PBA player Kevin Alas denies he is the boyfriend of Vice Ganda

Nilinaw ng Talk ’N Text player na si Kevin Alas na hindi totoo ang ibinuking ni Bimby Aquino Yap na siya ang "Kevin" na boyfriend diumano ni Vice Ganda. Nagkaroon lamang daw ng hindi pagkakaunawaan na nagsimula sa We Chat.


Ang PBA player na si Kevin Alas ang tinutukoy na “Kevin” na ibinuking ni Bimby Yap sa The Buzz noong Linggo, December 21, na boyfriend diumano ni Vice Ganda.

Read: Bimby Aquino Yap squeals name of Vice Ganda’s "boyfriend"

Inamin naman ni Vice sa Aquino and Abunda Tonight noong Lunes, December 22, na si Kevin nga ito, pero nilinaw niyang kaibigan lamang niya ang player ng Talk ’N Text.

Ayon pa sa Kapamilya star, marami silang magkakaibigan sa We Chat na karamihan ay mga basketbolista.

Pagkatapos ng bukingang iyon sa The Buzz ay nagkausap daw sila ni Kevin at nalaman ni Vice na apektado ang ina ng basketbolista.

Nahihiya naman daw si Vice sa pamilya ni Kevin dahil sa pagkaka-link sa kanya.

Kaugnay nito, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang kaibigan ni Kevin na miyembro rin ng kanilang We Chat, na kinabibilangan ni Vice, ngunit ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ayon sa kaibigang ito ni Kevin, tinanong niya ang PBA player kung totoo nga ba ang ini-reveal ni Bimby.

Kaagad daw itong itinanggi ng basketbolista.

Sabi nito sa text sa kanyang kaibigan, nakausap nila si Bimby sa We Chat nang siya raw ang sumasagot para kay Vice, na matalik na kaibigan ng ina ni Bimby na si Kris Aquino.

Paliwanag ni Kevin sa text message na ipinadala sa isang kaibigan:

“May group chat kasi kami yung tropa. Ako, Woody, Borgy, Garvo, Vice, Bernard, Dave, Marcelo.

“Nag-voice message kami tapos si Bimby ang sumasagot.

“Tapos yun niloloko ko si Bimby. Si Gabo nga nagre-reply din.

"Sabi ko nga sa group bakit di man lang si Gabo yung natandaan ni Bimby. Ako yung natandaan ni Bimby.”

Sabi pa ng kaibigan ni Kevin sa PEP, natitiyak niyang hindi man lang nahawakan ni Vice ang basketbolista. Magkaibigan lang daw talaga sila.

Ang pagkakaalam daw niya, mayroong isang basketball player na pinopormahan ni Vice, pero hindi raw ito si Kevin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN