Senator Nancy Binay considers 2014 a big typhoon for their family

Senator Nancy Binay: “2014? Para siyang isang malaking bagyo kasi siyempre yung mga pinagdaanan naming pambabatikos, pang-aapi. So, parang challenging yung 2014.”


Aminado si Senator Nancy Binay na tila malaking bagyo ang dumaan hindi lang sa kanya kundi sa buong pamilya Binay ngayong 2014.

Dahil ito sa sunud-sunod na kontrobersiyang hinarap ng pamilya nila, kabilang na ang diumano’y korupsyon sa Makati, partikular sa sinasabing overpriced Makati Building, gayundin sa 350-hectare property sa Rosario, Batangas, na pag-aari raw ng mga Binay at tinawag pang “Hacienda Binay.”

“2014? Para siyang isang malaking bagyo kasi siyempre yung mga pinagdaanan naming pambabatikos, pang-aapi. So, parang challenging yung 2014,” sabi ni Senator Nancy.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang senador kahapon, Disyembre 10, sa Coconut Palace, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa Pasay City.

Sa Coconut Palace matatagpuan ang opisina ni Vice President Jejomar Binay, ang ama ng lady senator.

Paano siya nakaka-cope sa mga kontrobersiyang hinaharap ng pamilya nila?

Saad niya, “Ako kasi, siguro coming from… siguro sa pamilya, parang kakagaling ko lang sa 2013 campaign, na parang may pinagdaanan din ako na pambabatikos, pang-aapi.

“So, parang yung pagdating nung nangyayari sa amin, parang medyo nasanay na yata ako noong 2013.”

Pero aminado si Senator Nancy na mas mabigat ang hinaharap nilang mga isyu ngayon.

“Oo, mas mabigat ngayon, kasi hindi lang ako, e, lahat kami apektado.

“At saka, I think, mas masakit.

“Kasi, for me, kung ako lang ang titirahin, parang kaya ko naman anuhin [harapin] iyan, e.

“Kaso lang, kapamilya mo na iyong puwedeng masaktan.

“I mean, yung mga anak ko, mga pamangkin ko, puwedeng madamay sila doon sa pagdadaanan namin, so mahirap din.”


VICE PRESIDENT PREPARED THEM. Ano naman ang sinasabi ni Vice President Binay tungkol dito? Nagkaroon ba sila ng family meeting?

Ayon kay Senator Nancy, “Actually, noon pa, mga early part of 2014, sinabihan niya na kami na, ‘O, maghanda na kayo, ha, kasi yung talagang gigibain tayo. So, prepare for the worst.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang kami, ganun na yung mindset namin—prepare for the worst.

“Pero siyempre, ‘pag dumating na, parang iba pa din yun…

"Iba pa rin kahit gaano ka kahanda ‘pag nandiyan na yung pagsubok, siyempre mahirap pa rin.”

So, malaki ang paniniwala niya na politically motivated ang aniya’y mga paninirang ito sa kanila?

Tugon niya, “Oo naman, at saka based on experience, yung mga ibinabato sa amin ngayon, tuwing every three years ‘pag padating na yung eleksiyon sa Makati, yun at yun din yung ibinabato, e.

“So, ang difference lang ngayon, e, nationwide na, same issues every three years.”

Lalo nga raw bumigat ang mga isyu nang ideklara ni Vice President Binay na desidido siyang tumakbong Pangulo sa 2016.

“Oo, noong pagkatapos pa lang na natanong siya, ‘di ba?

“Ayaw naman daw niyang magpaipokrito ‘pag tinanong siya kung tatakbo siya.

“E, alam naman niyang tatakbo siya.”


PULSE ASIA SURVEY. Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Senator Nancy sa bagong Pulse Asia presidential poll na lumabas kamakailan, kung saan nanguna pa rin ang kanyang ama sa preferred president para sa 2016 elections.

Ito ay sa kabila ng limang porsiyentong pagbaba ng ratings ni Vice President sa nakuha nitong 26 percent sa survey noong Nobyembre. Noong Setyembre kasi ay 31 percent ang nakuha nito.

Read: Grace Poe climbs, Jejomar Binay slides in latest Presidential poll

Saad ng senadora, “Yun nga yung nakakataba ng puso na kahit ano yung paninira na ginawa sa kanya, number one pa rin siya sa survey.

“Kami, ‘pag umiikot kami, ‘pag umiikot siya, talagang yung pagtanggap, mainit pa rin.

“Sabi ko nga, ‘pag umiikot kami, kunwari namamasyal kami, may nagpapa-picture pa rin sa amin.

“So, ibig sabihin nun, medyo hindi naniniwala yung mga kababayan natin.

“Nakikita nila na this is all about 2016, and not about searching for the truth.”

Bagamat patuloy sa pagbaba ng ratings ni Vice President sa survey, lumiit naman daw ang diperensiya ng pinakabagong resulta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula kasi sa 41 percent noong June-July, naging 31 percent ito noong Setyembre, at ngayon nga ay 26 percent.

Pahayag ni Senator Nancy tungkol dito, “Ako kasi, ’etong survey na ito… kung matatandaan niyo, last survey, bumagsak siya ng 10, so ngayon bumagsak siya ng 5.

“So, parang ang mindset ko, kumokonti na yung naniniwala sa pambabatikos.

"Kasi ang ini-expect namin doon sa pagbagsak ng 10, e, mas lumaki pa yung pagbagsak, puwedeng 12, puwedeng 15.

“Kasi hindi naman sila huminto doon sa paninira, in fact, mas… yung intensity, mas dinagdagan pa nila.

“Pero inspite of that, minus 5 lang yung binagsak.

“’Tapos siya pa rin yung nagna-number one sa presidential preference.”

Si Senator Grace Poe ang pumangalawa sa kanyang ama sa recent survey sa nakuha nitong 18 percent.

Posible kayang ito ang kunin ni VP Binay na running mate bilang Vice President sa 2016?

Sagot ni Senator Nancy, “Yung pagdating ho sa Vice President, wala pa ho siyang napipili.

“At saka siguro, coming from his experience noong 2010, I think napili ho siyang Vice President ni Presidente Erap [Manila Mayor Joseph Estrada] two weeks before filing [of candidacy].

“So, medyo masyado pang maaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN