Mayor Herbert Bautista reprimanded by the Church for supporting same-sex marriage

Quezon City Mayor Herbert Bautista on supporting the LGBT community: “Pagpapakita lamang na iginagalang natin, nirerespeto sila, at hinaha-highlight natin yung kakayahan, kontribusyon ng LGBT community sa Quezon City at sa buong Pilipinas.”


Isa si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa nagpahayag ng kasiyahan para bagong kasal na sina Aiza Seguerra at Liza Diño.

Read: Aiza Seguerra and Liza Diño tie the knot in the U.S.

Sabi ng actor-politician, “Congratulations sa kanila!

“Ang pagmamahal naman o ang pag-ibig, wala namang pinipiling gender ‘yan, e.

“At least, nakikita mo yung calling mo na umibig ka sa isang tao, na kahit na same gender.”

Nakarating din daw kay Mayor Herbert ang balak nina Aiza at Liza na magkaroon ng seremonya rito sa Pilipinas, pero alam naman nilang walang same-sex marriage sa ating bansa.

Pahayag ng alkalde, “Bawal dito ang kasal, e. Nagkakasal ako pero hindi ako puwede magkasal sa kanila kasi tatlong batas yata ang nagbabawal.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Herbert sa opening ng 1st QC International Pink Film Festival, na ginanap sa Trinoma Mall, noong Lunes, December 8.

At bilang ito ay isa sa events na binuo ng grupo ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender), nabanggit doon ang pagpapakasal nina Aiza at Liza na ikinatuwa ng nasabing grupo.

Isa si Mayor Herbert sa nagpahayag ng suporta sa LGBT community.

Naging vocal din daw siya noon pa na pabor siya sa same-sex marriage.

“Minsan sinabi ko na that I am for same-sex marriage, pero napagsabihan ako ng mga tao sa simbahan.

“No less than si PNoy told me ‘don’t push for that,’” pagtukoy niya sa paalala sa kanya ni President Noynoy Aquino.

Nakikiisa rin daw kasi siya sa ipinaglalaban ng LGBT community na dapat ay mabigyan sila ng pantay na karapatan, lalo na’t kung pumasok sila sa isang seryosong relasyon.

Sana raw ay mabigyan din ng proteksiyon ang bawat isa sa kanila.

“Ang interes lang naman natin is that, nakakausap natin ang LGBT sector… is yung property rights nila na nagsama sila nang matagal, ten years, fifteen years, nakapagpundar sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung may namatay ang isa sa kanila, dahil walang kontrata yung dalawa, kinuha ng kamag-anak et cetera. So, kawawa naman.

“Yun lang, sana makilala rin yung karapatan na yun ng dalawang taong nag-iibigan,” pahayag ni Mayor Herbert.

Naniniwala raw ang alkalde ng Quezon City sa karapatan ng bawat isa kahit anumang kasarian mayroon ka.

Kaya nga isa raw siya sa sumusuporta sa ipinaglalaban ng LGBT at tumutulong sa lahat ng activities na gagawin nila sa Quezon City.

Bukod sa QC International Pink Film Festival, na nagsimula na, magkakaroon ng Gay Pride March sa Sabado, September 13, na sasalihan ng lahat na aktibong miyembro ng LGBT.

“Pagpapakita lamang na iginagalang natin, nirerespeto sila, at hinaha-highlight natin yung kakayahan, kontribusyon ng LGBT community sa Quezon City at sa buong Pilipinas,” sabi ni Mayor Herbert.

Na-organize naman daw nila nang maayos ang traffic at security sa naturang parada.

“I think it’s about a month or two months of preparation. I hope that walang magawang traffic.

“Kung meron man, sana pagpasensiyahan niyo na para lang maging masaya lalo ang Gay Pride March,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN