Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in a relationship, say sources

From reel to real: Ayon sa ilang malalapit na tao kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, totohanan na ang relasyon ng dalawang Kapamilya stars.


From reel to real na ang relasyon ng onscreen partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito ang impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang sources na malapit sa young couple.

Ayon pa sa sources na ito, ngayong taon naging opisyal na magkasintahan ang dalawang Kapamilya stars.

Matatandaang taong 2012 nang magsimula ang pagiging loveteam nina Kathryn at Daniel sa teleseryeng Princess And I.

Simula nito ay paulit-ulit nang tinatanong ang dalawa tungkol sa personal na relasyon nila.

Sa PEPTalk interview kina Kathryn at Daniel noong 2012, sinabi ni Daniel, “Friends lang po kami. Masaya po kaming magkaibigan.”

Nang sundan ito ng tanong kung hanggang sa pagkakaibigan lang, sagot ni Daniel, “Tingnan po natin kapag legal na po tayo.”

Watch: What will make Kathryn Bernardo say "yes" to Daniel Padilla’s "panunuyo"?

Noong March 26, ipinagdiwang ni Kathryn ang kanyang 18th birthday. Dahil dito, muli silang natanong sa kanilang personal na relasyon.

Sagot ng binatang anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla, “Huwag na muna sagot-sagot para hindi muna siya ma-pressure.”

Sinabi rin ni Daniel, “Basta mag-enjoy lang siya, explore pa niya yung sarili niya, explore pa niya yung mga gusto niyang gawin.

“Kasi kapag nagka-boyfriend ka na, marami ka nang puwedeng pagbawalan."

Read: Daniel Padilla on asking Kathryn Bernardo to be his girlfriend: "Huwag na muna sagot-sagot para hindi muna siya ma-pressure"

Sa kabila ng pagsasabing magkaibigan ang lamang silang dalawa, patuloy naman ang pagkakakita sa dalawa na malambing sa isa’t isa.

Isa na sa mga pagkakataong ito ang naganap na ka-sweet-an ng tinagurian Teen King ang Queen sa Dos concert ni Daniel noong April 30.

Sa concert na ito ay humiling ang fans na isang kiss.

Sabi naman ni Daniel kay Kathryn: "Kiss mo raw ako! Pwede ba?"

Pagkatapos nito ay hinalikan ni Daniel si Kathryn sa pisngi.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PHOTOS: Daniel Padilla kisses Kathryn Bernardo at his DOS concert

Sa sumunod na interview kay Daniel noong May 2014, inamin ni Daniel na nasa “ligawan stage” pa lang ang relasyon nila ng kanyang She’s Dating the Gangster co-star.

Read: Daniel Padilla on status of relationship with Kathryn Bernardo: "Doon pa rin sa ligawan stage."

Noon lamang November 15 ay kumalat ang diumano’y "kissing photo" nina Kathryn at Daniel na kuha sa airport sa Canada, galing sa kanilang concert tour doon.

Ngunit paglilinaw ni Kathryn sa isang panayam, “Mahilig si DJ [Daniel] na ginaganyan [pinipisil] ang mukha ko, inaasar niya kasi ang cheeks ko.

“So, may mga tao kasi andun na naghatid sa amin, so nag-picture sila.

“Siguro nung ginaganun yung face ko, na nasakto na na-block yung face ko, so ’pag titingnan mo sa picture, mukha siguro siyang nagki-kiss.”

Read: Kathryn Bernardo clarifies “kissing photos” with Daniel Padilla

Kasunod nito, madalas pa rin silang tinatanong tungkol sa real score ng relasyon nilang dalawa.

Madalas din ay walang pag-amin o pagtangging maririnig mula sa kanilang dalawa.


GETTING CLOSER AND CLOSER. Samantala, hindi naman natinag ang samahan ng dalawa nang lumabas ang kontrobersiyal na audio-video recording tungkol kay Daniel.

Sa katunayan, sa isang panayam, sinabi ni Kathryn, “Kami, tinatawanan lang namin. Lalo pa siya [Daniel], wala naman ’yang pakialam sa mga issues na ibabato. So, wala, okay lang."

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla amused by brouhaha over "kissing photo"

Kahapon, December 7, pagkatapos ng special production number ni Kathryn para sa kanyang self-titled debut album sa ASAP, pahaging na tinanong ni Robi Domingo sina Kathryn at Daniel, “In the future, may possibility ba na maging kayong dalawa?”

Hindi umimik ang dalawa at tiningnan lamang si Robi, na agad namang binago ang kanyang tanong: “I mean, may possibility ba na mag-duet kayong dalawa?”

Sinabi rin ni Kathryn nang pansinin ni Robi ang sobrang pagngiti ni Daniel: “Proud moment!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin din ang pagiging mas malapit nilang dalawa sa nasabing segment ng ASAP.


Sa susunod na taon, muling magsasama sina Kathryn at Daniel sa telebisyon, sa pamamagitan ng remake ng hit teleserye noong early 2000s, ang Pangako Sa ’Yo.

Umamin na kaya ang dalawang young couple tungkol sa real score ng kanilang relasyon?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN