Coco Martin appreciates Kris Aquino’s support during his Bench controversy

Coco Martin on working with Kris Aquino: "Siyempre ‘pag sinabi nating horror movie, si Ate Kris naman ang reyna diyan. Sabi ko nga, ‘pag magkaeksena kami, honestly tinitingnan ko siya. Rehearsal pa lang kasi ibinibigay na niya, e. Tinitingnan ko kung paano ang atake niya at dyumi-jell lang ako kung paano niya ibinibigay yun."


Napatunayan ni Coco Martin ang pagiging mabuting kaibigan ng Feng Shui 2 co-star niyang si Kris Aquino nang aminin ng aktor na tanging ang actress-TV host lang ang nag-text sa kanya ng words of encouragement noong panahong naharap siya sa kontrobersiya kaugnay ng Bench fashion show.

Read: Kris Aquino laughs off prediction that Coco Martin will get her pregnant

Ayon nga kay Coco, “Sobra kong na-appreciate hindi lang si Ate Kris kundi pati yung mga kapatid niya talaga.

“Sabi ko nga, minsan doon mo masusubukan kung sino talaga yung nagmamahal, kumbaga nandiyan sa tabi mo.

“Talagang sabi ko, sobrang down na down kami ng manager ko that time.

"And si Ate Kris lang at ang pamilya niya talaga ang sumuporta sa amin, kahit through text lang, alam mo na iyon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa presscon ng Feng Shui 2 kahapon, Disyembre 10, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño, ang Feng Shui 2 ang entry ng Star Cinema sa 2014 Metro Manila Film Festival 2014.

Bago pa ang Feng Shui ay nagkatrabaho na sina Coco at Kris noong 2010 sa ABS-CBN teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo, kaya matagal na rin ang pinagsamahan nila.

Ginawa rin ni Coco ang pelikulang Noy, na may kaugnayan kay Pangulong Noynoy Aquino, kapatid ni Kris.

Saad ng Kapamilya actor, “Before pa naman itong Feng Shui, nagsama na kami sa isang soap opera.

“And then, talagang siguro yung turingan namin is parang part ako ng family nila, hindi lang si Ate Kris, pati yung mga kapatid niya and then si President PNoy.”

Mas naging matatag din ba ang relationship nila sa pinagdaanan nilang kontrobersiya ni Kris noon ukol sa pamumuna sa isinusuot noon ng aktor sa taping nila?

Sagot ni Coco, “Oo, kumbaga yun naman talaga ang sikreto doon. Siyempre kailangan may pundasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman laging okay, may mga talagang pagdadaanan kayo at may mga pagsubok na pagdadaanan ang bawat relasyon.”



WORKING WITH THE HORROR QUEEN. Sa presscon ng Feng Shui 2 ay pinuri ni Kris ang husay ni Coco bilang isang aktor.

Sabi nga ni Kris, “He’s the best! Tinext ko yun sa kanya. Sabi ko, ‘Thank you for sharing your brilliance with me.’ Hindi ko na kailangang dagdagan, sobrang galing niya talaga. Hindi yung magaling na nagyayabang dahil ang galing niya talaga. Egoless because ganoon siya kahusay.”

Nang hingan ng reaksiyon si Coco sa sinabi ni Kris, sambit lang ng aktor, “Thank you lang, thank you.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, sa part ko, siyempre bago sa akin ito, e. Actually, first time ko kasing gumawa ng horror movie.

“And then, ang mindset ko talaga before pa mag-shooting, as an actor, ‘pag hindi ko kapado ang ginagawa ko, nagdye-jell ako sa co-actors ko.

“Siyempre ‘pag sinabi nating horror movie, si Ate Kris naman ang reyna diyan.

“Sabi ko nga, ‘pag magkaeksena kami, honestly tinitingnan ko siya. Rehearsal pa lang kasi ibinibigay na niya, e.

“Tinitingnan ko kung paano ang atake niya at dyumi-jell lang ako kung paano niya ibinibigay yun.

“Kumbaga, ang dami kong natututunan, siyempre sa horror, ‘tapos ang direktor niyo pa si Direk Chito Roño.

“Kaya sabi ko nga po, marami akong natututunan dito sa pelikulang ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN