LJ Moreno and Jimmy Alapag welcome "second" baby, Keona Skye

Matapos ang apat na taong paghihintay, nabiyayaan na ng anak ang mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag.


Masayang sinalubong ng mag-asawang Jimmy Alapag at LJ Moreno ang kanilang anak na babae.

Nanganak nitong nakaraang Biyernes, December 5, ang aktres sa "pangalawa" nilang sanggol na pinangalanan nilang Keona Skye.

Apat na taong nag-antay ang mag-asawa na magkaanak.

Sa isang panayam kay LJ ng PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) noong October, sinabi nitong, “It was all in God’s perfect time, once na-establish yung business and si Jimmy rin towards the end of his [PBA] career, so he can be more hands-on.



"So, nakita namin na, ’Okay, plano talaga ni God ito.’"

Ang "unang" anak na itinuturing nina Jimmy at LJ ay ang dalawang-taong-gulang na sanggol na lalaki na inampon ng mag-asawa.

#ALAPAG FAMILY. Sa kanyang Instagram account, masayang ibinahagi ni Jimmy sa kanyang mga followers ang litrato ni Baby Keona.

Nagpasalamat din ang cager na safe ang kanyang mag-ina.

Kasunod nito ang photo collage ng kanilang baby, ng asawa, at ng kanyang mga magulang.

Sa panayam pa rin ng PEP kay LJ, nangako naman ito na magiging hands-on mom siya sa dalawa nilang anak ni Jimmy.

Read: LJ Moreno expecting baby girl with husband Jimmy Alapag; couple to adopt a baby boy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN