Mikael Daez on confirming his relationship with Megan Young: "I will let the photos speak for themselves."

Mikael Daez on end of Megan Young’s reign as Miss World: "Matapos o hindi matapos, I mean, I’ll still gonna work. She will still gonna work. We’ll still gonna be friends. ‘Di ba, pareho lang? Yung mga title na ‘yan, they shouldn’t get in the way of friendship and relationship."


Ayaw pa ring direktang aminin ni Mikael Daez ang totoong estado ng relasyon nila ni Miss World 2013 Megan Young.

Ito ay sa kabila ng pagpu-post nilang dalawang ng larawan sa kani-kanilang Instagram accounts na nagpapakita ng intimacy, na tila pagkumpirma na rin ng matagal nang usap-usapan tungkol sa kanila.

Read: Megan Young and Mikael Daez ’confirm’ relationship through pictures

Sa pocket presscon nga ng afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra noong Lunes, December 8, ito ang sagot ni Mikael sa pang-uusisa sa reslasyon nila ni Megan: “I don’t confirm nor deny.”

Read: Mikael Daez remains evasive about real score with Megan Young: “I shall not deny and I shall not admit!"

Pagkatapos lumabas ng Instagram posts nila ni Megan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael, sa pamamagitan ng text messaging, tungkol dito.

Tugon niya, “Kahit pa maraming nagsasabi na kami ni Megan but, I guess, I will let the photos speak for themselves.

“Wala namang nakalagay sa captions so we’ll leave things at a cliffhanger muna.”

STILL THE SAME. Samantala, kinuha rin namin ang reaksiyon ni Megan sa ginawang speech ni Megan sa Oxford University kamakailan.

View: Megan Young gives speech at Oxford University Debate

Sinabi ng Kapuso actor na proud siya para sa kasintahan.

Matatapos na ang reign ni Megan bilang Miss World sa December 15. Ano ang plano nila pagkatapos nito?

Ayon kay Mikael, “Wala naman, life goes on.

“I mean, matapos o hindi matapos, I mean, I’ll still gonna work. She will still gonna work.

“We’ll still gonna be friends. ‘Di ba, pareho lang?

“Yung mga title na ‘yan, they shouldn’t get in the way of friendship and relationship.”

Wala ba siyang napansing pagbabago kay Megan o naging epekto ng pagiging Miss World nito sa kung anumang relasyon mayroon sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mikael, “Wala, wala… I think, yun ang ideal naman.

“Sa relationship naman, ‘di ba, yun ang gusto natin?

“Halimbawa, mag-dyowa, ‘tapos yung isa naging basketball player, sumikat, ayaw mong magkawatak-watak dahil sa career.

“I don’t think I would be that kind of person.

“Whatever the relationship is, regardless of the work, external factors, pareho pa rin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN