Andi Eigenmann reveals reason for breakup with Jake Ejercito; admits Bret Jackson is courting her

Andi Eigemann on possible reconciliation with Jake Ejercito: “Para sa akin po, never say never. I’ve said a million times that I’m gonna get over Jake na, I’ll never be with him again. But then, the moment na magkaayos kami, it’s like I wanna be with him forever.”


Nagpahayag ng kanyang damdamin si Andi Eigenmann tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama na si Mark Gil.

Sumakabilang-buhay si Mark noong September 1 dahil sa liver cancer.

Bilang anak, ano ang fondest memory ni Andi kay Mark?

Lahad niya sa panayam ng The Buzz, “I guess, all the time that my dad and I went out of town.

“Usually, either we go to the beach or to Baguio.

“My dad’s a comedian in real life. He’s full of positive energy.

“I guess, the fondest memory that I have with him is how many people lives he touched.”



BREAKUP WITH JAKE. Ilang linggo pagkatapos pumanaw ang kamyang ama, lumabas naman ang balitang break na si Andi at si Jake Ejercito.

Kasabay halos ito ng paglabas ng larawan ni Jake na may kahalikang non-showbiz girl.

Pero ayon kay Andi, bago pa ang larawan na iyon ay nagkakalabuan na sila ni Jake.

Read: Andi Eigenmann confirms breakup with Jake Ejercito

Ano nga ba ang nangyari?

Saad ni Andi, “Tao lang naman ako.

“Hindi naman po sa hindi mabuting tao si Jake, pero I came to a point na po na gusto ko nang mag-give up.

“That was the point in my life when my dad got rushed to the hospital and I needed him the most, and he wasn’t there for me.”

Ano ang ibig niyang sabihin?

“He found out about my dad’s condition and he stopped replying to me.

“And I understand, okay, maybe he doesn’t know how to deal with it.

“Nandoon na po ako sa point na wala na po akong oras para maghintay pa po sa kanya o umasa pa po sa kanya.

“It’s about time that I start thinking about myself and in the middle of that, I’ve met somebody.

“Not that I have a new boyfriend, I just met somebody na tinulungan po akong ma-realize na may mga iba pa namang tao, puwede pa naman akong makakilala ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang nakampante po ako sa desisyon ko na kahit masakit man, kailangan ko na talagang itigil kung anuman ang meron kami ni Jake.”



BRET JACKSON. Nilinaw naman ni Andi na wala silang romantikong relasyon ng dating Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010 housemate na si Bret Jackson.

Biglang naging “item” ang dalawa dahil sa pagsasama nila noong Cosmo Tower 69 Bachelor Bash noong September 24.

Read: Former PBB Teen housemate Bret Jackson confirms courting Andi Eigenmann

Pero inamin ni Andi na si Bret ang “somebody” na nakilala niya at nakasama noong panahong kailangan niya si Jake.

Inamin din ni Andi na si Bret ang lalaking pinagselosan ni Jake.

Ayon pa sa 24-year-old actress, “So, yun po, everybody’s saying, rebound lang ikaw.

“Bago po yung isyu, nakilala ko na po si Bret.

“And it was his personal decision to keep talking to me and who wants to be there for me when that issue came out.”

Pero naudlot daw ang anumang namamagitan kina Andi at Bret nang magdesisyon si Jake na umuwi ng Pilipinas at makipagbalikan sa kanya.

Lahad ni Andi, “Noong umuwi po siya rito at dinecide niyang magbago, and then we decided to get back together.

“I would not want anything in this world but to be happy with Jake, because I love him so much.”

Pero ang pagbabalikan nila ay nauwi rin sa hiwalayan dahil sa larawan ni Jake kasama ang isang non-showbiz girl.

Ayon kay Andi, “We were on the process of really fixing things and then, nangyari po yun.

“Opo, hiwalay na po kami, and then I’ve met someone else.

“I entertained someone else and then I became happy.

“Alam ko po na masakit yun para sa kanya.

“Para sabihin niya na mahal niya ako and willing po siyang magbago and ayusin ang mga bagay between the two of us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Instead na lumabas yung sakit na nararamdaman ko, parang galing na lang.

“Kasi, okey na po sana, makaka-move on na ako.

“Puwede ko nang tulungan ang sarili ko na maging masaya, biglang ganoon lang pala ang gagawin niya sa akin.

“Para sa akin po, pakiramdam ko, naloko ako.”

Pero sa masasayang mga araw na magkasama sila, naniniwala naman siyang mahal na mahal siya ni Jake?

“Hindi po ako sigurado,” sagot ni Andi.

“Alam ko po that Jake has done so many good things to me na magaganda po talaga.

“I am aware that Jake, because of his love, can give me heaven, everything.

“Pero sana po, hindi ako ang sisisihin o mamasamain kung sa tingin ko, medyo masakit na, hindi ko masyadong matanggap yun sa kanya.”



SOCIAL MEDIA POSTS. Pagkatapos lumabas ang larawan ni Jake na may kahalikang non-showbiz girl, sunud-sunod naman ang naging posts nila ni Jake sa social media na sinasabing patama nila sa isa’t isa.

Ano ang ibig sabihin ni Andi sa post niyang ito: “One day you’re here. One day you’re there”?

Paliwanag ng Kapamilya actress, “It’s from a song. It’s from the lyrics of the song.

“And I’m thinking of that all the time—one day you’re here, one day you’re not.

“And I can’t live waking up every morning that the person that I love someone will leave me again.”

May post din siya sa Twitter account na: “It’s the end of an era, folks.”

Sabi ni Andi tungkol dito, “Yeah, I tweeted that noong makita ko ang picture.

“It’s not about the kissing, it’s more of the picture that they were face to face, looking at each other’s eyes and smiling and their arms wrapped around each other.”

Naniniwala ba siyang ang babaeng yun ay espesyal kay Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, she doesn’t look like. Hindi po mukhang espesyal siya kay Jake!” natawa niyang sabi.

May naging post din siya na: “Everyone has different opinions, mine is: that girl is not hot.”

Natatawang sabi ni Andi, “That’s my opinion.”

Sa posts naman ni Jake, makikita raw na mahal talaga siya nito at parang hindi siya kayang i-give up.

Sabi ni Andi tungkol dito, “Siyempre po, natuwa naman ako.

“Nakikita ko na kahit paano ay gusto niya nga talagang ipakita sa akin na kaya niyang magbago.

“Pero para sa akin po, sana noong tayo pa, kinaya mong gawin yun. Bakit ngayon na wala na? Doon lang.

“Pero sa habang kami, I never felt na I deserved it to be na… na maging proud po na ako ang tao na mahal niya.

“Wala po akong nakuhang ganun noon, e.

“Kaya imbes na it could be a way for me to forgive him, lalo lang po akong nagalit.

“Kasi, bakit ngayon pa?”

Naluluhang dagdag ni Andi, “It kills to see someone in our family get hurt.

“Kung may nagagawa man or may reaksiyon ang pamilya ko na hindi masyadong positibo, yun po, e, nasasaktan lang sila kapag nakikita nila akong nasasaktan.

“Kaya naman po naisip ko, give up na, kasi noong malaman ko na malubha na ang sakit ng daddy ko, hindi na po ito ang tamang panahon para makadagdag pa ako sa pagbibigay ng sama ng loob sa pamilya ko.

“Kasi, ang kailangan ko lang ngayon ay sila.”



JAKE’S FAMILY. Isang diretsong tanong: Nagalit ba sa kanya ang pamilya ni Jake?

Si Jake ay anak ni Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

“Actually, with all honesty, hindi ko po talaga alam!” natawang sabi ni Andi.

Nararamdaman ba niyang hindi siya gusto ng pamilya ni Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, aside from the siblings, parang hindi po.”

Tiniis niya yun?

“Opo, okey lang po sa akin yun, naiintindihan ko po.

“And yung sa akin po talaga, okey lang, mahal ko po si Jake.

“Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na karapat-dapat ako para sa kanya.

“Pero kung hindi po, okey lang din.”

Kumusta naman ang pamilya niya kay Jake?

“They love Jake so much.”

Wala nang pag-asang magkabalikan sila?

Sagot ni Andi, “Para sa akin po, never say never.

“I’ve said a million times that I’m gonna get over Jake na, I’ll never be with him again.

“But then, the moment na magkaayos kami, it’s like I wanna be with him forever.”

Si Bret, nanliligaw ba ito sa kanya?

“Sabi niya!” natawang sagot ni Andi.

“Sinabi niya, and he’s really been nothing but amazing to me.

“It’s just that, baka mamaya umatras na naman po ako at bumalik na naman po ako kay Jake.

“Sa ngayon po talaga, ang gusto ko lang, turuan ang sarili ko at tulungan ang sarili ko na maging masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN