TV5 executives explain departure of Sharon Cuneta, non-renewal of Nora Aunor and Aga Muhlach’s contracts

Ayon sa TV5 executives na sina (mula kaliwa) Luchi Cruz-Valdes, head of news and public affairs; Noel Lorenzana, president; at Wilma Galvante, head of entertainment division, gusto nilang makapagbigay sa viewers ng mga alternatibong palabas sa taong 2015.


Isang intimate lunch ang ipinatawag ng executives ng TV5 kasama ang ilang piling miyembro ng media noong Lunes, December 15, sa Santan Room ng Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

Present ang TV5 president and chief executive officer na si Noel Lorenzana, ang chief entertainment content officer na si Wilma Galvante, at ang News5 head na si Luchi Cruz-Valdes.

Sa naturang intimate lunch, inanunsiyo ng mga namamahala ng Kapatid network ang mga bagong programang aabangan sa istasyon, kabilang na ang kakaiba raw nilang coverage para sa pagdating ni Pope Francis sa bansa.

Sinagot din nila ang mga isyu sa pag-alis ng Megastar na si Sharon Cuneta, at ang hindi pag-renew ng kontrata ng Superstar na si Nora Aunor at ng aktor na si Aga Muhlach sa kanilang istasyon.


SHARON, NORA, AGA. Agosto nitong taon nang inanunsiyo ni Sharon sa kanyang Facebook at Twitter account na hindi na siya konektado sa TV5.

Read: Sharon Cuneta leaves TV5; Kapatid Network wishes her well

Ito ay kahit hindi pa tapos ang kanyang five-year contract sa istasyon.

Read: Sharon Cuneta leaves TV5 with "unresolved issues"

Ikinalungkot daw ito ng management.

Saad ni Mr. Lorenzana, “Malungkot kasi may pinagsamahan din kami.

"Pero in the end, I believe, you know, any endeavor that you go through, you have to work for win-win situation that all entities, actually, will find their peace, to find their picture.

"So, I think, hindi naman ano... things will turn out good.”

Sa kaso naman nina Nora at Aga, natapos na raw ang kontrata ng dalawa sa istasyon.

Bakit hindi ni-renew ng TV5 ang kanilang mga kontrata?

Paliwanag ni Ms. Galvante, “Yung kay Ate Guy, nag-expire na talaga yung contract niya...

"Gusto din naman niya talaga yung film, more independent films.

“And then, we saw it also, e, in the course of her contract, gustung-gusto niya ’pag may pelikula at gagawin niya muna yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nag-expire yung contract, hindi na talaga kami nag-usap for any renewal.

"In the case naman of Aga, it’s also a business decision for the network because of the re-programming also that was going to happen.

"So, we were offering him sana muna program contracts for the year.

"Pero parang hindi din muna comfortable si Aga doon and we respect that.

“But ang usapan is basta’t meron kaming maayos at solid na programs for Aga, we will still sit down.”

Dagdag pa ni Mr. Lorenzana, “I think, in everything, hindi naman black and white, e.

"I guess, ang ano lang, ang kailangan lang, what we need to determine is what are mutually acceptable terms for all parties, where everybody, happy.

“It’s not black and white na dahil ayaw na namin or ayaw na nila, it’s just really finding a mutually agreeable party.

"In Aga’s case, my wife and Charlene [Gonzalez] are actually good friends.

"So, there’s no reason not to talk again, just so we find a mutually agreeable term.”

#DEARPOPEFRANCIS. Sa news and public affairs naman daw, pinaghahandaan na ng istasyon ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa January 15 to 19.

Saad ni Luchi, “We have a great plan for the coverage of News 5 of the Pope.

"We’re going to try to be different in our coverage.

“But off the back, we’re not going to reveal it right now, for very practical reasons, plus the concept is easy to steal.

"But suffice to say that from the title itself, you can glean that it’s going to be very different.

“For one, it’s going to be very personal, interactive.

"We’re going to make sure, as much as possible, that there is a line, no matter how imaginary between Catholics who love the Pope and the Pope himself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So the title of our coverage is also in keeping with the times, ’#dearpopefrancis’ and this is very personal.

"Today, we just launched our ‘send your petitions to us’ across all the platforms of TV5.

“We’re enjoining faithful Catholics to send in whatever prayer requests they have and we’re going to put up a website for it. We’re going to posts these petitions.

"We’re going to post also stories of miracles and their lives, transformations in their lives, their encounters with God through the Pope.

"And from these, we can put together, piece together a whole story of how the Pope has touched millions of Filipinos.

TV5 POSITIONING. Sa ngayon daw, ang gustong maging tatak ng TV5 ay ang mag-offer ng alternative shows para sa mga manonood.

Kabilang sa mga bubuksan nilang mga bagong programa sa 2015 ay ang Hi-5 Philippines, Happy Wife, Happy Life, E5, Extreme Challenge: Kaya Mo Ba ’To...


Mac and Chiz, Two and 1/2 Daddies, No Harm No Foul, Rising Stars, Last School Standing, Move It: Clash of the Street Dancers...


Solved na Solved, Call Me Papa Jack, at Healing Galing.

Bukod sa mga ito, magpo-focus daw ang management sa pagdidiskubre ng bagong talents.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN