Rosario, na sinasabing bagong idine-date ngayon ng binata.

Base sa comments ng ibinahaging Instagram photo ni Jake, inihayag ng followers nila ni Andi ang pagkadismaya dahil tila senyales itong wala nang pag-asang magkabalikan ang dating magkasintahan.

Kasabay nito ay mabilis na kumalat sa social media ang isang screen grab ng isa pang larawan kung saan makikitang nakakandong si KC kay Jake sa loob ng tila isang resto-bar.

Kalakip ng naturang photo collage ay isa pang screen grab ng Instagram comments, kung saan diumano’y tinawag na “fat” si Andi ng kaibigan ni KC na may handle name na @alexapharmic.

Rude!

A photo posted by Dee (@dbwella) onDec 12, 2014 at 3:03pm PST

Nakadagdag ito sa pagkadismaya ng followers ng dating magkasintahan kaya’t may ilan sa kanila ang umalma tungkol sa “mapanglait” na kaibigan ni KC.

Maging si Jake ay hindi nakaligtas sa pambabatikos ng Netizens, kaya marahil binura ni Jake ang latest Instagram photo nila ni KC bandang pasado ala-una ng tanghali ngayong araw, December 5.

Pagkatapos ay nag-post si Jake ng tila makahulugang pahayag sa kanyang Twitter account:

Bagamat dinelete na ni Jake ang larawan nila ni KC, makikita pa rin ito sa Instagram account ng huli na may handle name na @kcdelro.

NE VAAAH 📣 🐇🐇 @thepalacemanila

A photo posted by Karraminah (@kcdelro) onDec 12, 2014 at 9:28am PST

Si KC o Karraminah Clarisse del Rosario ay kapatid ni Samantha Richelle del Rosario, girlfriend ng Azkals player na si Anton del Rosario.


Sina KC at Samantha ay mga anak ni Evangeline del Rosario Abdullah, na isa sa executive producers ng Subject: I Love You, ang indie film na pinagbidahan ni Jericho Rosales noong 2011.


Bukod sa pagiging malapit na kaibigan ni Kiana Valenciano, anak ni Gary Valneciano, si KC ay minsang nang na-link kina Matteo Guidicelli at Phil Younghusband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MOVING FORWARD. Samantala, kapansin-pansin din ang pag-post ni Andi sa Instagram ng isang quote tungkol sa pagmu-move on.

🌻

A photo posted by Andi Eigenmann (@andieigengirl) onDec 12, 2014 at 10:06pm PST

Sinundan ito ni Andi ng isa pang Instagram photo kasama ang yumao niyang ama na si Mark Gil ngayong araw, December 5.


Sabi ni Andi sa isang bahagi ng caption ng naturang photo: “I lost the only man I know will love me truly."

Matatandaang ibinahagi ni Andi na isa sa mga ikinasama ng loob niya ay ang biglang pag-iwan sa kanya sa ere ni Jake, noong panahong lumubha ang sakit ng ama.

Read: Andi Eigenmann reveals reason for breakup with Jake Ejercito

Kaugnay nito, maraming nag-akalang may posibilidad na muling magkabalikan sina Andi at Jake, matapos mag-post ng birthday greeting ang binata para sa anak ng Kapamilya actress noong November 23.

Ngunit sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nilinaw ni Andi na walang ginagawang hakbang ang dating nobyo upang suyuin siyang muli.

Read: Andi Eigenmann Jake Ejercito’s Instagram photo with her daughter: "It’s purely for my daughter and not for any other reason."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN