Maja Salvador on girls showing interest in Gerald Anderson: “Secure naman ako, deadma lang ako..."

Did you know that Gerald Anderson loves to give flowers to girlfriend Maja Salvador? The latter reveals, “Lagi kahit walang okasyon, flowers."


First time na magtatambal sa isang acting project ang real-life couple na sina Maja Salvador at Gerald Anderson.

Mangyayari ito sa lalabas na special Pasko-serye na Give Love on Christmas, na mapapanood simula December 22.

“The Gift of Life” ang title ng episode nina Maja at Gerald at sa presscon ng nasabing special noong Martes, December 16.

First time ring naging open ang magsing-irog sa pagsagot sa mga tanong ng press tungkol sa kanilang relasyon.

Si Gerald ang unang nagpahayag ng kanyang kasiyahan. "Blessing" daw ang pagkakaroon ng girlfriend na katulad ni Maja.

READ Gerald Anderson on relationship with Maja Salvador: "...hindi po kami nag-aaway..."

Si Maja naman, masayang nagbalik-tanaw sa taong 2014.

Nagpasasalamat siya sa Dreamscape Production na gumawa ng special dahil pinagsama sila ni Gerald at nagkaroon siya ng pagkakataong makilala pa ang kasintahan.

Binanggit rin niya ang pagkakaroon ng album na ngayo’y certified platinum na.

Kaya wala na raw siyang mahihiling pa sa buhay niya.

Gumaralgal lang ang boses nito nang banggitin ang yumao niyang lola na nag-alaga sa kanya.

“Ngayon, feeling ko may magga-guide na sa akin dahil dalawa na sila ng Papa ko na angel ko sa taas.

“Ngayong Christmas, ano pa? Gaya ng sabi niya [Gerald], secret pa.

"Pero for sure kahit hindi naman Christmas, every day naman special para sa amin lalo na every time na magkasama kami.”

DAILY DOSE OF LOVE. Ano ang best Christmas gift na natanggap niya kay Gerald?

“A, siyempre, yung love niya. Every day.

"Parang every day niyang pinaparamdam kung gaano ako ka-special sa kanya.

“Hindi siya nagsasawa kung gaano niya ako kamahal.”

Pag may pinagdaanan silang pagsubok or tampuhan sa relasyon, paano ninyo sinusuyo ang isa’t-isa?

Sagot ni Maja, "Siguro po parang hindi natatapos ang araw na hindi namin aayusin.

"Kasi importante yun na maayos yung misunderstanding.

“Importante sa relationship yung communication, yung pagkakaintindihan talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gerald hindi raw sila nag-aaway ni Maja, at natutuwa ito sa taas ng energy level ng aktres.

Biglang pasok na comment naman ni Maja, “Sa iyo kasi ako kumukuha [ng lakas]!”

“Mas doble na kasi ngayon, may battery pack pang kasama,” pakli naman ng nobyo niya.

MORE "MATURE" KIND OF LOVE. In times na may mga babae na nagpapakita ng interes sa kanyang nobyo, paano nagri-react si Maja?

“Secure naman ako, deadma lang ako,” sagot niya.

May pagbabago ba sa paghahandle nila ng relasyon mula nang dumating ang isa’t-isa sa buhay nila?

“Mas nag-mature. Parang kung dati akala mo puppy love, parang ngayon mas alam mo na ang meaning ng love.

"Mas alam mo na kung paano i-handle yung mga sitwasyon, kung anumang sitwasyon yung darating.

"Basta’t magkasama kayo, basta napag-uusapan ninyo.”

Pero pareho silang nagkaroon ng maldita o maldito moments pagdating sa love.

“Hindi naman yung maldito o maldita. Wala, siguro bagets pa lang.

"Hindi mo alam kung paano ang tamang pag-handle ng isang magandang relationship katulad nito.”

IMPERFECTIONS? Bakit mas naging open na sila sa pagkukuwento tungkol sa lovelife?

Paliwanag ng aktres, “Kasi parang it’s time naman to share love and happiness naming dalawa.”

Meron bang mga character flaw ang mag-partner na dini-dedma na lang ng bawa’t isa.

Nagtawanan sina Maja at Gerald na parang meron silang naalala bigla.

Sumagot ang dalaga, “Huwag na natin i-share para yun na lang yung pinaka-secret namin.

"Kasi yung imperfection na yun, isa sa mga happiness naming dalawa.

“Mga maliliit na bagay pero yun yung…

"Basta nung malalaman ko at nakikita ko sa kanya, hay, parang hindi siya artista.”

Patuloy na nagtatawanan sina Maja at Gerald habang clueless ang mga press sa reaksiyon ng dalawa.

Pakiusap pa ng aktres, “Huwag na, yun na lang talaga…

"Tutal nag-share na kami ng ibang ano namin, sa amin na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman yung imperfection na yun.”

HAWAK KAMAY. Noong simula ng tanungan, hindi sinagot ni Maja kung gaano na sila katagal ni Gerald.

Pero sa bandang huli, “More than a year na po.”

Masasabi ba niya na sa panahong iyon, napagdaanan na nila ni Gerald yung mga mahihirap at matitinding pagsubok sa relasyon?

“Ah, hindi naman po natin masabi kung tapos na ang problema at kung may darating man.

“Siyempre, hawak-kamay pa rin kami na aayusin kung anuman yung problema namin.

"Kasi nung umpisa, alam naman po natin na yung problema…

"Grabe yung pinagdaanan namin.

“I’m very thankful and blessed na hindi niya ako pinabayaan, prinutektahan po niya ako.

"So yun po, at pag meron pang darating, opo naman, [kakayanin]."

Ano ang madalas iregalo ni Gerald sa kanya?

“Lagi kahit walang okasyon, flowers. Gusto lang niyang paramdam na… ”

Ano pa?

“Love,” masuyong sagot ng aktres.

Ano ang pinakabonggang gift ni Gerald sa kanya?

Nag-isip muna si Maja at saka sumagot, “Siguro yung pinaka-ever first date namin,” na ang tinutukoy ay ang Valentine’s date nila sakay ng helicopter.

READ FIRST READ ON PEP: Gerald Anderson takes Maja Salvador to Tagaytay on Valentine’s Day...via chopper!

“Kasi nga love is in the air kaya inakyat niya ako,” nangingiting dugtong ni Maja.

Si Maja naman daw ay pagkain ang palaging ibinibigay kay Gerald.

Ano ang favorite na pagkain ni Gerald na niluluto niya?

“Ngayon siyempre, may mga paborito siyang ulam na kailangan kong matutunan, like nag-try akong magluto ng chicken curry.”

Si Maja ay 26 at si Gerald ay 25, at parehong 30 hanggang 32 ang deadline nila sa pagpapakasal.

Gerald Anderson on relationship with Maja Salvador: "...hindi po kami nag-aaway..."

Read more at: http://www.pep.ph/news/46498/gerald-anderson-on-relationship-with-maja-salvador-hindi-po-kami-nag-aaway
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN