Director Erik Matti puts closure on rift with Lovi Poe: “Tapos na yun. Christmas na, e.”

Direk Erik Matti puts closure on rift with Lovi Poe: “Ako, nasabi ko na lahat ng nasabi ko sa [Facebook] post na iyon."


Nalagay sa hot seat ang direktor na si Erik Matti sa presscon ng idinirehe niyang pelikula, ang Kubot: The Aswang Chronicles 2, noong Disyembre 11 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang naturang pelikula ang entry ng Reality Entertainment, GMA Films, at AgostoDos Productions sa 2014 Metro Manila Film Festival at ipalalabas sa mga sinehan sa Disyembre 25.

Sa Q&A portion ng presscon ay kaagad inusisa si Direk Erik kaugnay ng kinasangkutan niyang kontrobersiya kay Lovi Poe, na original cast member ng Tiktik: The Aswang Chronicles at leading lady ng bidang si Dingdong Dantes.

Matatandaang naglabas ng galit at sama ng loob si Direk Erik sa post niya sa kanyang Facebook account dahil sa hindi raw pakikipag-cooperate ni Lovi para gawin ang Kubot, na sequel ng Tiktik.


Read: Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

Dahil sa namagitang tensiyon ay napalitan si Lovi ng baguhang si Hanna Ledesma, dating Binibining Pilipinas contestant.


SATISFIED WITH HANNA’S PERFORMANCE. Sa presscon, sinimulan ng entertainment columnist na si Jun Nardo ang pagtatanong kay Direk Erik kung kumusta na siya at ang pelikula matapos ang pinagdaanang kontrobersiya. Kumusta rin si Hanna na pumalit kay Lovi?

Saad ni Direk Erik, “Siyempre lahat naman tayo sa industriya natin, lahat naman tayo gusto nating mapaganda ang pelikula natin.

“So, as much as we could, we want to get everyone that we want to be part of it.

"But right now, with Hanna there with us, she’s doing a really good job as Sonia.

“You’re gonna see her in the opening, a really long opening of the movie.

“From the time they leave the house in Pulupandan up to the time they ride on a bus, and they’re about to make it to Manila, you’re gonna see her get ready for marriage with Macoy [Dingdong].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You’ll see that she also did justice to the role of Sonia in the previous franchise. So, ’ayan na... tapos na yung movie.

“Dati nagpa-panic kami na hindi kami matatapos. Ngayon tapos na yung movie, everyone’s happy.”

So, tapos na rin ang isyu?

Sagot niya, “Tapos na yun. Christmas na, e. Kailangan kumita na ang pelikula.”

May sama ng loob o galit pa ba siya?

“Ako, nasabi ko na lahat ng nasabi ko sa [Facebook] post na iyon.

“So, after that, with Hanna with us, okay na.

"Kung wala akong nahanap na Hanna, malamang siguro hindi pa ako okay," pagklaro pa niya.


MESSAGE FOR LOVI. Pagkatapos ng presscon ay kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Erik para sa ilan pang karagdagang tanong, lalo na tungkol sa naging interview ni Lovi sa The Buzz noong Disyembre 7.

Ayon kasi kay Lovi, naka-move on na raw siya mula sa kontrobersiya.

“For me, I’ve moved on from it already and I wish him [Direk Erik] all the best this Christmas talaga,” ani Lovi sa isang panayam.

Read: Lovi Poe has "moved on" from issue with director Erik Matti

Ano ang reaksiyon ni Direk Erik sa pahayag na ito ni Lovi?

Saad niya, “Hindi ko napanood yung interview niya.

“Talaga? I think all is water under the bridge, we’ve finished the film.

“Noong time na mainit talaga yungi sinulat ko sa Facebook, it was the time that we were pressured to finish a really good story.

“And kahit sino na gumagawa ng pelikula, gusto mo talagang mapaganda yung pelikula mo, e, ’di ba?

“You want everything to come together na tama, ’di ba? So, doon lumabas talaga lahat ng galit.

“But now that we’re done and over with, there’s Hanna who completed the film with us, happy na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And Lovi also has an entry, so I hope na yung entry niya tangkilikin din ng mga tao.

“We also hope that, as far as Kubot is concerned, and with Hanna there, we feel na we got what we wanted para sa pelikula, and we also wish the film to make it to the box office.”


STILL STANDS BY HIS WORD. Noong kainitan ng kontrobersiya ay nasabi rin ni Direk na dahil sa ginawa ni Lovi ay hindi na niya kailanman kukunin ang aktres sa anumang proyektong gagawin niya.

Hanggang ngayon ba ay ito pa rin ang stand niya?

“I’m a guy whose word of honor is the only thing I look up to. So, kung ano yung sinabi ko, paninindigan ko talaga lahat yun,” diin ni Direk Erik.

Kahit na sinabi niyang "water is under the bridge"?

Aniya, “Yes, I mean people forgive, people forget, okay na yun.”

Ano na lang ang mensahe niya para kay Lovi?

“For Lovi, I wish you luck for the filmfest [entry] mo na Shake, Rattle & Roll and see you at the movies,” pahabol pa ni Direk Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN