Convicted criminal-singer Herbert Colanggo’s prison cell raided by NBI

Nagulat ang mga operatiba ng batas sa nakumpiskang mga kagamitan sa kubol ni Herbert Colangco, ang diumano’y lider ng Ozamis robbery gang na isa ring singer at nakapag-record pa ng album at nakapag-shoot ng music video sa loob mismo ng Bilibid.


Isang mainit na usapin ngayon ang tungkol sa convicted inmate cum singer/recording artist na si Herbert Colanggo.

Noong Lunes, December 18, ay nagsagawa ng sorpresang raid sa National Bilibid Prison, sa Muntinlupa City, si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima kasama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nakumpiska nila ang mga mamahaling gamit sa mga kubol ng tinaguriang high-profile inmates.

Kabilang na rito si Colanggo, na pinaghihinalaang lider ng Ozamis robbery gang.

Nasentensiyahan si Colanggo ng labindalawang taong pagkakakulong noong 2009.

Sa kubol ni Colanggo—na mas kilala sa tawag na "Kuya Herbert"—ay nakita ng mga operatiba ng DOJ at NBI ang marangyang recording studio nito.

Bukod sa mga mamahaling kagamitan sa studio, nakumpiska rin mula sa kanyang air-conditioned room ang mamahaling relo, 50-inch flat screen TV, home theater system, sauna at jacuzzi facility, LCD projector, at pera.

Nakuha rin ng mga awtoridad ang isang vault sa kanyang kuwarto na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuksan.

Ayon pa sa mga ulat, nagkaroon daw ng mga konsiyerto si Herbert sa loob ng kulungan. Mayroon din daw itong weekly-variety show sa Bilibid.

Taong 2013, ini-record ni Colanggo ang kanyang Kinabukasan album sa loob mismo ng Bilibid.

Nakatanggap pa nga ng Platinum record award ang nasabing album noong April 2014.

Read: Herbert Colanggo, inmate turned singer, reaches Platinum for Kinabukasan album

Sa kanyang YouTube page, umabot na sa lagpas 200,000 ang views ng kanyang "Pa’no ‘Yon?" music video.

Nitong nakaraang Setyembre, ginawaran si Colanggo ng New Male Recording Artist award ng PMPC Star Awards for Music, ka-tie si Richard Yap.

Read: Sarah Geronimo and Gary Valenciano win top honors in 6th Star Awards for Music


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN